Chapter 12 - "Ayoko nang isipin pa"

508 5 2
                                    

*Daniel's POV*

"Bro, let's go! Tita Karla, we'll go ahead na po!" sabi ni James, sabay kaway kay Mama. Sabay na kasi kaming tatlo ni Sam na luluwas papuntang Maynila. Same school, same house, talagang hindi kami mapaghiwalay!

"James, ingatan mo si DJ pagdating niyo dun sa Maynila, ha? Tsaka pati na rin si Sam. Alam mo naman, ikaw lang ang maaasahan ko sa inyong tatlo pagdating sa mga bagay na ganyan"

"Ma naman! Malaki na po kami, don't worry na ha?" Sabay yakap at kiss ko kay Mama. Hayyy, mamimiss ko si Mama, pati si Papa. Si JC, si Magui at Carmella. Hindi naman ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa kanila, kasi madalas na may out of town trips kami for school activities nung high school, pero ito ang unang beses na ganito kami katagal magkawalay. 

"Mamimiss ka namin, Anak" at niyakap niya rin ako ng mahigpit. 

"Family hug!" sigaw ni JC at lumapit silang lahat saming dalawa ni Mama.

"Kuyaaaa, buhat pwease puhrah ako hug din" tas nag open arms si Carmella. Waaaa. Wag naman ganyan, parang ang hirap tuloy umalis!

"Oh come here, Baby" at binuhat ko siya. Si Magui naman ayaw magpahuli!

"Kuya me too! Carry me too!"

"Magui, si kuya JC nalang, I can't carry you both na like before kasi you're both big already" 

"Like dalaga, kuya?"

"Umm, yes, like a young lady" sabi ko. Bubuhatin na sana siya ni JC nang biglang sabi ni Magui na:

"STOP!" at nagulat kaming lahat. "Kuya JC, Kuya DJ said I'm a young lady na, so you don't have to carry me anymore. That's not a big girl thing!" Hahaha. Anak ng! Itong kapatid kong 'to talaga! 

"HAHAHAHA!" at tumawa ang buong pamilya. Pati sina James at Sam tumawa na rin at nakisama na rin sa family hug namin, kasi family na rin naman namin sila, kulang na nga lang dito na tumira yang dalawang yan eh. Haha!

Setting: Manila

"Mga bro, gising na. We're here! Hello manila!" ginising kami ni James. Tulog na tulog kasi kami ni Sam eh pero siya mukhang sobrang excited.

"Bro, di ka ba natulog?" tanong ni Sam sa kanya

"Oo nga Tol, mukhang excited ka yata masyado?" Bakit? Haha. Curious din ako eh.

"Hahaha. No I'm not. Someone has been keeping me awake kasi..." sagot ni James. Someone? Hmmmm... 

"ABAAA! Lumalablayp na ata ang brother James natin brother Sam! Hahaha!"

Tunay na HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon