Chapter 11 - "Sobrang pagod na ang aking bibig"

542 7 2
                                    

* Kathryn's POV *

Si Tippy pala!!! Remember niyo si Tippy? Siya yung pangatlong member ng Super Three. Nakwento ko na ba sa inyo kung ano at sino yung Super  Three? Kami yung tatlo. Si Tippy, si Daniel at ako. Mga tumblr-ista lol. Kami kasi yung sobrang close dati sa Tumblr. Oo, dati.. kasi nga diba. Simula nung nangyari ang lahat that night, hindi ko na sila masyadong nakakausap. Wala lang, nakakailang kasi. Tsaka siya rin yung crush ng Apo k-- este ni Daniel. Ay, maswerteng crush pala. Swerte nito eh, kasi isang isang tulad ni Daniel ang may gusto sa kanya. Buti nga at hindi isang tulad ni Quen. Yung lagi kong inaasar sa kanya dati. Pine-pair ko sa kanya, kasi alam kong si Tippy may gusto kay Daniel, tsaka si Daniel naging crush din si Tippy dati. Ewan ko ba dun ba't nawala yung pagka crush niya sa kanya eh ang ganda at ang bait nitong si Tippy. Pero malay mo, sa pag-asar ko sa kanilang dalawa eh magkatuluyan sila. Pero lol. Hahaha.  Hindi na nga kami nagkakausap na kaming tatlo diba? Hay nako Kath. Ayan ka na naman, tinopak na naman. Think logically nga!

"Yes! It's me! Grabe, who would've thought na dito lang pala tayo magkikita?" tas nag hug kaming dalawa. Awwww. First time ko kasing makita si Tippy eh. Kasi nga diba, online friend din. Kung ako sa Nueva Ecija at si DJ dito sa Cavite, siya naman ang Manila girl samin.

"I know right! What brings you here nga pala?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi inimbita ako ni Daniel sa graduation niya. Ngunit mukhang hindi na ako nakahabol. Nakikita ko kasing nagsisilabasan na yung mga tao eh. Pero sabi naman niya na may celebration daw sa bahay nila, kaya lang hindi ko naman alam san yun, kaya dito nalang niya ako pinapunta, tas sabay nalang daw kami pumunta sa bahay niya. Ikaw din ba Kath, andito ka for his graduation? Pero bakit andito ka, hindi mo ba siya kasama? Tsaka Kath, alam mo miss ka na namin. Nagtatampo na kami ni Daniel sa'yo. Ilang buwan na rin tayong hindi nakakapag-usap tulad ng dati. Miss ko na ang  Super Three" andami namang sinabi nitong si Tippy. Hehe. Hinay hinay lang teh, mahina ang kalaban!

"Ah oo, kasi alam mo na, you know naman the feeling of being a senior tapos running valedictorian pa diba? So naging busy talaga ako nung mga nakaraang buwan. Pero heto, graduate na din tayo sa wakas! College na! Excited ka na rin ba? San ka nga pala mag-aaral? Tsaka tuloy ba yung fine arts?" Change topic, change topic agad! Hahaha! Mga palusot ko bulok, ano? Pero waaa. Sana hindi niya mapansin na iniiwasan kong sagutin yung mga tanong niya. Ayoko kasing pag-usapan eh.  Waaa. Sana di na niya itanong pa ulit. 

"Naks! So naging valedictorian ka pala talaga Kath? Ikaw na! Ako sa Maestro University, sayang nga at hindi ko na natuloy ang fine arts, ayaw kasi nila Dad. Kaya nag Interior Design nalang ako, pero it's my second choice rin, so no regrets for me. Eh ikaw anong course mo? Tsaka san ka mag-aaral?" tanong niya sakin. Yesss, di na niya napansin na hindi ko sinagot lahat ng katanungan niya. Whoo. Best actress! Pero teka, kailangan ko pa rin makahanap ng paraan para hindi magtagal dito, baka kung sino pa ang makakita sa amin. Waaa savior please?!

"Ah ako, International Studies! One step closer to my dreams na ako Sis! Tas pag graduate ko, Paris, Barcelona, Bern, Münich, Milan! Haha grabe noh mga pangarap ko. Tapos school ko sa --"

"BEEEEEEEESSS! Halika na, uwi na tayo!" biglang sigaw ni Julia, kumakaway na tumatakbo habang hawak ang kamay ni Diego. Wow. Holding hands while running? Sweet lang? Haha. Ano kayang nangyari kanina. Hmmm. Haha lol. Pero OMG! Salamat. You're my savior Bes! haha! 

Tunay na HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon