#TRdontmesswithme
-------Nasa cafeteria kami ngayon ni pinsan. Kaunti lang naman ang kumakain pero panay tingin nila sa aming dalawa alangan naman kasi nakaakbay si carla sa akin. Feel na feel na boyfriend ko siya pero ang totoo niyang diring diri siya ngayon. Sinabihan ko ba siyang umakbay? Hindi no trip niya lang talaga lahat.
"dito tayo umupo" sabi niya.
Kaya ayun umupo kami sabi niya na oorder na daw kami. Sumama ako pero yong bag namin nasa umupuan mahirap ng maagawan noh!
Omg! Si olivia ba talaga yan? Ang ganda niya na.
Oo nga tapos bagay na bahay sila ng kasama niya ano kaya name niya?
Tanungin natin hahaha di naman tayo bitter dati kay Olivia diba yong iba lang.
Daah! Lusyang parin siya
Sus insecure ka kasi! Shut up ka nga!
Natatawa ako habang nakatingin sa babaeng kaharap ko ngayon. Kasi oorder na ako pati si carla mukhang natatawa din sa mga naririnig niya. May tagapagtanggol pala ako? Wow ha! As in wow!
Si holly girls! Ang ganda niya talaga no?
Oo nga eh perfect talaga kay Vinz diba?
Di kagaya nong.. Alam niyo na..
Yong lusyang na si Olivia? Hahaha buti nga wala na siya dito eh panira ng araw yun.
Ang daming bitter sa mundo at nabibilang sila dun. Lusyang talaga? Nawala daw ako! Or sadyang di nila ako nakilala ngayon. Sandali lang oorder pa ako eh sayang naman to kong di ko makain eh.
"ateng nasa kanan mo siya" bulong ni carla sa akin.
Napalingon ako sa kanan. Oo nga maganda talaga siya diba siya naman daw ang Muse sa school nato? Pero mas maganda ako no! May alipores din pala siyang kasama.
"ma'am here's your order" sabi ng babae sa akin kaya kinuha ko ito.
"ateng watch and learn!" sabi ni carla sa akin nagtaka naman ako.
Ng biglang....
"shit!! Bakit mo tinapunan ang damit ko ha!" singhal ni holly sa akin.
Tinulak ako ng baliw kong pinsan kaya ayan natapon ang order ko sa damit niya. Bongga ang plano bakla bet na bet ko to.
"sorry ah natapilok kasi ako" palusot ko pero ang totoo ang sarap humagalpak ng tawa ngayon.
"anooo!!! Natapilok! Are you kidding! Eh di sana di kana nag heels my goddd! Ang feeler mo naman hindi ka rin pala marunong!" paarte niyang sabi.
"sis ang damit mo! Ang dumi na" concern namang sabi ng bibe 2 mukha kasi silang tatlong bibe eh hahaha.
"hoi! Labhan mo ang damit ni Holly babae!" sigaw ng bibe 3 sa akin.
"excuse me? Alam mo marunong naman talaga ako sa heels joke lang yun! Naniwala ka naman! Hahaha ano? Lalabhan ko damit niya? Ano ka siniswerte?" tanong ko sa kanilang tatlo
"alam kong lahat ng nandito insecure lalo kana!! Pag sinabi kong labhan mo ang damit ko labhan mo!" galit niyang sabi sa akin.
Ang lahat ng studyante ngayon mukhang nasa amin ang atensyon bigla kasing natahimik ang cafeteria ngayon. Tapos itong nasa likod ko panay tawa kahit mahina rinig na rinig ko bwesit na bakla to!
"oh sige lalabhan ko maghubad kana ngayon diba sabi mo!! Labhan ko bilis na habang may gana pa akong maglaba!" sabi ko sa kanya habang natatawa.
Biglang humagalpak nga tawa ang pinsan ko. As in malakas talaga mukha ngang nag echo ang boses niya sa cafeteria. Habang ang tatlong bibe inis na inis nakatingin sa kanya at sa akin.
"oh ano na? Lalabhan ko diba! Take your shirt off Ms. Muse dahil labhan ko agad ngayon!" paarte kong sabi ang sarap niyang inisin eh.
"arghhhhh!!!!" sigaw niya inis na inis siya tapos bigla siyang umalis. Humagalpak ako ng tawa sa kanya. Pero ang dalawang bibe ang sama ng tingin sa akin.
"oh ano? Magpapalaba kayo? Hubad na! Gusto niyo ako pa mag hubad sa inyo? " natatawa kong sabi sa kanilang dalawa. Nagmartsa silang dalawa habang papaalis sa cafeteria.
Biglang nagsitwanan yong nasa cafeteria. Tapos ang pinsan kong bakla ayun halos maluha luha sa kakatawa.
"woo! Lakas ng trip mo ah!" sabi ni carla sa akin.
"bwesit eh! At salamat sayo!" sabi ko sa kanya.
"kung hindi sila umalis ngayon baka maglulupasay nayon papuntang room ateng!" sabi niya sa akin.
"baliw!" sabi ko at nag order ako ulit.
Ang daming natawa sa ginawa ko marami ding galit sa ginawa ko. Hahaha kulang payon kulang na kulang pa!
Dont mess with me Bitches!

BINABASA MO ANG
The Revenge (Book 1)
أدب المراهقين#68 Highest Rank in Teen Fiction #BeingBroken Pinaasa, niloko, naging tanga at katawa-tawa. Pinaghalong lungkot at galit dahil sa isang bagay na hindi niya akalaing mangyayari sa buong buhay niya. Babaeng gustong maghiganti dahil sa sakit na nara...