UNKNOWN.
Noong bata pa ako,sabi ng mama ko ang magmahal ay hindi biro kaya dapat ay hindi magmadali at maghintay sa tamang panahon. Ayan palagi ang nasa isip ko mula bata pa ako dahil ayaw ko maranasan yung nararanasan ng iba.
Hanggang sa makita ko siya at tila nakalimutan ko ang dapat kong tandaan. Na bata pa pala ako para madama ang ganitong bagay.Park.
Habang ako ay tumitingin tingin sa mga naglalarong bata ay hindi ko maiwasan na mahiya dahil bago lang ako dito. Kakalipat lang namin ng bahay galing sa Laguna at napili naming tumira sa Quezon City. Dahil sa trabaho ng aking mga magulang at kailangan ng malakihang sahod.
Habang ako ay parang paru-paro na kung saan saan sumusuot ng may nabangga akong BUGGG!! Kung minamalas ka nga naman. Aray koooo!! Paepal kase eh. Naluluhang sambit ko. Dahil napaupo ako sa semento at talagang napalakas. Hindi ka kase tumatabi. Para kang kiti kiti. Sambit ng batang lalaki.
Nainis ako na pagsabihan niya kong kiti kiti..At ng akmang tatayo nako. Napatingin ako sa mukha nito. Ang amo ng mukha niya at ang mas nakakapansin ay ang singkit na mata nito. Ngunit biglang tumakbo na ang batang lalaki at hindi ko naitanong man lang ang pangalan nito.
Ang pogi niya! Tanging nasabi ng ko. At halos araw araw ay pumupunta ako dito sa park. Para makita lang siya at makipagkaibigan.
At nasagot na ang aking kahilingan ng malaman ko ang kanyang pangalan sa isa sa mga kaibigan nito. Siya ay si Low,ang lalaking hinahangaan ko simula palang..
Low? Ang pangalan niya! Low sa ibig sabihin mababa. At napatawa ako dahil parang may kumiliti sa tiyan ng malaman ko iyon.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Halos 10 taon na ang nakalilipas ng mangyari iyon.♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Ako nga pala si Angel Monteya. But you can call me "Teya" and I'm 18 years young (old). The one and only daughter of Family Monteya. The Goddess of all. Charot!! Isang babaeng hindi mayaman at hindi mahirap nasa gitna lamang ng dalawa. Ay thankyou!
Simula ng lumaki nako sa Quezon City ay hindi nadin ako nahirapang makisama at makipaghalo-bilo sa iba. Ang akala ko dati ay mas mahirap mamuhay dito. Pero tama nga naman talaga. HAHAHA! Sa QC kase ay marami ng adik.. miski mga panget ay parang drug dealer na. O diba? San kapa dito kanaaa!
At dito nagsisimula na ang aking buhay.
......................................................
06:30 am
Teyaaaaaaaaaa!!!!! Sigaw ng dragon na yun. Aga aga pa eh. Iniistorbo ako. Nubayan!!! Ginigising na naman ako ng nanay ko. Po? Bakiiiiiittttt hoooo. Tila antok na sambit ko. Malelate kana lintik kang bata ka. Wala kanang ginawa kundi magdutdot ng cellphone mo ni maglinis di mo magawa asdfggghh! Galit na sambit ng nanay ko. Naiirita na naman ako. Pero kahit ganyan yan sweet yan sakin minsan lang. Ano ba meron po ngayon? Ako. At napaisip ako sa sarili ko na pasok ko pala.
Ang tanga mo talaga Teya! Palibhasa kase lagi kang tutok sa pinagpopost ng baby mo!
Napailing nalang ako dahil tama naman si isip eh. Talagang nakatutok ako at mas malala pa sa stalker ang ginagawa ko. Pagkatapos ko kumain na halos isang subo lang ata ginawa ko. Ganyan talaga ako pag nagmamadali eh halos hindi nako makakain ng maayos. At nagpaalam na sa nanay ko,ma? Alis na po ako. Teka si papa po? Sambit ko. Anak busy siya ngayon sa pagpupulis niya. Oo tama kayo ng basa pulis ang tatay ko. Kaya hindi ako makakarengkeng eh. Hehe!!
Sumakay nako ng tricycle. Para mabilis na ako makapunta sa school. Baka hindi nako papasukin pag jeep pa sinakyan ko. Manong sa Quirino High School lang po. Sabay tango ng manong driver. After ng tatlong taon charot! Pagkatapos ng 28 minutes nandun nako sa school. Salamat at kaskasero si kuya.
Ng papasok nako ng school ng makita ko sarili ko sa mirror ng kotse. Jusko! Bakit ganito yung ayos ng buhok ko. Tanong ko sa sarili. Naalala ko na dahil pala sa tricycle yun na konti nalang gumulong ako. Ng makapasok nako ay hindi ko maiwasan na mahiya ng sobra.
Anong meron sa mukha ko? May dumi ba? Mag higad ba sa mukha ko? Pagpapakalma ko sa sarili ko para hindi ako masyadong mahiya at baka sabihin ko na kay lord na lamunin nako ng lupa... Grade 12 nako ngayon. At kailangan ko pagbutihan ang pag-aaral dahil gusto ko pumasok sa UP or PUP. Ng matingnan ko na kung saan ang kwarto ko ay dali dali akong pumunta.
Hello? Um. Dito karin ba nakaroom. Sambit ng babaeng maliit at naglalakihang eyebags. Di ko mapigilan na matawa at syempre nagtaka ang babae siguro iniisip niya kung anong nakakatawa sa mukha niya. Kaya parang asar na kinausap ako. Anong nakakatawa? Ani ng babaeng maliit. Ah wala! Kase nagtataka ako kung bakit malaki eyebags mo! Tawang tawa na sabi ko. Actually pag ako may naisip ay dinederetso ko sa tao ito. At hindi nako nagpapaligoy ligoy. Ah ito ba! Sabay hawak sa kanyang eyebags. Mahilig kase ako magpuyat at manood ng harry potter myloves♥♥ sambit ng babae na nagniningning ang mata ng masabi ang harry potter.
At dumating na ang aming guro na magtuturo samin.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
BINABASA MO ANG
Mahal ko O mahal ako (ON-GOING)
Teen FictionLahat ng tao kayang magmahal simula sa Nanay at Tatay,Ate at Kuya,kapatid at Pinsan. Lahat tayo nararamdaman ang pagmamahal pero minsan sa sobrang pagmamahal natin ay hindi natin ito kontrolado. Minsan nabibigla nalang tayo na nagmamahal na pala t...