13:4 LOVE byaybisi_di
Chapter 9: LIST
Migz' POV
Malapit na kami ikasal ni Inoue, at sobrang dami pa namin kailangan asikasuhin para sa kasal. Minsan nag-aaway kami dahil hindi kami magkasundo sa bagay-bagay, minsan ultimo maliit na bagay pinag-aawayan namin.
Madami kasi kaming differences, at alam ko naman yon. Hindi naman sya at ako super perfect na tao, at lalong hindi kami parehong-pareho sa lahat ng bagay, pero hindi ibig sabihin na hindi na siya yung right one for me dahil lang sa differences namin dalawa. Natutunan namin mag-adjust kahit pa minsan mahirap.
"Anong color ng gown nila Shin?" Tanong niya sa akin. "Ikaw bahala, kung ano gusto mo, okay ako."
"Gusto ko pastel color na mint and lilac, what do you think okay kaya yun sa mga ninang?"
"Okay lang sa akin." Sagot ko sakanya, sa totoo lang wala naman kasi akong alam sa mga ganyan.
"Sabi kasi ni Mama mo gusto niya mint color, eh gusto ko lilac." Sabi niya sa akin.
Nandito kami sa isang shop ng mga dresses and gowns, pumipili kami nang damit para sa mga ninang, at abay. Tapos pumipili na din kami ng gown niya, at damit ni Shin, ang kanyang maid of honor.
"Magbigay ka naman ng comment para alam ko kung okay ba or hindi." Napansin ko na naiirita na siya kasi kanina pa ako puro okay lang ang sinasabi. "Okay lang naman talaga kase." Sagot ko sakanya.
"Para kang di magpapakasal, sana si Shin na lang sinama ko, kung hindi lang siya busy sa Church. Hmp!" Pataray niyang sabi sa akin.
"Love wala talaga kasi akong alam sa mga ganyan, basta kung anong gusto mo na color go ako, tsaka mag comment naman ako kung alam ko na panget diba?" Sabi ko sa kanya. Tapos kinuha ko yung kamay niya tsaka pinisil-pisil.
"Okay."
***
Inoue's POV
Pagkagaling namin ni Migz sa shop, dumiretso ako sa office nila Shin. Wala kasi akong pasok ngayon kaya inayos namin yung mga kailangan para sa kasal namin, pero ayun na nga nagkakainisan kami kasi hindi ko maintindihan kung gusto ba talaga niya magpakasal sa akin.
Kasi feeling ko wala siyang pakialam sa paghahanda para sa kasal namin, parang maikasal lang ganon na, which is dapat ina-anticipate yun. Pinaghahandaan, dapat excited, hindi yung parang pilit na pilit ka at wala kang gana.
"Uy Inoue!" Tawag sa akin ni Shin. Hinintay ko siya dito sa fast food malapit sa office nila.
"Sorry ha, hindi ako masyadong maka-help sayo sa kasal mo." Paghingi niya sa akin ng sorry.
"Okay lang yun, alam ko naman din na busy ka." And totoong sobrang busy siya, ang dami kasi nilang ginagawa ngayon dahil magkakaroon ng concert yung Church nila.
BINABASA MO ANG
13:4 LOVE (Completed)
RomanceWhat is the real meaning of love? Marami sa atin may kanya-kanyang version pagdating sa meaning ng love yung iba based sa experiences nila, yung iba based sa mga nababasa o napapanuod o napapakinggan nila. Pero ano nga ba ang real meaning ng love? H...