Chapter 6 - "Minsan hindi ko maintindihan"

614 6 1
                                    

*Kath's POV*

Natapos na ang briefing namin at heto na, magsisimula na ang Quiz Bowl. Kalmado lang ako, hindi naman sa nagmamayabang, ngunit tulad nga ng sabi ko ay alam kong sapat ang nagawa kong pagrereview at paghahanda para sa Quiz Bowl. Tiningnan ko ang aking mga kasama, tulad ko ay halatang panatag ang loob nila. Magandang senyales 'to.

Ngayong araw na 'to ay ang Elimination Round. Bukas naman ay ang Finals. Unang sumalang ang mga Freshmen. May apat na rounds for each year level, bawat round ay may 10 questions, kung sino man ang makakamit ng perfect score sa unang 3 rounds ay siguradong pasok na sa last round at exempted na para sa huling Elimination Round. Labing limang paaralan ang magkatunggali. Ang makakapasok sa Finals ay ang top 3 schools with the most points for each year level. Mamaya pa ako dahil Senior Rep ako kung kaya't naisipan kong maglibot muna. Nagpaalam ako kay Ms. Torres at pumayag naman siya basta't maging alerto lang daw ako sa oras, pag 11:15 am na ay kailangan ko na daw bumalik. 

"45 minutes", sabi ko sa sarili ko. Pinagiisipan ko kung kasya ba ang oras na yan upang hanapin ang Apo ko. Hindi kasi siya nagrereply talaga. Sinubukan ko ring tumawag pero walang sumasagot.  Nagdadalawang isip ako, napakalaki kasi talaga ng eskwelahan eh. May elementary, high school and college department at napakadami pang tao. Ngunit napagtanto ko, wala namang mawawala kung susubukan eh, kaya't sinimulan ko na ang paghahanap. May napakalaking oval sa gitna ng P&P College na natatabunan ng damo, may inilalagay silang goal para sa football, malamang dito sila maglalaro meaning hindi dito ang basketball. Natural! Hay, at nagpatuloy ako sa aking paglalakad.

11 am na at hindi ko pa rin siya nakikita. Ano ba naman to, akala ko excited siyang makita ang Lola niya? Pero bakit parang pinapahirapan niya yata ako sa paghahanap? Nagdesisyon na sana akong bumalik nang may nakita akong naka basketball jersey. Akala ko matatagpuan ko na siya ngunit iba naman ang nakasulat sa jersey ng taong to. Pasteur Institute of Technology at hindi Peter and Paul College. Sayang akala ko pa naman makikita ko na siya nang may bigla akong naisip at sinundan ko yung lalakeng nakabasketball uniform. Sinundan ko siya dahil sa tingin ko pag nahanap ko ang Basketball Court ay mahahanap ko din ang Apo ko. Tama nga ako, habang sinusundan ko ang lalake ay may naririnig akong malakas na hiyawan, eto na yata ang Basketball Court. 

*Prrrrrrrrrrrrrrrrrrttttttt*, may pumito. Ang referee na yata yun. Nagmadali akong pumasok sa loob ng court, tiningnan ko ang screen sa itaas ng court:

 Peter and Paul College 47 Westside High 29

Nakaramadam ako ng tuwa, nararamdaman kong malapit ko na siyang makita at in fairness ulit, 18 points ang difference, kaya pala nag first place sila eh. Ngunit mabilis na naglaho ang ngiti sa aking mukha nang mabasa ko sa ibaba ng score ay:

    Halftime

Meaning wala ang mga players at nasa locker rooms nila. Tumingin ako sa relo, 11:10 am, limang minuto nalang ang natitira. Kailangan ko nang bumalik. Tumungo ako, bigong makita ang aking Apo. 

Nakalabas na ako ng court ngunit hindi pa gaaanong nakakalayo nang biglang may tumawag.

Tunay na HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon