38.2. SI GORGEOUS AT SI HANDSOME.

606 23 16
                                    

Sorry Readers(KUNG MERON MAN) for slow update.

Happy Reading Everyone.

Vote and Comment naman dyan oh wag na mahiya.

Thanks in advance for reading. Love Lots.

By. Smoochie_aja

.

.

.

38.2. SI GORGEOUS AT SI HANDSOME.

.....Georgia's POV.....

"Ano pa bang dapat nilang pag-usapang dalawa? ka-imbyerna talaga yung bruhang yun"inis na wika ni Sydnie.

"hayaan mo na lang na makapag-usap sila hindi na naman yun mahal ni Brake diba?"wika ni Jayvee kay Sydnie with matching hawak pa sa pisngi ng nililigawan.

"yah! hindi na siya mahal ni Brake yun ang alam natin pero malay mo muling manumbalik yung nararamdaman ni Brake dun sa babaeng yun it could happen lalo na mahal na mahal niya yun dati"inis pa ring wika ni Sydnie.

Natigilan ako saglit sa narinig na sinabi ni Sydnie. Sa pagkakaalam ko mahal ako ni Brake gaya na rin ng sabi nila Sydnie pero ang rason daw nito kaya hindi ako nito maligawan ay dahil sa unfinish business nito sa Ex-Gf nito what if hindi pa talaga burado sa puso ni Brake yung Ex-Gf niya na yun tapos ngayong bumalik ito magkabalikan pa ang dalawa paano na ako? paano na ang puso kong sobrang sumaya nung malaman kong mahal din ako ni Brake mababalewala lang ba ang sayang naramdaman ko?

"Naka-move on na si Brake sa babaeng yun there's no way na magkakabalikan sila"i heard Diamond said with full conviction pa, paano niya kaya nasabi yun?

Natatakot ako sa posibilidad na magkabalikan si Brake at yung Ex-Gf niya pero mas natatakot ako sa posibilidad na wala naman talagang gusto sa akin si Brake at ang totoong gusto nito ay si Diamond masyadong malapit sa isa't-isa ang dalawa madalas pang magkasama ang mga ito kung titingnan ang dalawa maiisip mong may lihim na relasyon ang mga ito parang hindi ko yata kakayaning makaribal ko si Diamond kay Brake she's too perfect at napakabait pa.

Wala na bang pag-asa ang inaasam-asam kong makulay na buhay pag-ibig?

"kung magiging hadlang yung babaeng yun sa masayang buhay pag-ibig ni Brake ako talaga ang makakalaban niya"wika ni Sugar at tumingin sa akin tapos ngumiti.

"Kakalbuhin natin siya pagnangyari yun"natatawang wika ni Diamond tapos ay tumayo na."mauna na pala ako pupuntahan ko pa sila Diwata at Mutya eh!"

"Sige"wika nila Sydnie.

Lumakad na palayo si Diamond.

"Hindi kaya may gusto si Diamond kay Brake?"biglang tanong ni Bimby.

"May ibang mahal si Bebs Diyosa at tingin ko walang ibang lalaking makakapalit dun sa puso niya"wika ni Ericko.

"Ibang mahal? Sino?"tanong ko.

"Ahm! sorry but i don't think i have the rights para sabihin yung tungkol dun masyado kasing sensitive si Bebs Diyosa pagdating sa usapin tungkol sa lalaking yun mahirap na"wika ni Ericko."wag ka mag-alala Georgia ikaw ang mahal ni Brake sigurado kami dun"

Napangiti na lang ako sa huling sinabi ni Ericko dahil dun nagkaroon ako ng lakas ng loob.

"Tuloy pa rin ang plano i don't think naman na makakagulo sa inyo ni Brake yung Ex-Gf niya... tutulungan namin kayong dalawa pramis"wika ni Zandro na nakangiti.

"Salamat"wika ko.

"Ano kayang pinag-uusapan nila Brake at nung Ex-Gf niya ngayon?"biglang wika ni Thine.

Teens Love War: Asaran+Inisan+Bangayan=KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon