17. SINO CRUSH NI GEORGIA?

1K 23 0
                                    

17. SINO CRUSH NI GEORGIA?

.....Brake's POV.....

Napatingin ako kay Georgia nung dumating ito sa classroom namin kasama sina Yasmin at Akiko nagtatawanan pa ang mga ito napangiti pa ako ng marinig ang magandang tawa ni Georgia.

Ang ganda talaga ni Georgia... tsk, kelan ko kaya siya mapopormahan? hay! bakit ba kasi napaka-torpe ko pagdating sa kanya...

"uy! baka matunaw naman"pabirong bulong ni Ericko sa akin napansin siguro nitong nakatingin ako kay Georgia.

"inggit ka, tiningnan mo din si Yasmin"wika ko kay Ericko.

"nah!... tsk, wag na baka mapansin pa niya ako"nakangiting wika ni Ericko.

Napatingin ako ulit kay Georgia saktong napatingin din ito sa akin napansin kong nabura ang ngiti nito sa labi at parang nagblush ito.

Ang cute niya...

Nginitian ko si Georgia.

"Naks... improving may pangiti-ngiti ng nalalaman"narinig kong sabi ni Keeno sa akin.

"tss... tantanan nyo ako ha!"nakangiting wika ko.

"Akiko, nakita ko pala kanina si Alfie may kausap na ibang babae"narinig kong wika ni Jayvee kay Akiko binatukan naman agad ito ni Georgia.

"eh! ano naman ngayon kung may kausap na ibang babae yung MANLILIGAW ni Akiko"malakas na sabi ni Georgia at tumingin pa kay Zandro na ex-bf ni Akiko.

"kausap or rather nilalanding ibang babae... okey lang pala yun?... gusto niyo bang malaman kung sino yung kalandian?"wika ni Jude na halatang nang-iinis.

"no need for that Jude... nakita ko din yun isa lang naman ang kilala kong malanding babae dito sa buong Monte Carlo eh! sino pa edi si SYDNIE..."nakangiting wika ni Akiko at tumingin ng masama sa grupo namin.

Napakunot-noo ako sa narinig tama ba yung pagkakaintindi ko na nilalandi ng kaibigan naming si Sydnie ang manliligaw ni Akiko na si Alfie, pero teka alam naman ni Sydnie na nanliligaw yung lalaking yun kay Akiko nakita pa nga naming nagde-date yung dalawa sa isang resto.

"ang landi talaga nung babaeng yun may boyfriend na nga nakikipaglandian pa tapos yung hinayupak na Alfie naman na yun may nililigawan na nga nakuha pang makipaglandian sa ibang babae... ang lalandi... grabe lang ha!"inis na wika ni Georgia.

"mag-ingat ka sa pananalita mo dyan Georgia alam mo namang nandyan yung mga Bestfriend eh! baka magsumbong kay Sydnie..."wika ni Yasmin.

"magsumbong sila paki ko"umirap pa ito sa amin.

"malaki talaga ang galit sa akin nung Sydnie na yun eh!... anyways wala na akong paki-alam kung maglandian pa forever and ever yung Sydnie at Alfie na yun... focus muna ako sa pagiging single ko... ikaw Georgia, kumusta crush mo?"nakangiting wika ni Akiko at tumingin pa sa akin.

"kumusta crush mo? nagsmile na ba siya sayo?"kinikilig na tanong ni Yasmin kay Georgia.

Napasimangot ako nung marinig na may crush si Georgia.

Sinong crush ni Georgia?! syet mauunahan na ba ako ng iba... gwapo kaya yun?... mas gwapo kaya sa akin?... hindi pwede yun... paano na ako? 

Napasimangot na ako ng tuluyan nabura ang ngiti ko kanina.

"nag-smile na siya sa akin... ihhh! kinikilig ako grabe ang gwapo talaga nya..."kinikilig na wika ni

Georgia.

"gwapo ba yun? tsss... parang hindi naman"wika ni Maki mukhang irita.

Napangiti ako sa sinabi ni Maki.

Tama, hindi naman siguro ganun kagwapo yung crush ni Georgia mas angat naman siguro ako dun nuh!

"gwapo yun noh!... siya ang pinaka-gwapong lalaki sa paningin ko..."parang nangangarap na anas ni Georgia nagniningning pa ang mata nito parang ang saya lang nito tingnan.

"wala ka na palang pag-asa 'tol may crush na si Georgia mo"pabirong bulong ni Inaki sa akin tumawa pa ito ng mahina.

"sino kaya yung crush ni Georgia mo?"bulong na tanong ni Keeno nang-aasar lang.

Sinuntok ko ng mahina sila Inaki at Keeno sa balikat.

Tss... badtrip... sino ba yung crush ni Georgia?

Biglang nagtawanan ang mga kaibigan kong sina Inaki, Keeno, Pio, Zandro at Ericko. Pinagtatawanan pa ako ng mga magagaling kong kaibigan. Kaibigan ko ba talaga ang mga ito.

Ang sarap bugbugin ng mga 'to.

Sino ang crush ni Georgia?... sino?... sino?... asar sino ba yun?...

Di ako mapakali gusto kong malaman kung sinong crush ni Georgia.

Napatingin ako sa tatlong magagandang babaeng pumasok sa classroom namin sina Avril, Aine at ang iika-ikang si Diamond may benda ang kanang paa nito.

"bebs, anong nangyari sa paa mo?"tanong ko kay Diamond.

"ang magtanong kung anong nangyari sa paa ko mababaog..."inirapan pa ako ni Diamond.

"sungit naman nagtatanong lang eh!"napakamot na lang ako sa ulo at tumawa naman ng mahina si Ericko.

"wag ka kasing tsismoso Brake... buhay mo pakialaman mo wag buhay ng iba... tsk..."biro naman ni Aine.

"tss..."anas ko at nagpout pa.

"yuck... you're so gay Brake magpout daw ba ng lips..."natatawang wika ni Avril.

Nagulat ako sa sinabi ni Avril kaya...

"HOY! AVRIL DI AKO BAKLA HA!... BAWIIN MO YUNG SINABI MO... LALAKING-LALAKI AKO DI AKO BADING..."biglang sigaw ko kina Avril.

Diamond: 0_0  (nanlaki pa ang mata at napatingin sa akin nagulat siguro sa reaksyon ko)

Aine: ~,~  (napapikit pa ito at halatang nagpipigil ng tawa)

Avril: #_#  (pinandilatan ako nito pero lihim na nakangiti)

Maya-maya ay...

"HAHAHAHAHA... BAKLA..."sabay-sabay na sabi nila Avril, Aine at Diamond.

Pinag-tawanan pa talaga ako ng tatlong bruha.

Napatingin ako kay Georgia naiiling na nakangiti ito.

"Brake, kumusta crush mo?!..."tanong sa akin ni Diamond na medyo tumigil na sa katatawa...

"ayun... may crush na iba..."wika ko.

"awww! wawa naman you..."pang-iinis pa nitong si Diamond sa akin.

.

.

.

~~~~~

Teens Love War: Asaran+Inisan+Bangayan=KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon