Chapter 1 - "Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa?"

1.4K 16 3
                                    

Daniel's POV:

"Umiiyak ka na naman. Langya talaga, wala ka bang ibang alam?

Namumugtong mga mata, kailan pa ba kaya ikaw magsasawa? 

. . ."

Halaga by Parokya ni Edgar. Yan ang kantang paulit-ulit kong pinapagtugtog habang nakaharap sa computer at ka-chat siya sa Facebook. Malungkot na naman siya, ramdam ko habang kinekwento niya sa akin ang nangyari sa kanila ng boyfriend niya kaninang hapon. Siya... siya na minamahal ko ng palihim, siya na sinasaktan ako ng hindi sinasadya. Hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit hindi niya maiwan-iwan ang boyfriend niyang palagi nalang siyang sinasaktan. Bagay na bagay sa kanya ang kantang 'to. Kathryn Bernardo! Bakit ba kasi nag-titiis ka sa kanya?! Naiinis kong sabi sa sarili ko habang pinapakinggan ko ang kanta. Hindi ko tuloy napansin na na-type ko na pala ang lyrics neto at send ko pa sa kanya. Ano ka ba naman Daniel! Ang tanga tanga mo! Nagpapadala ka na naman sa mga nararamdaman mo, ayan tuloy, kung ano ano nalang yang nasasabi mo!

- - - - - - - - - - 

*Sa chat box*

Kathyn Bernardo: Oo nga eh, nag-away na naman kami kanina. Pero di bale, magkakabati rin naman kami bukas. Gagawan ko ng paraan. Oh, ikaw naman, kumusta?

Daniel Padilla: Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya. Siguro ay hindi niya lang alam ang  iyong tunay na halaga

Kathryn Bernardo: Ha? Huy, Daniel, anong ibig mong sabihin dyan?

Daniel Padilla: Ah! Wala! Kasi pinapakinggan ko tong kantang to, eh diba minsan ganyan kapag may pinapakinggan ka habang nagsusulat yun tuloy yung nasusulat mo. Hehe, wala yun! Lol. Wag mong pansinin. Eto, ayos lang naman ako. Medyo pagod, nag basketball kasi kami kanina ng mga kaibigan ko eh. 

(Palusot kong sagot sa kanya. Kung tutuusin, gustong gusto kong sabihin sa kanya yang linyang yan. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi tulad ko, nagmamahal din siya. Ang dami na niyang sinakripisyo para humaba pa ang relasyon nila ng boyfriend niyang ito. Kaya siguro ay sa kaunting dahilan na iyan ay naiintindihan ko rin kung bakit hindi niya siya ganun kadaling mabitawan.)

Kathryn Bernardo: Ahhh ganun ba. Haha! Oo nga eh! Ilang beses na rin yang nangyari sakin. Pero hindi pa yang habang nakikinig ako sa isang kanta. Madalas kapag may kausap lang ako, tapos yung sagot ko sa kausap ko yun ang natatype ko. Lol. Iba pala sayo eh. Haha. Abnormal ka ata. =)) De joke lang! Nako! Ang itim itim mo na nyan, I bet! Kaka basketball mo, eh kahapon ganyan rin ginawa mo eh!

Daniel Padilla: Lakas ng loob mong manglait! Araw-araw mo nalang akong inaaway ah. Pasalamat ka pagod ako para awayin ka rin. Oh siya sige, Kath. I-off ko na tong computer, sakit na ng mata ko eh. Sa text nalang tayo mag-usap. Bye dito! :)

Kathryn Bernardo: Oh sige, DJ. Magta-tumblr din muna ako eh. Haha. Kawawa naman followers ko, kahapon pa yun last post ko eh. Haha. :p Byeee!

- - - - - - - - - -

Hay nako Kathryn, kung di lang kita mahal. Sabi ko sarili ko habang sinara ang aking laptop. Tumayo ako para mag-toothbrush. Napatawa ako nun ah. Habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin, nilapit ko yung mukha ko para makita ko kung nangitim nga ba ako ng husto, kahit na pabiro lang yung sinabi niya, nakaka-conscious pa rin ano! Manggaling ba naman ang mga salitang yon sa mahal mo, nako, baka di na niya ako magustuhan. Haaaay salamat, buti nalang. Sabi ko, as a sigh of relief. Hindi naman ako ganun ka bilis umitim eh. Kahit ilang oras akong magbabad sa araw, parang konti lang ang iniba ng kulay ng skin ko. Kung makapanglait lang parang siya ang puti puti niya... may pagka-morena kasi yung kutis niya. Pero kahit na hindi siya ganun kaputi, napakaganda niya. Abot langit ang ganda. Kahit na hindi ko pa siya nakikita sa personal. 

Tunay na HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon