Teya Pov.
Hay! Pasukan na naman. Makikita ko na naman mga kaklase kong mababait. Nakahiga pako at parang ayaw ako pabangunin ng higaan ko. 5:30 pa naman kaya may oras pa ako. Kaya tulog muna ng onti.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TEYAAAAAAAAAAAAA???????????!!!!! -MamaBlag! Nahulog ako sa kama ko at nauna pa yung mukha ko kaya talagang nagising yung diwa ko. Huhuhu! Ang sakit ng mukha ko baka magkapasa ako or mamula mukha ko. Nakooo! Ayaw ko pa naman na mapahiya. Lam niyo na! Ayaw masayang beauty ni Dyosang Teya niyo! 7:00 na pala..Kaya nagmamabilis na naman ako.
Ligo
Bihis
Kain
Labas
Sakay
Yan nagmamadali na talaga ako. Sa sobrang pagmamadali ko. Sa tricycle nalang ako nagpulbos nagsuklay at naglip gloss. Syempre! Kailangan maganda ka parin kahit nagmamadali. Bumaba nako ng tricycle at nagsimula ng maglakad papunta sa gate. Mabuti at 3 minutes pa magbebell. Kaya okey pa rampa muna hanggang sa makapasok ng Gate. Hindi ko mahanap yung mga beshie ko. Baka nalate kase mga sobrang busy di mo alam kung ano mga pinagagawa. Naglakad lakad ako para baka sakaling makita sila at
Lingon Sa kaliwa
Lingon sa kanan
Ayun sila! At kasama mga tropa ni Low. Kailan pa sila nakipagkaibigan sa mga ito? Baka parang di ako naiinform. Parang di naman nila ako bestfriend. Pumunta ako sa kanila at naghi sa bawat isa sa kanila. Pwera lang kay Low na cold ata ngayon.
"Oh Beh! Bakit ngayon kalang?" -Alex
"Ah! Sorry nalate kase ako ng gising." -Teya (na pilit ngumingiti)
Nahihiya parin ako sa kanilang mga magkakaibigan ni Low kase bago ko palang silang mga kakilala. At hindi ko pa masyado kilala ugali nila. Pero di ko din masisisi si Jenny and Alex kung kasundo na nila ito. Transferee lang ako noh. Pft! Tinitingnan ko si Low na busy sa kakacellphone at ngumingiti pa. Buti pa yan pinapangti ka,samantalang ako hindi ko magawa yun. Nalungkot ako sa naisip ko. Kaya napayuko nalang ako.
"Teya?" -Jayhon
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napaangat agad ako ng ulo ko. At halatang nagulat ako.
"Ba....bakit?" -Teya
Jusko teya! Pahalata ka talaga! Stay calm. Inhaleeeee Exhaleeeeee... Lumapit si Jayhon sakin at may hinawaka niya yung mukha ko at hinarap sa kanya.
"Hindi bagay sayo ang malungkot (smile) ngumiti kana man." -Jayhon
Nangamatis na naman si ate niyo. Kaya hindi napigilan ni Jayhon matawa ng konti. Hindi kase ako sanay na may lalaki na sobrang sweet sakin except kay papa ko. Kaya yumuko na naman ako at pinakalma ang sarili ko.
"Ok....okey!" -Teya
Sumunod nalang ako sa sinabi ni Jayhon dahil baka nga hindi bagay talaga. At ng tiningnan ko sila Alex and Jenny. Si jenny nakangiti at kinikilig at si alex ay nakangiti na parang napipilitan. Alam ko mali ito. Alam ko hindi ko dapat hinayaan na ganituhin ako ni Jayhon pero bawat galaw niya mabibigla nalang talaga ako. At tumingin naman ako sa mga kaibigan ni Low sina Val at Villan nangisi at sila Bays at Jasper ay nangiti pwera lang kay low na tutok parin sa cellphone at parang may kachat o kausap itong iba. Kailan mo ba ko mapapansin low! Kailan ba?
Jasper Pov.
Nakita ko ang pangyayari kung paano tumingin si Teya kay Low habang si Low naman ay nagchachat sa ibang babae. Halata sa mukha ni Teya na may lungkot at hinanakit ito. Pero itong gagong low na toh parang walang pakealam sa mundo. Palibhasa walang sineseryoso. Kung ako kay Low icocomfort ko na si Teya. Ng biglang lumapit si Jayhon at Inangat ang mukha nito paharap sa kanya. Talagang sweet si Jayhon at may sineryoso naman siyang babae pero minsan pag trip niyang paglaruan paglalaruan niya lang feelings ng babae. Pero sa nakikita ko kay Jayhon may concern siya kay Teya kaya niya ginawa yun. At sa pagkakaalam ko parang alam na din niya na parang may gusto si Teya kay Low.
Ringggggggggggggg
Hudyat na nagbell na at kailangan na namin pumunta sa mga klase namin. Magkaklase pala sila low and Teya and Alex. Pero ni isa sa kanila di nagkikibuan. Magkatabi lang kami ng room kung saan kasama ko si Jenny Val at Jayhon at sa kabilang room naman sina Bays at Villan.
"Pare nahahalata mo ba?" -Val
Nahahalata niya rin pala. At si jenny naman walang imik at nagheadset nalang ito. Mukhang bwiset siya kay Val ano kaya ginawa ng mokong na to.
"Oo kanina pa." -Jasper
"Dapat na natin siya ilayo kay Low." -Jayhon (cold na sabi nito)
Kahit ako sang-ayon pero hindi pwede hindi namin kontrolado feelings ni Teya. Kung mahal mo ang isang tao gagawa ka parin ng paraan para malapit ka ulit sa taong mahal mo.
"Pre hindi nati pwedeng gawin yun." -Jasper (seryoso kong sabi)
"At bakit hindi? Pag hinayaan natin siya anong mangyayari? Iiyak siya magdudusa gaya ng ibang babae na niloko ni Low?" -Jayhon (na nagagalit na)
"Hindi sa ganon. Kailangan siya makaisip nun" -Jasper (mahinahong sabi ko)
"Guys? Hayaan niyo si Teya malaki na siya para turuan niyo siya o kontrolin ang gagawin niya. Nandito naman tayo kung sakaling kailangan niya ng kausap o karamay o ng tulong." -Jenny
Nagulat kami dahil Sa school ay hindi masyado itong nagsasalita. At ngayo lang nagsalita ng mahaba. Kaya sumang-ayon nalang kami at nanahimik na ulit at umupo na aming kanya kanyang upuan. Dumating na ang Teacher namin. Nagumpisa na naman ang nakakaboring na Oras.
(1 message From: Low)
To: Jasper
Hindi ako sasabay magrecess mamaya.
From:LowAno na naman problema nitong mokong na toh. Baka nagselos lang ito kay Teya at Jayhon at hindi lang pinapahalata pero impossible kakaibang lalaki to si Low. Lahat lolokohin niya at hindi seseryosohin
To:Low
Bakit na naman?
From: Jasper(Sent)
Kulitin ko nalang ito. Baka sakaling sabihin niya rin ang dahilan. Kung sakaling magselos man si Low aba! Hanga nako kay Teya dahil siya lang nagpabalik sa dating low. Pero mababalik pa kaya?
To:Jasper
May kakausapin lang ako
From:LowTo: Low
At sino aber?
From: JasperTo:Jasper
Si Teya
From: Low.Teka teka teka! I smell something's fishy. Nagseselos bacsi Low? >\\\< kahit lalaki ako marunong akong kiligin dahil sa text palang ni low halata mo na,nagseselos ito. At hindi kinaya yung ginawa ni Jayhon sa harapan niya mismo. Tagumpay ka Jayhon.....
Someone Pov.
Ayoko sa huli magsisisi ka Teya. Oo unang kita ko palang sayo minahal na kita. At hindi ako papayag na saktan ka ng kung sino man. Handa ako ipaglaban ka. Dahil sayo ko lang naramdaman ang ganitong bagay.
----------------
Ayyyt oo nga naman! Ang lovelife parang prutas tutubo nalang kung saan saan. YihieeeeAuthorr here!!!
I hope you enjoy my story
ARM
BINABASA MO ANG
Mahal ko O mahal ako (ON-GOING)
Teen FictionLahat ng tao kayang magmahal simula sa Nanay at Tatay,Ate at Kuya,kapatid at Pinsan. Lahat tayo nararamdaman ang pagmamahal pero minsan sa sobrang pagmamahal natin ay hindi natin ito kontrolado. Minsan nabibigla nalang tayo na nagmamahal na pala t...