Chapter 4: BOAST

139 4 7
                                    

13:4 LOVE by aybisi_di

Chapter 4: BOAST




Migz' POV




BGM: Best Friend by Jason Chen




Since that day, bakit parang lumalayo si Inoue sa akin. "Hi Inoue!" dahil sa sigaw ko, nagulat siya kaya nahulog niya yung dala niyang tarpaulin para sa new theme ng youth service. Nag-re-ready kasi kami dito sa Church para sa mga gawain this week sakto naman na off ni Inoue. Pero sumagot siya sa akin at isang matipid na "Hello po Pastor." Tas umiwas na ulit siya.

At dahil hindi ako sanay na ganto, kinulit ko siya. Wala atang ibang boses na nangibabaw dito kundi sa akin at pangalan ni Inoue yung puro sinasabi ko, para akong siraulo.


"Tara Inoue kain tayo dr. kwek-kwek." Pero ngumiti lang siya. "Sorry Pastor, nag-aya po kasi sila Ivan mag-isaw."


Aray, bakit para akong na-basted.


"Ahh ganun ba. Sige." Sagot ko sakanya, nawala yung saya ko nung marinig ko na kasama niya si Ivan na kakain. Pinagpalit na niya ako, yung lagi niyang kasama sa mga food trip, tas sa isang isaw lang. Pero ang isa pang naging rason ng pagkalungkot ko ay yung iba yung pakiramdam ko kay Ivan. Parang may gusto siya kay Inoue.



"May gusto kang ikwento Pastor Migz?" Bigla akong napatingin sa katabi ko, si Pastor Julius yung leader ko dito sa Church. "Po?" Takang tanong ko sa kanya.

Tas itinuro niya gamit yung nguso niya si Inoue. "HO???"

"Napapansin ko iba yung closeness niyong dalawa, wala naman masama kung turingan magkapatid lang o magkaibigan dahil kapag ganun alam niyo pa din yung limitasyon niyo. Pero ang masama kung hindi na hanggang duon."

"Hehe Pastor Julius, alam mo naman po na may pinagppray na ako atsaka kapatid lang po talaga tingin ko kay Inoue." Sagot ko sakanya.

"Okay mabuti kung ganon, pero kelan mo ba ipapakilala sa akin si Yna?"



***



Inoue's POV



Bakit ba lagi ko nalang napapakinggan yung usapan ng mga tao sa paligid ko. Bakit ba hindi na lang magkaroon ng temporary hearing loss itong pandinig ko para yung mga usapan nang ibang tao hindi ko na mapakinggan lalo na sa mga panahon na hindi mo gustong marinig yung pinag-uusapan.


"Hehe Pastor Julius, alam mo naman po na may pinagppray na ako atsaka kapatid lang po talaga tingin ko kay Inoue."


Saktong pag daan ko, narinig ko yung sinabi ni Pastor Migz na halos dumurog ng puso ko. Alam ko na diba Kapatid lang, bakit kailangan ulit-ulitin. Oo na ako na yung umaasa, dakilang umaasa.

13:4 LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon