Chapter 13: HOPE

84 5 0
                                    


13:4 LOVE by aybisi_di

Chapter 13: HOPE



Shin's POV



"Ano bang pinagsasabi mo? Sige na, mamaya na tayo mag-usap papasok na ako."

"Wait hindi pa ako tap---"



Pinindot ko na yung end call, ang aga-aga nambwi-bwiset. Ilang araw na siyang ganito, kung ano-anong sinasabi at hindi ko maintindihan, parang hindi siya yung KK na nakilala ko. Simula nung magparamdam siya sa akin pagkadating namin dito sa SG lagi na kaming nag-aaway akala mo nga boyfriend ko siya, dahil parati kaming nag-aaway sa phone.

Ewan ko anong nangyare pumunta lang ako dito sa SG nag-iba na ugali niya, masasabi ko na nagseselos siya pero kasi araw-araw na lang, tsaka dati hindi naman siya ganyan nakakainis lang, at ang lagi namin pinag-aawayan ay si Pastor Ian kaya nakakapag taka na bigla na lang siya magse-selos kay Pastor Ian kasi dati hindi naman siya ganyan.



"Are you okay?" Tanong sa akin ni Pastor Ian.



Umiling ako, andito pa kami sa coffee shop malapit sa Church dito sa SG, nag breakfast muna kami pero tapos na din at hinihintay lang namin si Tin na bumalik dahil may nakalimutan daw siya sa bahay. At eto nga sumaglit ako para makipag usap kay KK sa skype pero umagang-umaga away agad.

Nagagalit siya kasi si Pastor Ian na naman daw kasama ko, bakit daw hindi ako sumama kay Tin na bumalik sa bahay, nakakaloka diba. Kung ano-anong pumapasok sa isip nang isang yon kaya ganito na lang at umagang-umaga badtrip na, parang biglang kumitid ang utak at lumuwag ang turnilyo.



"Why? Okay lang bang malaman?" Tanong sa akin ni Pastor Ian.

"Wala, medyo may di lang pagkakaintindihan." Sagot ko sakanya.

"Bakit parang napapadalas ata?" And hindi naman din yon maikakaila kasi obvious naman na after ko kausapin si KK hindi ako masaya kundi laging naba-badtrip.

"Ewan ko nga Pastor. Hays, pero ayoko na lang din problemahin andito ako para mag-aral hindi pwedeng sayangin ko yung ganitong opportunity dahil lang sa nangyayari sa amin ni KK."




Ngumiti siya sa akin.




"Tama yan, maayos din yan Pastora Shin. Maniwala at umasang maayos din lahat, praying ako para sa inyo! Aja!" Pagkasabi niya sa huling word napa-burst ako ng tawa kasi uma-aja pa itong isang to hahaha.

"HAHAHAHAHAHAHA! YEAH THANKS. HOPE FOR THE BEST LANG."

"YES! AJANG-AJA LANG BESHY!" Lalo akong natawa sa kanya, buti na lang andito tong isang ito may pampa-light ng mood. Pang pa good vibes lagi kapag badtrip ako.



Tapos dumating na si Tin kaya pumasok na kami, kami lang ang Pinoy sa klase, the rest Singaporean, Thai, Chinese, Australian at Malaysian. And hindi naman sila mahirap i-close, yun lang magbabaon ka lang dapat lagi ng maraming English.

13:4 LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon