24. PRINCESS SUITOR COMMITTEE.

901 18 0
                                    

24. PRINCESS SUITOR COMMITTEE.

.....Avril's POV.....

Sobrang bigat ng loob ko.

Sobrang naiinggit ako kay Belle.

Bumugtong hininga ako ng malalim.

"anyare?!"sabay na tanong sa akin nila Aine at Diamond nasa classroom na nga pala kaming tatlo.

"wala naman, just don't mind me..."wika ko at sinubsob ang mukha sa armrest ng upuan.

"inaatake ka na naman ng kabaliwan mo..."natatawang komento ni Diamond.

"shhh!... wag ka maingay dyan"anas ko.

"ang sarap gupitin!"biglang anas ni Aine kaya napatingin ako dito.

"hah?"tanong ko dito.

"yung buhok ni Belle... ang haba umabot yata sa edsa, ang sarap lang gupitin kainggit sobra"sabi ni Aine na mukhang malungkot.

"oo nga nakakainggit... sobrang naiinggit ako sa kanya..."malungkot ko ding sabi.

"anong pinagsasabi nyong dalawa?"mataray na tanong ni Diamond sa amin ni Aine with matching taas kilay pa.

"naiinggit kami kay Belle!"sabay naming sabi ni Aine.

"mga inggitera pala kayo eh!... sus, parang yun lang"balewalang wika ni Diamond.

"Ipinagsigawan lang naman ni Lei sa harap ng maraming tao, ng maraming estudyante na mahal niya si Belle at liligawan niya ito... wala bang dapat ikainggit dun? i really find it sweet..."wika ko.

"sweet?! sweet na ba yun para sayo?!... eh! ang angas nga nung pagkaka-confessed, ang yabang parang hindi naman seryoso, parang hindi naman sincere... may manliligaw bang parang pinagmamayabangan pa ang babaeng balak ligawan? baka nga pinagti-tripan lang nung Lei na yan si Belle"wika ni Diamond pero hindi naman sa amin ni Aine nakatingin kundi dun kay Lei.

Tumahimik bigla ang classroom namin nagpapakiramdaman lahat dahil sa sinabi ni Diamond.

"malay mo naman seryoso..."wika ko.

"malay ko, malay mo, malay natin... wala naman talagang nakakaalam sa tunay na intensyon ng lalaking yan, si Belle nga mismo hindi naniniwala sa kanya tayo pa kaya at saka yung tipo niya mukhang hindi magseseryoso sa babae noh! paano kung pinagti-tripan lang pala niya si Belle? madaling magsabing gusto mo o mahal mo ang isang tao pero mahirap patunayan at mas mahirap paniwalaan lalo na kung tulad ng tipo niya ang nagsasabi..."wika ni Diamond.

Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Diamond napakatalas talaga ng dila nito kahit kailan.

"kung tunay man na malinis ang intensyon niya kay Belle, kung tunay man na seryoso siya mapapatunayan naman siguro niya yun diba?"wika ni Aine at ngumiti tapos tumingin kay Lei.

"yun e kung papayagan siya ni Belle na patunayan... hindi basta-basta pumapayag si Belle na ligawan siya lalo na kung ligaw sa tabi-tabi lang ang balak ng lalaki..."wika ni Diamond.

"may alam akong way para mapapayag si Belle..."wika ni Aine.

"major good luck sa kanya kung ganun..."wika ni Diamond.

"Brake, alam mo ba kung anong way yun?!?"narinig naming tanong ni Zandro na sa pagkakaalam ko nagbalak din dating ligawan si Belle kaso na-reject lang.

"yap!, Princess Suitor Committee..."wika ni Brake alam rin nito at ni Ericko ang tungkol sa Princess Suitor Committee dahil nga classmate namin ang mga ito nung high school.

"ano naman yun?"tanong ni Keeno.

"pag-masyadong makulit yung balak manligaw kay Belle at ayaw siyang tigilan kahit na dinededma na niya, kahit na pinagtatabuyan na niya, kahit halata ng walang pag-asang payagang manligaw magkakaron pa rin yan ng chance, yun ay pag-nakapasa sa Princess Suitor Committee..."natatawang wika ni Ericko.

Napatingin ako bigla kay Lei nakikinig ito kina Ericko mukhang interesado sa mga sasabihin ng mga ito.

"paano?"tanong ni Pio.

"kailangang makuha nung lalaking balak manligaw kay Belle ang limang yes ng mga member ng Princess Suitor Committee hindi nga lang madali dahil mga magagandang amazona lang naman ang mga yun"dugtong ni Brake sa sinasabi ni Ericko.

"Stop that Brake and Ericko... spoiler kayo"sita ni Diamond sa dalawa.

"limang yes... pwedeng makuha galing sa akin, galing kay Diamond, galing kay Aine, galing kay Yce, at galing kay Yanna... limang yes galing sa aming mga Bessie's ni Belle meaning kailangan makuha nung lalaking yun ang loob namin bago siya payagang ligawan ng tuluyan si Belle mahirap ba? pagka-nakuha naman niya ang limang yes namin sinisiguro naming hindi lang namin siya ilalakad, itatakbo pa namin siya kay Belle... ihanda nga lang niya ang sarili niya dahil malupit ang mga challenges na pagdadaan niya..."wika ko kina Brake at kina Lei.

"Yung Princess Suitor Committee na yan applicable ba sa inyong lahat?"biglang tanong ni Pio kunot-noo pa ito.

"kay Belle lang pero madalang lang yun magamit wala namang sobrang kulit na lalaking nanggulo sa kanya usually pagnagtanong kung pwede siyang ligawan tapos rejected agad hindi na nangungulit, yung Lloyd lang na yun ang pinakamakulit pero tolerable naman daw sabi ni Belle at kaya namang ihandle"wika ni Aine.

"hindi pa naman totally nireject ni Belle si Lei kaya hindi natin alam kung kakailanganing kumilos ng Princess Suitor Committee... major good luck pa rin sa kanya, good luck to the nth power"wika ni Diamond.

Napatingin ako kay Lei na lumabas ng classroom napailing na lang ako.

"ikaw talaga Diamond yang dila mo hindi mapigil noh! hinay-hinay naman sa pananalita mo, napaka-straight-forward eh!"wika ko kay Diamond.

Ngumiti lang ng matamis si Diamond alam na alam na kong may nilulutong kung ano mang plano ang bruhang kaibigan ko ngiti pa lang nito nakakatakot na.

"ang pako kailangang pukpukin para bumaon, ang sasakyan kailangan ng pagmamaneho para umandar, ang tao kailangang takutin para matakot, ang tao kailangang batuhin para matamaan, ang taong gusto mong lumaban hahamunin mo"makahulugang wika ni Diamond at nagtaas-baba pa ang kilay.

Lihim akong tumingin kina Maki at nakita kong nakatingin si Maki kay Diamond ng may ngiti sa labi na-gets din yata nito ang ibig ipakahulugan ni Diamond sa sinabi nito.

Hay! im sure nagkaka-crush na itong Maki na ito kay Bessie Diamond ko... hindi lang si Bessie Belle ang mahaba ang buhok pati na rin si Diamond, hay! ganda talaga naming magbebestfriend... hahaha...

"natamaan naman kaya yung si Lei? nachallenge kaya yun?... kailangan mapatunayan niya ang sarili niya kay Belle"wika ni Aine at ngumiti.

"dapat lang talaga noh!, teka napansin niyo bang matamlay si Belle?"biglang tanong pa ni Diamond.

"oo nga eh!, siguro dahil dun sa unwanted visitor nila nung saturday... hindi pa naman nagkukwento si Belle hayaan na muna natin siya, ayain na lang natin siyang magshopping mamaya para mawala kahit konti yung stress niya"wika ni Aine.

"shopping?! nagshopping kayo ni Yanna kahapon diba?! magshoshopping ka na naman?!..."gulat na wika ni Diamond.

"ah! eh!... ahm!, stress din ako eh! shopping ang stress reliever ko remember"alanganing wika ni Aine.

"napakagastador ha!..."wika ko at tumawa tapos nagring ang cellphone ko.

Calix calling.....

"aw! Calix calling... "kinikilig na wika ni Aine na malakas."tumatawag ang manliligaw mo Avril... ihhh! kinikilig ako"tili pa nito.

.

.

.

~~~~~

Teens Love War: Asaran+Inisan+Bangayan=KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon