42.4. CHAMP & YLAC.

276 11 2
                                    

42.4. CHAMP & YLAC.

.....Ylac's POV.....

Bumalik ako sa Birthday party ko sa bahay ni Diamond masakit man ang puso ko sa oras na ito hindi ko naman pwedeng ipagwalang bahala ang ginawang effort ng mga kaibigan ko para sa suprise nilang yun para sa akin.

Parang kanina lang ayos na ayos kami ni Champagne tapos hindi pa natatapos ang araw na ito unang natapos ang ano mang meron sa aming dalawa. Grabeng birthday gift naman ito.

Masaya at nag-eenjoy ang lahat sa party ko. Malakas ang masayang tugtugin. Maingay ang kwentuhan at tawanan ng mga bisita. Buti pa ang iba masaya samantalang ako ito duguan ang puso kasalanan ko naman kaya dapat ko itong pagdusahan pero wala akong balak kalimutan ang nararamdaman ko para kay Champagne mamahalin ko pa rin siya kahit pa walang kapalit.

Sunod-sunod ang pagtunga ko sa bote ng beer wala na akong pakialam kung malasing man ako ng oras na yun.

"Hey! Birthday Boy, Nagpapakalasing ka ata ah!"sabi ni Diamond sa akin tumabi pa ito sa upuan ko tapos tinungga ang isang bote ng beer."Paunahan malasing?"panghahamon sa akin nito.

"Sige. Anong mapapanalunan?"tanong ko at ngumiti.

"Hahayaan kita lusutan yang problema mo. Pagnatalo ka hahayaan mo akong mangialam."Diamond.

"Alam mong may problema ako?"tanong ko.

"Deal?!"tanong lang nito sa akin.

"Deal!"anas ko.

"Ayos!.. Let's start!"excited na anas ni Diamond binigyan ako ng isang bote ng beer."Cheers!"

Nakakailang bote na kami ni Diamond tinamaan na ako ng kalasingan pero kaya ko pa naman at alam kong kayang-kaya pa rin naman ni Diamond.

Napatingin ako kina Brake at kina Georgia na mukhang nagtatalo-talo.

"May problema ba sila Georgia kina Brake?"tanong ko kay Diamond.

"Kung sinu-sino kasing nilalanding mga babae alam na ngang nandyan lang sila Georgia gaya mo kung kani-kanino ka nakikipaghalikan alam mo na ngang nandyan lang si Champagne.. Ano yun magtatatalon sa tawa si Champagne at sila Georgia habang nakikipaglandian kayo malamang hindi malamang magagalit sila."sabi ni Diamond.

"Bigla na lang akong hinalikan ni Quincy hindi ako ang humalik sa kanya nakita kasi niyang may kausap na ibang babae si Collossus at nakikipagtawanan ito nagselos kaya ayun hindi naman alam ni Quincy na nandito yung babaeng gusto ko."sabi ko.

"Wag ka sa akin mag-explain.. Happy Birthday nga pala at saka... Sorry..."serious na sabi ni Diamond sa akin.

"Sorry? Para saan? Wag mo sabihing may ginawa kang kasalanan sa akin ng hindi ko alam?"sabi ko.

"Sorry kasi alam kong nahihirapan kang magcelebrate tuwing birthday mo o tuwing magbibirthday ka kasi iniisip mo ako. Iniisip mo na malulungkot na naman ako madedepressed kasi magkasunod lang ang birthday niyo ni Han-han... Sorry kasi masaya naman talaga ako kasi birthday ng pinaka-gwapo, pinaka-mapagmahal, pinaka-mabait at pinaka-understanding naming Bes pero a part of me malungkot dati-rati dalawa kayo ni Han-han na sabay na nagcecelebrate ng birthday ang saya-saya natin noon pero ngayon hindi man lang ako makapagsaya ng todo-todo para sayong birthday ang unfair ko lang sayo kasi pag-birthday ko sobra ang paghahanda niyo talagang pinag-iisapan niyo ng mabuti kung paano icecelebrate tapos ako hindi ko man lang magawang maging masaya ng husto ilang taon na rin siyang wala ilang birthday mo na rin akong hindi naging mabuting kaibigan sayo kaya sorry.."mahabang litanya ni Diamond naiiyak na ito.

"Diyosa, Lasing ka na ba?"natatawang tanong ko kay Diamond its close to impossible na malasing ito kaunting oras pa lang ito umiinom sobrang tagal ko na siyang kilala at kasama alam kong parang sunog baga sa kanto ito pagdating sa alak.

Teens Love War: Asaran+Inisan+Bangayan=KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon