13:4 LOVE by aybisi_di
Chapter 8: ANGRY
Inoue's POV
May six months na din nanliligaw sa akin si Pastor Migz, at never na pumalya sa pagpapa-cute at pagiging sweet. Palagi din niya akong dinadalaw sa work and nagpapadala ng flowers minsan, medyo sweet ano po? Lagi na lang tuloy ako tinutukso dito.
"Buti pa si Inoue may suitor na, ako kaya kelan?" Pang-aasar sa akin ng bakla ko na friend dito sa office.
"Yung lagi natin tinutukso na single, ngayon may nanliligaw na. Kelan mo ba kami papakilala diyan Inoue?" Tanong sa akin nung parang nanay-nanay-an ko dito sa office.
"Hahaha soon!" Totoo naman kasi dati ako lagi nilang napapansin dahil chubby ako tapos single, ang taba ko daw kasi kaya walang nanliligaw, magpapayat daw ako para may magka gusto sa akin.
Pero wala eh, pag si God ang nanguna sa buhay mo, ili-lead ka Niya sa tamang tao na kahit mataba ka, payat, pango, maitim or hindi katangkaran meron magmamahal at magmamahal sayo katulad ng pagmamahal sayo ni God pero syempre mas iba pa din ang love ni God, unconditional.
Salamat na lang talaga sa Lord dahil hindi Niya ako hinayaan na magmadali, hindi Niya ako hinayaan na ako mismo yung umamin kay Pastor Migz para lang magkaroon ng something sa amin, thank God dahil binigyan Niya ako ng mahabang pasyensya para maghintay lang sa nilaan Niya.
***
Shin's POV
Pauwi na sana ako sa bahay nung bigla akong tawagan ni Lola Andeng na sinugod daw sa ospital si Keegan, kaya nataranta ako at nagmadaling pumunta ng ospital. Pero sumama sa akin si Pastor Ian dahil nga napansin niya na namumutla ako, baka daw mapano ako kaya siya na yung nag drive ng sasakyan ko.
"Lola Andeng! Si Keegan? Kamusta na po si Keegan?!" Nagulat ako kasi bigla siyang umiyak, tapos napaluhod sa harap ko. "Pastora.... Hindi po maintindihan ng mga Duktor anong nangyari pero biglang bumagsak yung katawan ni Keegan at bumalik yung sakit niya mas malala at mas mabilis na kumakalat. Hindi din namin maintindihan kasi okay naman po siya, pero bakit bigla na lang ganito."
Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pero bigla na lang tumulo yung luha sa mata ko. "Pastora." Narinig ko ang isang pamilyar na boses, at pag tingin ko sa kanya lalo akong naiyak.
"We're doing our best, pero tatagan niyo ang sarili niyo dahil pahina ng pahina ang katawan niya, hindi din namin maintindihan bakit ganito."
Marami pa siya sinasabi pero halos walang pumapasok sa utak ko, at kahit gusto ko mang-away hindi ko ginawa dahil naiintindihan ko na may pagkakataon na ganon ang sitwasyon, tao lang din sila at hindi lahat kaya nila ipaliwanag. Pinapasok nila kami sa loob at wala pa din malay si Keegan ang dami-daming kung anu-anong aparato ang nakakabit sa kanya.
At halata sa mukha niya na maputla at mahinang-mahina na siya, nagulat kaming lahat dahil wala naman signs na umuulit yung sakit niya kaya nagulat na lang ako nung malaman ko na sinugod siya ang mas masakit pa don ay parang triple yung pagka worse ng sakit nya kesa dati.
BINABASA MO ANG
13:4 LOVE (Completed)
RomanceWhat is the real meaning of love? Marami sa atin may kanya-kanyang version pagdating sa meaning ng love yung iba based sa experiences nila, yung iba based sa mga nababasa o napapanuod o napapakinggan nila. Pero ano nga ba ang real meaning ng love? H...