Chapter 3: JEALOUS

176 5 3
                                    

13:4 LOVE by aybisi_di

Chapter 3: JEALOUS



Migz' POV



"Single ka, single siya edi pwede kayo. Ayieeee!" Napatingin ako bigla kung sino yung nagsasalita nakita ko si Hannah kausap si Inoue. Hindi ko maiwasan pero napakunot yung noo ko, sino naman kaya pinag-uusapan ng mga 'to?

Tapos nakita ko na lumapit si Ivan kay Inoue, tas biglang inasar ni Hannah si Ivan at Inoue. At lalo akong napakunot ng noo, ano 'to naghaharutan sa oras ng practice? At dito pa sa loob ng simbahan? Kaya nilapitan ko sila.


"Anong meron? Share niyo naman sakin." Seryoso kong tanong sa kanila.

Bigla silang nagulat at nataranta. "Ah wala po Pastor hehe. Sige po, balik na ako sa ginagawa ko." Bigla silang nagkanya-kanya at naiwan si Inoue kasama ko. Tinignan ko siya, natatawa siyang pinapanuod sila Hannah na natataranta dahil sa akin.



Hindi pwede. Bawal Migz.



"Pastor?" Bigla akong napatingin sa kanya, natulala na pala ako sa mukha niya.

"Bakit?" Tanong ko kay Inoue. "Eto na po yung panyo niyo." Inabot niya sakin yung panyo. "Thanks." Tapos tumalikod na ako.

"PASTOR!" Napahinto ako sa paglalakad nung tawagin niya ako.

"Yung panyo hindi mo kinuha." Tas pagtingin ko sa kamay niya, tama nga siya andun pa yung panyo.



Ano ba Migz, ano bang nangyayari sayo.



"Ayyyy! Haha. Senyales na ng ee-di-ey-di." Napailing na lang tuloy ako.

"AHAHAHA! Wala ka pa ngang 30 Pastor grabe ka haha."

"Haha! Sige na bye." Tas tumalikod na ako pero bigla niya akong pinigilan. "PASTOR OKAY KA LANG BA TALAGA? HAHA." Nagtaka tuloy ako sa kanya.

"YUNG PANYO PASTOR HAHAHA!" Tas nakita ko nasa kamay pa din niya.




ANO BA MIGZ, ANO BANG GINAGAWA MO. NAKAKAHIYA.




"ANO BA YAN HAHA."

"Puyat ka ba Pastor? Gusto mo ng kape? Haha."

"Hindi okay lang ako, haha!" Pero hindi talaga ako okay. Lalo na pag andyan ka.




***




Shin's POV



13:4 LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon