Chapter 13

508 8 3
                                    

* Kathryn's POV *

F A S T  F O R W A R D

It's been a week since nung start ng school. Nakakapanibago ang college system, mas komplikado pa kesa nung high school. Yung schedule ko ibang-iba. Pero masaya ako kasi it's something new eh, diba? Speaking of new, hindi ko na madalas makasama si Bes kapag class hours. Malayo kasi yung department niya sa akin eh. Hotel and Restaurant Management kasi ang course niya, dahil siya na ang magmamanage ng Montes' chain of restaurants soon. Dun siya malapit sa may canteen, kung saan naroon ang big kitchen. Magkasama naman kami sa lunch break tsaka sabay kaming umuuwi, kahit papaano. Iisang bahay lang rin naman ang aming uuwian eh. 

Buti nalang may mga friends rin akong iba, na ka-course ko o kaya ay kasama ko sa mga subjects. Hindi ko inexpect na maraming lalake pala ang interesado sa course na 'to! May madalas na nga akong kasama na lalaki eh, kasi halos related yung courses namin, kung International Studies ako siya naman BS in International Travel and Tourism Management. Sam yung pangalan niya, kwela siya at masayang kasama. Maingay, madalas siyang sinisita ng teacher namin kasi ang daldal niya, pero friendly lang kasi siya, kaya't kinakausap niya lahat. Pero mind you, matalino siya, sobra! Sabi niya nakakuha siya ng Debater of the Year award nung grumaduate siya! Galing! :)

Hayyy, anyway, heto ako ngayon sa kwarto ko. Sunday afternoon, nasa bahay lang, init kasi eh! Matapos naming magsimba nina Bes at Diego kanina, kumain lang kami sa labas at umuwi na rin. Di na kami nagtagal, tsaka may pasok na bukas, buti na yung di kami pagod pagpasok. So ayun, nagfe-facebook nalang ako...

*scroll down, scroll down* 

Nothing interesting. 

Tumblr nalang muna!

*scroll down, scroll down*

Boring din. Hayyy. Busy ata ang mga tao ngayon ah.

Balik nalang ako sa facebook.

*refresh tab*

Uy, si Tippy nag upload ng bagong pictures! Teka, kilalang kilala ko itong lalaking kasama niya sa litrato. Si Daniel 'to ah? Nag outing yata sila? Silang dalawa lang? Parang date tas sa isang park pa? Na medyo romantic?

*browse photos*

*next photo*

Sinara ko yung facebook na tab. Ewan ko kung bakit, pero parang naiinis akong nakikita silang magkasama. Bakit ba? Dahil parang napag-iiwanan na nila ako? Na parang yung Super Three naging Super Two nalang? Pero hindi eh. Kasi dati ganito rin naman nung kakameet pa lang namin, lumevel up nga lang kasi magkasama na sila ngayon, pero nung hindi pa, nung sa social networking sites pa lang ang komunikasyon namin, hindi naman nagiging malaking issue sa akin na mas marami silang napag-uusapan nung una kasi nga mas matagal din naman silang magkakilala Hayyy. Ano ba yan. Di lang siguro ako nasanay na hanggang ngayon ay hindi na ganun ang lahat sa pagitan namin ni Daniel. 

"Hoooooyyyyy! Anyare sa'yo? Ba't nagsasalubong yang dalawang kilay mo habang harap mo yang laptop ha? Hahahaha. Ano, Bes?" Sigaw ni Julia. Nagulat ako dun ah! Sa kakaisip ko kasi ay di ko namalayan na pumasok pala siya ng kwarto ko. 

"Tsss! Ano ba yan Bes, para kang mushroom! Sumusulpot sulpot lang kahit saan! Nagulat naman ako!" Hahaha. Oha, mala-Mikay yung sagot ko sa kanya. Sinasamahan ko na rin kasi siya ngayon na manood ng Princess and I gabi-gabi eh, kaya ayan, medyo nahawa na rin ako. :p

Tunay na HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon