28.1. ANG DENYING PRINCE AT ANG KANYANG DREAM GIRL.

993 17 10
                                    

28.1. ANG DENYING PRINCE AT ANG KANYANG DREAM GIRL.

…..Ericko's POV.....

Napasimangot ako medyo naiinggit ako kay Lei buti pa ito pinayagan ng manligaw ni Belle nasabi na nito sa babaeng mahal nito ang tunay nitong nararamdaman samantalang ako hanggang tingin na lang at hanggang sa lihim na lang na pagmamahal ang kayang gawin.

Kailangan ko na daw kumilos pero paano madaling sabihin ngunit mahirap gawin.

Wala sa isip kong umamin kay Yasmin ng tunay kong nararamdaman para dito hindi ko alam kung paano ihandle ang isang seryosong relasyon ayaw kong masaktan ko lang ang dalaga.

Napatingin ako sa hawak kong cellphone nang mag-vibrate ito may nagtext ang bruhang si Diamond talagang iniinis ako ng  babaeng ito panay text na pang-iinis.

From: Bebs Diamond.

Hoy! Bebs Ericko nakita kong may kausap na lalaki si Yasmin mo... Naku ka mauunahan ka na ng iba take note super gwapo ang kausap niya tsk tsk tsk

Binalewala ko na lang ang text nito naiinis na nga ako iinisin pa ako nito.

Maya-maya nag-vibrate na naman ang cellphone siguradong si Diamond na naman yun.

From: Bebs Diamond.

HOY!!! ERICKO, NAPAKA-TORPE    MO... ANG TORPE TORPE TORPE TORPE MO... MAUNAHAN KA SANA NG IBA PAG NANGYARI YUNPAGTATAWANAN KITA HAHAHA… KUMILOS KA NA BAGO MAAGAW NG IBA ANG DREAM GIRL MO…

Nakabusangot na tinanggal ko ang battery ng cellphone ko para hindi ko na mabasa ang pang-inis na text ni Diamond.

"problema mo?"nakangiting tanong sa akin ni Keeno.

"mukha mo ang problema ko"wika ko.

"alam kong sobrang gwapo ako at naiinsecure ka sa kagwapuhan ko pero wag kang mag-alala gwapo ka rin naman kaya wag mo ng problemahin ang mukha ko"wika ni Keeno at nagpacute pa.

Napatingin ako kina Yasmin ng pumasok ang mga ito sa classroom namin.

"bakit mo tinanggal ang battery ng cellphone mo? pinuputakte ka na naman ba ng text ng mga babae mo? tigilan mo na kasi yang pambabae mo"wika ni Zandro.

"wag mo akong igaya sayo"wika ko."kinukulit kasi ako ng isang baliw na babae ang sarap sakalin"anas ko.

"parang kilala ko kung sinong nangungulit sayo, Ericko... hayaan mo na yun"natatawang wika ni Brake na busy sa PSP.

"damn it... gusto kong balewalain ang sinasabi niya pero hindi ko magawa nakakainis na"wika ko.

"OMG!!!… NANLILIGAW SAYO YASMIN SI ROBI, FOR REAL?"narinig kong tili ni Akiko.

"Yah!"wika lang ni Yasmin at ngumiti mukhang kilig na kilig pa.

"isa sa pinapangarap na lalaki ng mga babae dito sa University ang gwapong-gwapong si Robi manliligaw ng Bestfriend natin Akiko... grabe! i really can't believe this ang ganda mo Yas"kinikilig na wika ni Georgia.

"Georgia, pangarap din naman ng mga kalalakihan dito sa campus si Yasmin ah! kaya siya ang Campus Dream Girl"wika ni Akiko.

Napabugtong hininga na lang ako sa narinig.

"damn it"bulong ko at napahawak ng mahigpit sa armrest ng upuan ko parang gusto kong manapak.

Biglang may isang eksena akong naalala sa library nung marinig kong pinag-uusapan nila Jayvee sina Yasmin at nabanggit ni Lei na matagal ng may lihim nga daw na pagtingin sa akin si Yasmin ngunit di naman ako sigurado dun.

Teens Love War: Asaran+Inisan+Bangayan=KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon