Chapter 15

613 9 2
                                    

* Kathryn's POV *

Magkahawak kami ng kamay ni Daniel. Sa ilang sandali ay bubuksan na ni Julia ang hawak hawak niyang karatula. Kinakabahan ako, hindi ko kasi alam kung paano tatanggapin ni Daniel ang ginawa ko matapos ng lahat ng nangyari. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya, akala ko dahil dun ay bibitaw siya, ngunit pinabayaan niya lang ako. Hindi siya sumulyap sakin kasi nakatutok siya sa kung anong nakay Julia. 

" I     MISS    U "

Yun ang binuo nila James, Julia at Sam. Sa totoo lang, isang puso sana ang ipapalagay ko, pero kasi sa tingin ko ay parang masyado pang maaga para dun. Ni hindi ko pa nga alam kung naghilom na ang sakit na naidulot ko kay Daniel, kung kaya't ayaw kong madaliin ang lahat.

Nagulat ako sa nangyari. Bumitaw si Daniel sa pagkahawak namin. Nakayuko siya ngayon sa tabi ko. Hindi ko masyadong makita ang mga mata niya dahil natatabunan ito ng kanyang mga buhok. Hindi siya nakangiti. Walang ekspresyon sa kanyang mga labi. Maaari kayang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko? Hindi niya pa kaya ako napapatawad? Hindi ito ang inaasahan kong magiging reaksyon niya. Ganun ko ba talaga siya nasaktan?

Wala pa ring nangyayari, walang galaw, walang imik sa pagitan namin. Nakatingin lang ako sa kanya, habang siya'y nakayuko pa rin. Hinubad na nila Sam ang kanilang mga maskara, nakikita ko rin ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Si Bes, halatang naaawa sa akin. Pakiramdam ko ay iiyak na ako sa ilang sandali. Pakiramdam ko sasabog na ako. Masakit pala yung maging rejected. Yung nasasayang ang effort mo. Yung hindi ka na a-appreciate at hindi ka napapansin. Mahirap pala yung---

O_O

Niyakap niya ako. 

Nakakagulat. Akala ko bale wala lang yun sa kanya? Pero niyayakap niya ako ngayon, niyayakap niya ako ng mahigpit. Ewan ko lang sa inyo, pero parang ito yung pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo. Yung yakap na may halong pagmamahal. 

* Daniel's POV *

" I     MISS    U "

Ang pangungusap na nabuo ng mga naka Blue, Pink at Red. Diyos ko, hindi ako makapaniwala. Totoo ba itong nakikita ko ngayon? Itong nangyayari ngayon? At lalong lalo na itong katabi at kahawak kamay ko ngayon? Ang hirap paniwalaan, anong gagawin ko? Paano ko sasabihin ang nararamdaman kong tuwa ngayon kung kahit na ako mismo ay di ko maipaliwanag sa sarili ko? 

Kinailangan kong bitawan ang kamay niya, kasi nagsisimula na akong manginig. Ayaw ko naman na mapansin niya 'yon kasi nakakahiya kaya. Nalulunod ako ng aking mga damdamin ngayon, blanko ang utak ko, paano ba ang dapat na reaksyon ko para sa ginawa niya? Tatalon ba ako sa tuwa? Pero parang baliw naman yun, tsaka mukhang sobrang halata na ako nun, kahit na yun naman talaga ang gusto kong gawin, ngunit kailangang magpigil muna ng sandali. Ahhh, pano ba dapat? Isip Daniel, isip! 

Teka? Ba't yung utak ko ang pinapairal ko ngayon? Eh matter of the heart ito? Lol. Dapat ang puso ko ang sinusunod ko ngayon, hindi yung utak. Haha tss. Pero kasi... gusto ng puso kong ahhhhh. Lol, wag. PBB Teens masyado ang labas ko niyan. HAHAHA. Langya. Ganito nalang, puso ang sundin, ngunit huwag kalimutan ang utak. Kaya't ang ginawa ko? Niyakap ko siya.

Tunay na HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon