#TRTraining
--------
Nakita ko ang lahat lahat kanina. Gusto ko na sanang tumawa kaso nga lang baka hindi pumatok ang movie nila Vinz at Holly. Sayang pag di magiging Blockbuster noh!
"babyloves nag-aalala talaga ako sayo" sabi ni carla.
"hmmm? Bakit naman?"
"kanina kapa kasi tawa ng tawa ano ba kaso yang binabasa mo! Share naman bilis!" sabi ni carla.
Humagalpak ako ng tawa tapos pinalo palo ko siya sa braso. Kahit pinagtitinginan kami ngayon wala akong paki basta masayang masaya ako ngayong araw!
"ewan ko sayo!! Ihahatid kita sa mental after class mababaliw ako sa-"
"pinsan may binasa lang ako kanina kaya natawa ako kasi katulad na katulad sa nangyari kina Vinz at Holly ngayon! Hahaha coincidence bayon? Or sadyang sila ang bida ng pelikula kanina hahaha"
"tara na kasi may practice kapa!" sabi niya.
"teka nga ano bang organization sinalihan mo? Bakit ako lang ata sumali! Dapat ikaw din!"
"secret!" sagot niya tapos ngumiti.
Inirapan ko siya at nauna akong naglakad. Secret? Kailan paba siya naglihim sa akin! Ngayon lang ata. Ayaw ko ng tanungin pa kasi ayaw din naman niyang sabihin. Kahit ibigti ko pa yan basta secret! Secret talaga.
Pumasok agad kami sa basketball court kung saan naroon na rin ang kasamahan ko. Sa kabilang side naman naroon sin Calvin at speaking of unggoy kumakaway siya ngayon habang ako inirapan lang siya.
"hello papa nate!! Gwapo mooo!" sigaw ni carla.
Hindi talaga nahiya ang lakas pa ng boses. Buti nalang players lang ang pwedi sa court at si carla kasi pinilit niya lang si Couch na samahan ako lage. Hayss ewan ko jan.
Umupo ako malapit sa inuupuan ni Kyla na ngayon abala sa kakahila sa medyas niya.
"hello couch" bati ko kay couch.
"olivia ikaw muna pumalit kay Holly pansamantala"
Nagulat ako sa sinabi ni couch. Palinga linga ako para hanapin si Holly walang hollyparot akong nakita sa court. Baka nasa CR yun at na flash na sa bowl hahaha.
"po?"
"she is sick right now I appoint you as Sub. Captain" seryosong sabi ni couch.
"ok lang sa akin kung okay sa kasamahan ko" sabi ko tapos nilingon ko ang mga kasamahan ko na seryosong nakatingin sa akin.
"ikaw ang captain gawin mo ang dapat gawin ngayon kasi kailangan kong kausapin sina Calvin ngayon you can start now" dagdag ni Couch tapos ngumiti sa akin.
"are you sure couch kasi totohanin ko yong sinabi mo" tanong ko.
"kung kailangan gawin mo I trutst you Olivia"sagot niya.
Gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
"carla dito ka mu-"
Di ko natapos ang sasabihin ko kasi nawala sa tabi ko si pinsan. Wala siya sa court ngayon. Nasaan na naman nagpunta yun di man lang nagpaalam.
BINABASA MO ANG
The Revenge (Book 1)
Teen Fiction#68 Highest Rank in Teen Fiction #BeingBroken Pinaasa, niloko, naging tanga at katawa-tawa. Pinaghalong lungkot at galit dahil sa isang bagay na hindi niya akalaing mangyayari sa buong buhay niya. Babaeng gustong maghiganti dahil sa sakit na nara...
