13:4 LOVE by aybisidii
Chapter 14: PERSEVERE
Shin's POV
Pauwi na kami after 1 month na pag stay sa SG, and gusto ko na umuwi dahil nitong last 3 days, bigla na lang hindi nagparamdam si KK, hindi ko na din siya ma-message sa facebook or kahit sa skype. Sinusubukan ko din siya itext sa number niya pero wala din reply, sinubukan ko tawagan pero laging naka off ang phone.
Buti na lang yung last three days namin sa Singapore, time namin para mag-gala at magbili ng mga need namin ipang pasalubong pauwi sa Pilipinas, tapos graduation day din kaya kahit iniisip ko si KK wala naman masyadong maaapektuhan na studies ko.
Parati pa din kami nag aaway dalawa pero naaayos pa din naman, weird nga kasi hindi ko pa din naman sinasagot si KK pero meron na kaming trials na pinag daanan, nanliligaw pa lang siya sa akin and nakikita ko na yung mga pwede namin maging problema kapag sinagot ko na siya.
Pagdating ko dumiretso kami sa main church, pinapunta kasi kami agad ni Pastor John kausapin niya lang daw kami sandali. Saturday ngayon and sure ako na nasa Church din si KK kaya sakto din para kausapin ko siya kung ano bang nangyayare sa kanya.
Pagdating namin dun kinausap lang kami saglit ni Pastor John kung anu-ano ang natutunan namin and kung kamusta yung experience. Pagkatapos paalis na sana siya dahil madami pa siyang gagawin nang pigilan ko siya at kausapin.
"Pastor, nakita niyo po ba si KK?" Pagkasabi ko sakanya nahalata ko na nagulat siya sa tanong ko.
"Hindi eh, 2 weeks na siyang hindi nagpupunta dito sa Church, kahit pa may meeting. Palaging busy sa hospital ang sabi niya, pero try to understand him Pastora and pray for him." Tapos tinapik niya ako sa balikat at umalis na which is hindi ko magets yung last na sinabi niya, nararamdaman ko kasi na may gustong sabihin si Pastor John pero pinipigilan niya lang.
Kaya hanggang sa pag-uwi ko sa bahay iniisip ko kung anong nangyare kay KK bakit hindi nagpaparamdam sa akin. Pag-uwi ko sa bahay, tuwang tuwa agad yung mga alaga kong aso kasi namiss nila ako halos mahimatay yung isa sa tuwa niya nung makita ako.
"Anong oras kayo dumating?" Tanong ni Mommy tapos kinuha ko yung kamay niya at nagmano na ako.
"Mga 5 a.m pero pinadiretso kasi kami ni Pastor John sa main church dahil kakausapin niya daw kami kaya ngayon lang din ako nakauwi dito. Tas nag breakfast kami nila Pastor Ian dahil gutom na gutom ako." Sagot ko kay Mommy.
"Oh sige na, pasok mo na yung gamit mo sa loob para makapag pahinga ka na." Sabi sa akin ni Daddy, nagmano din ako sa kanya.
"Ma, hindi ba nag pupunta si KK dito? Hindi kasi nagpaparamdam sa akin." Tanong ko kay Mommy.
Tapos napansin ko sa mata niya na parang umiiwas, kaya lalo akong kinabahan. Kaya hindi na ako nagtanong pa at pumasok na ako sa kwarto ko, pero hindi pa ako nakakapasok narinig ko na may tumatawag sa akin sa labas.
***
Alyssa's POV
"KK, hindi mo kelangan gawin ito, ayokong mahirapan ka nang dahil sa akin." Magkatabi kami ngayon ni KK sa loob ng condo ko.
"Kasalanan na Alyssa nung ginawa natin yon at hindi ko kayang ipagpatuloy pa na gumawa ng mali." Sagot niya sa akin.
Ang laki-laki din nang kasalanan ko sakanya at kay Shin, napakabait ni Shin at alam ko na mahal na mahal siya ni KK kaya ganito na lang din ang pagsisisi ko sa nagawa ko. Sa kasalanan na ginawa ko kay KK at lalo kay Shin.
BINABASA MO ANG
13:4 LOVE (Completed)
RomanceWhat is the real meaning of love? Marami sa atin may kanya-kanyang version pagdating sa meaning ng love yung iba based sa experiences nila, yung iba based sa mga nababasa o napapanuod o napapakinggan nila. Pero ano nga ba ang real meaning ng love? H...