Chapter 7 - "Hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo"

598 7 4
                                    

*Daniel's POV*

"Yes?"

"Ah, eh..." Nalungkot ako. Muling bigo ang naghahanap kong puso. Hindi pa rin pala kung si Kath. Tadhana, kailan ba dapat kami magkita? Ang dami dami mo nang ibinigay na pagkakataon ngunit kapag malapit na ako sa pagkakataong iyon ay hindi mo naman ako napapagbigyan. Lagi nalang akong napapaasa sa mga nangyayari. "Sorry, Miss. Akala ko kasi kilala ki--" nabuhayan ako. 

"MISS!" napasigaw ako. Alam niyo ba kung bakit? Napansin ko kasi yung tie niya na kasama ng kanyang uniform. Guess what mga Bregs! SAINT JOHN ACADEMY ang nakalagay! Eto na! Ang lapit lapit na natin sa finish line! Hahaha pakiramdam ko ay sumali ako sa isang marathon at nararamdaman ko, malapit ko nang masulyapan ang prize ko. :)

"Ay palaka! Ano ka ba naman, bakit ka napapasigaw diyan? Ni hindi nga kita kilala eh! Tingnan mo tong inorder ko, malapit nang matapon dahil sa'yo!"

"Ah, pasensya na. Kasi may kakilala akong estudyanteng galing din sa paaralan mo Miss eh. Saint John Academy diba? Alam kong hindi ka taga rito, sa Nueva Ecija yang school niyo eh. Nandito kayo para sa Inter School Competition, hindi ba?"

"Pano mo nalaman yun? Stalker ka ba? Sinong kilala mo? Nako ah, layuan mo ako kundi sisigaw talaga ako dito. Hindi ko alam kung anong binabalak mo, pero kung sakaling may masamang balak ka man, wag mo nang ituloy!", at nagmamadali niyang kinuha ang inorder niya saka lumabas.

"Miss! Teka lang! Wala akong masamang intensyon sa iyo o dun sa kakilala ko. Maniwala ka naman sa akin.", sabi ko habang hinahabol siya papalabas. Bakit ba niya naisip yan? Grabe naman. Sa mukha kong ito? Stalker? HAHA nakakatawa naman tong babaeng to. "Kilala mo ba si Kathryn Bernardo? Fourth year student? Kasama sa Quiz Bowl at sa Senior's Pageant? Kilala niya kasi ako. Daniel Padilla nga pala. Fourth year student din. Dun ako sa Peter and Paul College nag-aaral. Dapat kasi kanina nasundo ko siya eh, ngunit hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makita siya dahil may laro din ako habang kayo naman may Quiz Bowl. Humabol ako dun sa Quiz Bowl, ngunit patapos na kung kaya't sinubukan kong puntahan siya sa Chill Out Room pero pagdating ko doon ay sinabi nung isang babae na umalis daw kayo agad kasi nahimatay yung isang kasama niyo. Tama ba?" Ewan ko na lang kung hindi pa siya maniwala. Tsaka talaga namang wala akong masamang intensyon. Sana pumayag na siya, siya nalang kasi yung maaaring makatulong sakin na makita ko si Kath bago matapos ang araw na to.

"Ahhh... oo, kilala ko si Ate Kath. Pero wala siyang nabanggit na may kakilala siya dito. Kaya sorry, hindi kita matutulungan." Whaaaat? Isip Daniel, isip! Paano ko ba mapapatunayan sa kanya na kilala ako ni Kath? Biliiiiis, work,  brain!  Kung kailan kailangan kita, di ka naman gumagana ng maayos. Aghhh...

...alam ko na!!! 

"Umm, Miss, eto papatunayan ko sayo ha. Tatawagan ko siya, tapos kausapin mo at itanong mo kung may kilala siyang Daniel Padilla. Ayos ba?"

"Sige, payag ako."

"Ok, sige eto tatawagan ko. Ilalagay ko sa loudspeaker ha, para marinig mo at marinig ko din ang pinaguusapan niyo. Nang sa ganon ay no secrets." Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at tinawagan si Kath. 

* Riiiiing Riiiiiiiiing Riiiiiiiiiing *

Tunay na HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon