#TRpag-amin
--------Pagkatapos ng nangyari kahapon na realized kong masaya pala sa feeling na nailabas mo ang galit mo sa taong nanakit sayo.
Nagmamadali akong magbihis baka malate kami nito. Ang bagal ko kasi nahihirapan akong pumili kong anong sosootin ko. Kanina pa naghihintay sa labas si Carla ewan ko ba palaging excited ang gaga.
I'm wearing Empyre Drea High-Rise Blue Jeggings, A-Lab serina moon Mauve Crop top and Nike Sock Dart Premium pair with my crop top you know para bagay. Itinali ko ang buhok ko at light make up.
Dinampot ko ang Marrocan Leather Bag ko. Alam niyo ayaw ko talaga ng shoulder bag eh di ako komportable kaya itong sling nalang ang ginamit ko.
Agad akong lumabas sa condo at nakita ko agad si pinsan na panay tingin sa relo. Naka longsleeve siya at pants ang gwapo niya sana hindi nalang siya naging bakla siguradong maraming babaeng mababaliw sa kanya kaso kahit nga bakla siya marami parin.
"tara na!" sabay hila niya sa akin buti nalang di ako nakaheels eh! Hahaha baka madapa ako ng wala sa oras.
Pagkadating namin sa parking lot agad kaming pumasok sa sasakyan at pinaandar ito.
"another day another plan hahaha" napangiwi ako sa sinabi niya. He dragged me yesterday muntikan na nga kahapon bwesit talaga.
"pero alam mo babyloves napaisip ako kailan mo kaya tatapusin yang gagawin mo?" seryoso niyang tanong sa akin.
"soon kapag mawala na ang galit ko" sagot ko.
Nang nakarating kami sa school dali dali kaming pumasok sa school. Nagulat kami kasi ang daming studyante sa baba anyare?
"wooo woo! Wait" dinumog kami ng mga studyante. Anong nangyayari dito?
"totoo bayong si Vinz ang nanloko sayo last two years olivia?" tanong sa akin ng babae. Ano to interview? Papasa kaya ako sa trabahong to. Inirapan ko sila ng bongga mga tsismosa.
"ahh nagmamadali kami girls pweding tumabi kayo may class pa-"
"sige na gusto naming malaman pleasee"
"oo nga gusto naming galing talaga ang sagot?"
"akala kasi namin na ikaw nanloko eh pero matapos kahapon kumalat ang balita sa buong campus kaya ito ngayo-"
"oo nga! Umalis na nga kayo kasi malalate kami dahil sa inyo!" sigaw ko sa kanila mukha naman silang nagulat sa pagsigaw ko.
Nilagpasan ko silang kahat ang kulet naman kasi ang iingay pa. Nakakairita silang lahat alam mo yun.
"sorry girls high blood pasensya" rinig ko pang nagsalita si Carla sa kanila.
Bigla namang nagtilian halos mabingi ako sa tili ng mga babae. Ano na naman bang ginawa ng bakla nato? Talaga bang bakla siya o lalaki may oras pa kasing magpakilig habang ako dito naiirita.
Pagdating namin sa pinto pumasok agad kami buti nalang 10 mins before time pa kaya ito mag paparty ako kasi di ako late. At buti nalang din wala si Vinz at ang tropa niyang ugok pareho pareho lang naman silang lahat eh.
Naghanap kami ng upuan at doon kami sa may bandang likod ayaw namin sa harapan pero hindi naman doon talaga sa pinakalikod no di makikita ang maladyosa kong ganda.
"ui olivia ang ganda mo na talaga"
"oo nga eh fan muna kami"
"at matapos yong balita about Vinz di na namin siya gusto pero may iba paring ikaw ang sinisisi"
"tama...mga insecure yon bessh I'm sure!"
Natawa naman ako sa pinagsasabi nila sa akin. May kakampi din pala ako pero kong hindi pa nangyari ang kahapon eh di sana bitter din sila no? Pero atleast ngayon naliwanagan na rin sila.
"salamat sa papuri girls" sagot ko sa kanila kahit ayaw kong puriin ako hays.
"ui olivia ang gwapo talaga ng kasama mo"
"hahaha bagay kayo"
Nabilaukan ako sa sinabi niya. Napaubo naman si Carla na ang tahimik lang sa tabi ko. Humagalpak ako ng tawa ang mukha ng mga babae parang nagtataka kong bakit ako tumawa.
"grabee eh pinsan ko yang sinasabi niyo! Ano ba kayo" natatawa kong sabi sa kanila.
Nalaglag panga nilang lima habang nakatingin kay Carla. Kahit ako napatingin sa kanya ayun nakasimangot di maipinta ang mukha ng gaga.
"omg! Ang gwapo mo talaga!!"
"may girlfriend naba siya Olivia?"
Humagalpak ako ng tawa ulit bwesit namang tanong yan girls. Lalong kumunot ang mukha ng gaga nagmukha tuloy'ng matanda. Kaloka talaga ang babaeng to.
"bakit ka tawa ng tawa jan olivia para kang baliw eh!" sabi ng babae na natawa din.
"sagutin mo nga yan carlo beunovista" sabi ko sa pinsan ko na nagulat sa sinabi ko.
"what? Sagutin?" pagtatakang tanong niya. Tawang tawa ako sa reaksyon niya.
"baliw sabi ko sagutin mo yong tanong nila!" natatawa kong sabi sa kanya. Bumuntong hininga naman siya mukhang sasabihin niya talaga ang totoo.
"girls bakla ako kaya wag kayong magtanong ng magtanong nakakadiri" paarte niyang sabi.
Habang ang lima laglag panga sa sagot niya. Humagalpak ako ng tawa alam kong narinig yun ng mga lalaki ngayon na natatawa din sa pag-amin ng pinsan ko.
"whaaaaattt!!!!" sigaw nilang lima late reaksyon ang mga gaga.
"wag niyo kong ma what what jan! Gusto niyo sampal?" tanong niya sa mga babae.
"akala ko pa naman straight ka sayang ang gwapo mo pa naman ano bayan" reklamo ng babae parang na dismaya sa nalaman.
"at boys wag kayong mag-alala di ako malanding bakla di ako mumurahin boys so dont me huh" sabi niya sa mga lalaki na tawang tawa sa sinabi niya.
"no dude nirerespeto ka namin diba bro?" tanong ng lalaki sa katabi niya na tumango naman sila.
Hindi naman malandi ang ang pinsan ko. Pro na pro talaga siya when it comes to his actions lalo ang panamit niya? Para talagang lalaki sa totoo lang pati boses panglalaki sa condo lang naman yan nag eevolve to mariposa eh hahaha.
BINABASA MO ANG
The Revenge (Book 1)
Teen Fiction#68 Highest Rank in Teen Fiction #BeingBroken Pinaasa, niloko, naging tanga at katawa-tawa. Pinaghalong lungkot at galit dahil sa isang bagay na hindi niya akalaing mangyayari sa buong buhay niya. Babaeng gustong maghiganti dahil sa sakit na nara...