13:4 LOVE by aybisi_di
Chapter 2: KIND
Shin's POV
Pabalik na ako sa room ni Keegan nung makita ko si Dr. KK na may kausap na pasyente sa hallway malapit sa E.R. hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. HINDI NIYA PA BINABAYARAN YUNG KAPE NA NINAKAW NIYA SA AKIN, KAYA MAY UTANG SIYA SAKIN NUNG LINGGO, TUMUTUBO NG 50 KADA ARAW 'YON KALA NIYA HAHAHAHA.
Pero ang gwapo niya talaga, lol. Matangkad nasa 6'0 ft ata siya, medyo maputi tas maganda yung katawan tas ang bango pa, syempre alam ko kasi ilang beses ko na siyang nakakatabi. ANG HAROT! HAHA. May girlfriend na kaya siya, pag pray ko kaya na ako nalang? Joke! HAHAHAHA.
And shoot! Nakita niya akong tinitignan siya, dali-dali akong nagpatay malisya at harap agad sa pinto ng elevator. Pero nagulat ako nang paglingon ko para i-check kung nakatingin pa siya sakin, nakita ko na nasa tabi ko na siya at tinitignan ako. KAHIYA!
Sa kahihiyan ko napayuko nalang ako at napatingin sa kabilang side ko para lang iwasan siya.
"Let's go?"
"Yeah."
*TING!* Tas biglang nagbukas yung pinto ng elevator, pero paglingon ko sa kanya wala na siya, kaya hinanap ko sya at nakita ko na palabas na siya ng ospital tas may kasama na matangkad na babae na Doctor din. Ayyyy may gf na </3.
Pag dating ko sa room ni Keegan, nakita ko na may bata na nakaupo sa kama niya habang siya nakahiga. "Sige! Paglabas ko dadalawin kita sa inyo." Sabi niya sa bata.
"Hep.. hep.. sinong dadalawin mo?" Singit ko sa kanilang dalawa.
"Si Kiel po Pastora, dadalawin ko sa bahay nila paglabas ko dito sa Hospital." Nakangiti niyang sabi sa akin. Tinignan ko yung bata na kausap niya, tumingin din ito sa akin at ang sama ng tingin sakin.
Nagulat nalang ako sa kanya "Sino ka naman?" Tanong niya sa akin, kaya mas lalo akong nagulat sa kanya. Aba napaka galang naman ng bata na 'to, sarap bigyan ng award 'Pinaka magalang na bata sa mundo'.
"Siya si Pastora Shin, Teacher ko siya dati sa Sunday School. Pastora siya po si Kiel bago ko pong friend."
Pareho si Kiel at Keegan na lalaki, si Kiel maputi, chinito, at mukhang mayaman. Si Keegan naman medyo Moreno, pero bilugan yung mata. Hindi ko lang alam kung ilang taon na si Kiel pero magkasing tangkad sila siguro ni Keegan pag nakatayo.
"Hello Kiel." Bati ko sakanya, kahit na sinungitan niya ako.
Pero bigla niya akong tinalikuran at si Keegan ang kinausap niya, naging ganto yung itsura ng mukha ko eh
^____________^
O___________O
=____________=
Real quick. Naloka ako, pero may kilala akong ganyan ang ugali. Hays, ba't kaya puro ganito ugali ng mga tao sa ospital na 'to? Mapa-Doctor at pasyente kaloka.
"Kiel nag-hi si Pastora sayo, dapat mag 'hi' ka din." Sabi ni Keegan kay Kiel, tuwa naman ako kay Keegan.
"I don't like her." Grabe siya, aray ha?
"Hindi tama 'yon Kiel. Hindi mo dapat sinasabi 'yon, tsaka mabait si Pastora Shin. Sige na mag 'hi' ka din sa kanya, masa-sad ako niyan."
Sandali tumahimik si Kiel tas "Hi" tas tumalikod na.
BINABASA MO ANG
13:4 LOVE (Completed)
RomanceWhat is the real meaning of love? Marami sa atin may kanya-kanyang version pagdating sa meaning ng love yung iba based sa experiences nila, yung iba based sa mga nababasa o napapanuod o napapakinggan nila. Pero ano nga ba ang real meaning ng love? H...