3rd Person Pov.
Ringgggggggggg
Recess time na ngunit si low ay hindi pa tumatayo sa kinakaupuan nito. At ng akmang aalis na si teya ng hablutin nito ang kamay ni Teya. Na ikinagulat ng dalaga.
Teya Pov.
Paalis na sana ako ng hilahin ni Low ang Kamay ko na ikinagulat ko. At nakaramdam ako ng parang kuryente na dumaloy sa Katawan ko at parang di ko maintindihan yung tiyan ko. Pagtingin ko sa kanya ay Kunwari nakakunot ang noo ko at parang nagtataka...
"Samahan mo ko dito." -Low (cold voice)
Una nagalinlangan pako dahil kami lang dalawa talaga sa classroom at baka may makakita samin at magchismis na baka may ginagawang kababalaghan tss! Nakakabuwiset kaya! Umupo nalang ako sa Tabi na upuan niya. At hindi ako makatingin na para bang may kasalanan ako. Kahit wala naman o sadyang baka pag tiningnan ko siya baka matutunaw ako. Pero nakikita ko parin siya na pinagllaruan niya yung ballpen niya ng hanggang sa napatingin siya sakin..
"May gusto kaba kay Jayhon?" -Low (parang naiinis na sabi niya)
"Ako? Wala ah. Ayokong masaktan bestfriend ko." -Teya (na may halong kaba)
"Kung talagang wala kang Gusto sa kanya bakit ka namula nung inangat niya mukha mo?" -Low (ngayon ramdam ko na ang galit niya)
Pano niya malalaman yun eh masaya nga siyang nagchachat dun sa cellphone niya. O kaya may third eye tong si Low kaya nakikita niya kami kahit hindi siya nakatingin. Creepy naman this boy!
"Sino ba naman hindi mamumula dun kung biglaan niyang hinarap mukha ko sa mukha niya tapos ang lapit pa. And oo inaamin ko maitsura siya." -Teya
"Nagustuhan mo naman? Bakit kaba ganyan?" -Low.
Makaasta naman ito kala mo magsyota na kami. Pero ganito kaya siya sa ibang babae or ex niya. Ang sweet naman ♥♥
"Um. Hindi kita maintindihan. Hindi ko naman gusto yun." -Teya
"Simula ngayon sakin kalang sasabay. Wala kang lalapitan na lalaki. At hahatid sundo kita sa inyo." -Low
Huh? Helloooo Soul?? Mind??? Heart?? Body?? Nainform niyo ba ko dito?? Kami naba ni low?? Or concern lang siya?..
"Wala kang karapatan gawin yon. Tinatanggal mo yung pagiging malaya ko. Bakit nanligaw kana ba? Boyfriend ba kita?? -Teya
"Pano kung sabihin ko na gagawin ko palang yun. At gusto ko sakin kalang." -Low
Hala! Biro yun? Tangina pala tong lalaking to. Nako! Kung hindi lang kitang crush. Nabugbog na kita kanina pa. Pft!!
"Di pako handa" -Teya
Ayan. Daretsuhin ko na siya. Tss! Crush ko siya. Pero di ko alam kung mahal ko siya. Di pako nakakaramdam nun sakanya.
"Gagawin ko lahat mapasakin kalang!" -Low
Umalis na siya at iniwan akong magisa. Na nalilito parin kung bakit niya ginagawa yun. Ano bang nakain niya at ginagawa niya sakin ito? Naapektuhan siya kay Jayhon. Or nagseselos siya. Pft! Umalis narin ako at pumunta na ng canteen nagugutom na din ako at sabayan pa ng sakit ng ulo ko kakaisip sa low na yan.....
Low Pov.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko nung sinabi niyang hindi pa siya handa. Kahit na nahahalata ko na tingin ng tingin siya sakin and nalungkot siya nung may kachat akong iba. Alam ko na may gusto siya sakin. Akala ko papayag siya but heck! Hindi siya pumayag. Ano bang klaseng babae siya. Hirap niya kunin. Kaya ko siya kinausap dahil sinisimulan ko na yung deal ko sa sarili ko. Na dapat ipafall ko siya sakin. At hindi sa jayhon na yun. Halata naman na mas lamang ako ng gwapo kesa sa kanya. Umalis nako para kunyari naaapektuhan ako sa kanila. Oo wala akong mapagtripan na babae at si Teya ang napili ko. Gaya nga ng sabi ng iba hindi ako titigil na hindi makuha ang gusto ko. Papunta nako sa Covered court para magbasketball at pampalipas oras. At iniisip ko pa ngayon kung pano ko makukuha si Teya.. Oo may gusto ako sa kanya pero di ko siya mahal. Pag nakuha na kita Teya. Sinisigurado kong mapapasakin lahat ng nasayo....
Someone Pov
So siya pala ang bagong student dito? Siya din ang bagong lumalandi kay Low?
Opo Mam! -ani babae
Maghanda ka sakin Teya. Magbabalik na ang totoong para kay Low. At ikaw ibabagsak kita sa lupa hanggang sa malampa ka.
------------------------
Hiiii!!! Authorrrrr hereee againnnn.
Medyo may pagkaboring ba? :(Huahua inaantok na kase si Author niyo eh.
Goodnight! ;)Sana magustuhan niyo kahit ganyan!
ARM

BINABASA MO ANG
Mahal ko O mahal ako (ON-GOING)
Fiksi RemajaLahat ng tao kayang magmahal simula sa Nanay at Tatay,Ate at Kuya,kapatid at Pinsan. Lahat tayo nararamdaman ang pagmamahal pero minsan sa sobrang pagmamahal natin ay hindi natin ito kontrolado. Minsan nabibigla nalang tayo na nagmamahal na pala t...