#TRThankyou
---------Ayukong lumingon sa kanila. Napakagat ako sa labi dahil sa inis. Nainis na rin ako sa pinsan ko ngayon.
"boys bakla ako wag na kayong magdududa jan! At wag kayong gulat parang wala ding bakla dito ah mga to!" sabi niya sa mga lalaki narinig ko namang nagsitawanan ang mga lalaki.
"papa nate nakita na rin kita ulit! Lalong kang gumwapo ah!" sabi niya kay argh.. Basta naiinis ako kinikilig pa ang bakla.
"Kumusta carla? At mukhang kasama mo si..." sabi ni nate
Halos dumugo ang labi ko sa pagkagat ko. Di talaga ako makagalaw ayaw ko ding tumingin sa kanya.
"of course papa nate!! Tingnan mo ang sexy diba?" sabi ng pinsan ko
Nakakahiya ang sinabi niya ang dami pa namang lalaki dito sa court. Gusto ko ng lumubog sa hiya ngayon.
"Hachiree sinundan mo ba ako?" laglag panga ko sa sinabi niya.
Dahan dahan akong humarap sa kanya.
"hahaha wag mokong tingnan ng ganyan" sabi niya habang natatawa.
"alam mo ang kapal talaga ng mukha mo! Sinundan? Wha the! Bumalik lang naman ako dito kasi dito ako galing tss" inis kong sabi sa kanya.
"just kidding but you look beautiful as always princess"
Halos mabingi ako sa sinabi niya sa akin. Tapos ang lapad ng ngiti niya di ko alam kong kikiligin ako kasi naiinis talaga ako tuwing makikita ko siya.
"omg! Hahahah alam mo papa nate kinilig na yan nahihiya lang!" sinamaan ko ng tingin si Carla pero inirapan niya lang ako.
"captain girlfriend mo pala si Olivia?" halos mabilaukan ako sa tanong ng kasamahan niya si couch naman may nakakalokong ngiti habang nakatingin sa akin. Pinagkakaisahan nila ako bwesit!
"soon to be my girlfriend" sagot niya halos lumuwa mata ko sa sinabi niya kumindat pa ang unggoy sa akin.
"babyloves ang pula muna hahahaha" sabi sa akin ni carlang bakla. Tumalikod ako dahil nakakahiya talaga.
"carla dont call her babyloves shes mine" sabi ni calvin sa kanya.
"naman oh! Inlove pala tong si captain couch eh"
"haha bagay na bagay couch!"
"ano couch papasa na ba siya?"
"of course lalo ng captain pala siya" narinig ko ang sagot ni Couch.
"couch sumali siya sa team natin?" tanong ni calvin kay couch halata namang boses niya.
"carlo beunovista tara na alis na tayo" seryoso kong sabi sa kanya. Wala na ako sa mood ngayon kung wala lang si Couch kanina ko pa sila tunusta nakakainis na.
"papa nate alis na daw kayo ng prinsesa mo oh" asar niya sa akin ng dahil sa inis ko.
Umalis ako sa harapan niya. Inuubos niya pasensya ko nakakainis.
"wait hachiree couch wants to talk to you oo na behave na ako" pinigilan ako ni Calvin huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Revenge (Book 1)
أدب المراهقين#68 Highest Rank in Teen Fiction #BeingBroken Pinaasa, niloko, naging tanga at katawa-tawa. Pinaghalong lungkot at galit dahil sa isang bagay na hindi niya akalaing mangyayari sa buong buhay niya. Babaeng gustong maghiganti dahil sa sakit na nara...