#TRbakit
---------Magkalaban pala si Vinz hinati kasi sila sa dalawang team. Si Vinz ang captain sa kabilang team at siya naman sa isang Team. Ang galing nilang maglaro gusto ko ngang pumalakpak pero pinigilan ko lang baka akalain niyang nagustuhan ko ang laro niya daah.
"GO! Papa nate!!" panay sigaw ng pinsan sa kanya habang ako nakatingin lang.
Bigla nalang siyang kumindat kaya nagulat ako. Napahilot ako sa sentido ang kulit niya talaga may gana pang kumindat ang unggoy.
"hahaha kinilig ka naman??" tanong ni carla sa akin.
"marami kang atraso sa akin baka nakakalimutan mo?" seryosong tanong ko sa kanya.
"sorry na babyloves pleassse masaya lang kasi nakita ko si papa nate sorry na minsan lang maging masaya" pagmamakaawa niya sa akin natawa nalang ako isa pato may sayad sa utak.
"masama bang masaya ako dahil nanjan ang number 1 stalker mo pero sa totoo lang pinsan bagay talaga kayo ikaw lang kasi tong bitter kaloka ka!" sabi niya sa akin tapos inirapan ako.
"alam mo naman ang dahilan diba?" tanong ko sa kanya at napabuntong hininga siya.
"oo na! Pero feel ko kasi seryoso siya sayo eh grabe yong effort niya sayo pinsan" sabi niya sa akin. Tapos tumingin ako kay Calvin na abala sa kakalaro.
"na appreciate ko naman yun eh pero takot akong sumugal" sabi ko kay carla.
"pero pinsan sabi mo nga diba spread love? May karapatan karing sumaya" sabi niya sa akin.
"di ko alam basta nevermind muna" sabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga.
Di ko alam kong kaya ko pa bang magmahal matapos ng nangyari sa akin dati. Nasaktan na kasi ako para na tuloy'ng naging bato ang puso ko dahil sa nangyari hindi na ako nagkagusto ng lalaki.
Matapos ang laro nakita ko siyang papunta sa amin. Tinaasan ko siya ng kilay ang lapad kasi ng ngiti eh parang hindi na matanggal ang ngiti niya hayss nababaliw na siya.
"diba ang galing ko princess?" tanong niya sa akin habang pahid ng pahid sa pawis niya. Bakit parang lalo siyang gumwapo ngayon.
"ateng tulo laway mo!" saway ni carla sinamaan ko lang siyang tingin.
"hahaha ang cute mo talaga princess" di ko alam kong kikiligin ba ako sa sinabi niya o nang-aasar lang siya?
"yun oh dumadamoves si Captain"
"hahaha olivia sagutin muna kasi bagay naman kayo ah"
"oo nga maganda na sexy pa sa-"
"gago oh" saway ng lalaking katabi niya.
"sinasabi ko kang ang totoo bert" sabi ng lalaki sa katabi niya ayan tuloy nakabusangot.
Tumingin ako kay Calvin na nakangisi parin sa akin.
Tumayo ako at nilapitan ko siya mukha pa siyang gulat sa paglapit ko.
"akin na yang towel mo" utos ko sa kanya.
Inabot niya naman agad sa akin pero parang naguguluhan habang nakatingin sa akin.
"upo!" utos ko sa kanya.
"hahaha patay ka ngayon papa nate" pananakot ng baliw kong pinsan
Dali dali namang umupo sa upuan ko si Calvin ang ibang kasamahan niya parang nakatingin lang sa amin. Pumunta ako sa likod niya at nilagay ang towel sa likod niya basang basa kasi.
"ayan okay na" inayos ko muna bago ako pumunta sa harapan ni carla na ngayon ay nakanga ngang nakatingin sa akin.
"wooooo! Ang sweeetttt!"
"swerte mo captain!"
Tumabi ako kay carla kahit nakakahiya hindi ko na siya nagawang lingunin. Panay asar ng kasamahan niya sa kanya pero ako kunwaring may katx bwesit bakit ang lakas ng kabog ng puso para akong nabibingi sa lakas.
"omg! Babylooovvesss! First time yun ah!! Ahhhhhh! Nakakilig" sabi niya habang kilig na kilig sa tabi ko.
Nanginit buong katawan ko at ngayon feeling ko namumula na ang mukha ko. Hindi ko man makita pero feel na feel ko eh.
"papa nate ano??! Parang di ka makaimik jan!! Konting kembot nalang papa nate!!" sabi niya tapos humagalpak ng tawa di ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Carla.
"alis na tayo baka malate tayo carla" sabi ko sa kanya.
Bigla naman siyang tumigil sa pagtawa at sumimangot.
"ano ba yan! Wag na lang tayo-"
"kung ayaw mo dito ka nalang" inis kong sabi sa kanya.
Tumayo ako at iniwan siya. Nahihiya ako sa ginawa ko sa totoo lang. Di ko alam kong bakit kusang lumapit ang katawan ko sa kanya tapos ginawa yun. Grabe nakakahiya talaga.
"oh look who's here?" natigilan ako.
"girls wala sa mood si Olivia so get lost okay?!" sabi ng pinsan ko bigla naman niya akong hinila.
"hays buti nalang talaga sorry na babyloves oh" sabi niya.
"ok lang tara na" sabi ko sa kanya.
Bakit bigla akong nagkakaganito ngayon. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko parang gusto ko siyang iwasan ayukong arghh! Basta nakakahiya ang ginawa ko kanina sa kanya. Bakit ko pa kasi ginawa yun!
BINABASA MO ANG
The Revenge (Book 1)
Teen Fiction#68 Highest Rank in Teen Fiction #BeingBroken Pinaasa, niloko, naging tanga at katawa-tawa. Pinaghalong lungkot at galit dahil sa isang bagay na hindi niya akalaing mangyayari sa buong buhay niya. Babaeng gustong maghiganti dahil sa sakit na nara...