Huminga muna ng malalim si March at hiniling niya na sana ay hindi masira ang mga plano niya.
Iyon lang ang paraan niya para mapalapit kay Reed at magkaroon siya ng tsansa sa pag ibig niya rito.
Pagkapindot niya sa doorbell ay nagsimula na rin siyang kabahan, panay din ang buga niya ng hangin.
Umubra sana ang plano mo March!
"Sino yan?" narinig niyang boses ni Reed pagkabukas ng pinto ng apartment, alam niyang naglalakad na ito palapit sa kanya pero kahit na gustong gusto na niyang bumalik sa kabilang bahay ay nanatili siya sa kinatatayuan.
Ngayon ka pa ba magba-back out kung kailan narito ka na?
Narinig niya ang pagbubukas nito ng gate, hindi na rin siya mapakali.
Ahh, kinakabahan pa talaga ako!!!!
Akma na siyang tatalikod para bumalik sa kabilang bahay ng eksaktong bumukas ang pinto ng gate.
"Yes? Anong kailangan mo?" narinig niyang tanong nito.
Sunod sunod siyang napalunok baka sakaling mawala ang matinding kabang nararamdaman niya.
Bumuga muli siya ng hangin bago nagsalita.
"H-hi, my name is Mar- Marc, your new housemate." saad niya sa malagong tinig.
Kinakabahan siya kaya ang mga ngiti niya ay tila naging pilit.
Napansin niya ang pagkagulat nito, hindi ito umimik subalit pinagmasdan naman siya nito mula ulo hanggang paa, sa ginawa nito ay ramdam niya ang panginginig ng mga tuhod niya, hindi sana mahalata nito na sa kabila ng panlalaking suot niya ay nakatago roon ang katotohanan na isa talaga siyang babae, nang ngumiti ito at magsalita ay tila nabunutan siya ng tinik.
"Ikaw ba ang tinutukoy ni manang na magiging house mate ko?" tanong nito
"Ah, a-ako nga." Atubiling sagot niya
"My name is Reed, nice meeting you Marc." Nakangiting pagpapakilala nito sa sarili at nilahad pa ang kanang kamay
Yes, napaniwala ko siyang lalaki ako...
Bantulot naman na tinanggap niya ang pakikipagkamay nito
Geez! Ang lambot ng palad niya....
Hiniling niya na sana ay hindi nito napansin ang panginginig ng kamay niya.
"Welcome pare!"
"S-salamat."
Pagkatapos niyon ay niyaya siya nitong pumasok sa loob ng bahay.
Hindi naman magkamayaw ang kilig na nararamdaman niya habang nakasunod siya sa binata.
This is it! sana ay magtuloy tuloy na ito.
Success ang unang hakbang ng mga plano niya, desperada na kung desperada pero iyon lang ang tanging paraan niya para magkaroon siya ng pag asang makalapit kay Reed, ang magpanggap na isang lalaki.
Isinakripisyo pa nga niya ang mahaba at magandang buhok niya para lang magmukhang lalaki, nagpa short layer siya ng buhok at nagsuot lang ng eye glass para matakpan ang bilugan at malalantik niyang mga mata.
Kahit na nangangati na siya sa suot niyang damit na hinalukay niya sa baul ng ninang niya ay tiniis niya.
Kung may award nga lang para sa pinakadesperadang babae sa mundo siguro ay siya na ang panalo.
Katulad ng bahay sa kabila ay maganda rin ang interior ng bahay nito, same ang ambiance at kulay ng wall paint, nagkaroon lang ng konting changes sa ayos ng mga gamit at nadagdagan rin ng extra room para sa gym nito na nasa tapat lang ng kalsada kaya kitang kita ito ng mga babaeng malilinaw ang mga mata at kulang na lang ay sunggaban ang binata.
BINABASA MO ANG
FLOWER BOYS HOST CLUB 3: TREVOR, The Mischievous Intruder
Lãng mạnGirls love beautiful men. well, ganon din si March. Kaya naman ng masilayan niya sa unang pagkakataon ang gwapong kapitbahay niyang si Reed ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa, gumawa siya ng paraan para mapalapit sa gwapong binata, kahit pa nga...