Chapter 5: PROUD

137 5 2
                                    

13:4 LOVE by aybisi_di
Chapter 5: PROUD


Shin's POV


Kanina pa kami paikot-ikot pero hindi namin makita si Kiel, pati yung Mommy niya naghanap na din. Hindi pa alam ni Keegan ang nangyari kay Kiel, ibinaba kasi siya para sa iba pang test na sa ibabang floor ng hospital lang nandun.

Papunta na ako kay Keegan para ibalita kay Lola Andeng yung nangyari at i-check na din si Keegan nung napansin ko na may tao sa cr, pag bukas ko nakita ko si Kiel. "KIEL!" Nung nakita niya ako agad-agad niya akong niyakap. Nagulat tuloy ako sa ginawa niya.


Iyak lang siya ng iyak habang nakayakap sa akin. "Shhh... It's okay Kiel."


"I hate... her... so much..." Sa bawat hikbi niya sinasabi niya yung mga word na yun. At alam ko na para kanino yun. Hindi ko din maiwasan na magsisi kasi ako yung dahilan bakit nagkakaganito si Kiel, narinig niya kasi yung mga sinabi ko sa Mommy niya.

Marami sa atin iniisip bata pa siya para maintindihan yung mga ganon, yes hindi pa nga siguro niya halos lahat naiintindihan pero hindi niya man maintindihan nararamdaman niya naman kung ano ang totoo.



"I'm sorry Kiel." At naramdaman ko na lang din na tumutulo na yung luha sa mata ko. "I'm really sorry anak that you need to experience this kind of pain." Lalo ko siyang niyakap. "Don't worry I'm always here for you."

"Sa inyo na lang po ako, kela Keegan na lang po ako titira Pastora Shin." Humiwalay siya ng pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa mata.

"Ayoko na po kela Mommy, ayoko na po sa kanila. Lagi na lang po nila ako pinapagalitan, tapos lagi na lang nila ako iniiwan. Ayoko sa kanila... please... please... please... sa inyo na lang po ako." Halos madurog ang puso ko sa narinig ko. Sa murang edad ganito na yung mga sinasabi niya. Nagdedesisyon na siya para sa sarili niya para lang hindi niya maramdaman yung sakit.



Kaya niyakap ko siya ulit at pinag pray. "Lord, will you touch this kid's heart. I know what he's been through; I know how much it hurts him. Pero Father, let this kid find love through You."

At nagulat ako nang magsalita si Kiel. "I want Jesus' love, Pastora." Bigla akong napabitaw sa kanya at napatingin. "Sabi ni Keegan, Jesus' love him daw po, and kahit hindi siya love ng Papa niya, love daw siya ni Jesus." And shoot, lalo akong naiyak. Napatingin lang sa akin si Kiel, pero bigla niyang pinunasan yung luha sa mata ko.

"You are loved. Jesus' loves you Kiel, and kahit hindi mo makita or maramdaman yung love na hinahanap mo sa ibang tao. Jesus' love for you will never change."

"I want it."

"If you want, you can."

"But how?" Tanong niya sa akin. "Let's pray." Sabi ko sa kanya. "Pray?" Tanong niya sa akin na halatang nagtataka. "Yes, prayer is your way of talking to Jesus. It's your communication to God."

"Okay then let's pray." At that moment, nagpray nga kami then Kiel willingly surrendered his life to Jesus, he accepted Him to be His Lord and Savior. His lover and His Father. After namin magpray dumating si KK, at nakita niya na naka-hug sa akin si Kiel. "Kiel, anak, one thing lang na sasabihin ko sayo is, if you want to be loved, then love even if it hurts. Love the unlovable because real love means accepting everyone's differences, love means loving even if the person you love doesn't reciprocate your love. I want you to ask for your Parents forgiveness."

13:4 LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon