CHAPTER SIX

1.3K 33 0
                                    

"Do you have any idea about ways to get the attention of the girl you like?" tanong niya pagkaraan ng mahabang orientation niya, lahat ng sinabi niya rito ay base lamang sa nakikita at nararamdaman din niya bilang babae.

Umiling ito, "I don't have any idea." He said, napanganga siya.

Ano bang klaseng lalaki ito? ni hindi marunong manligaw ng babae. Sagana lang pala sa yabang wala din naman palang ibubuga.

"What? Are you kidding me? Hindi ba at member ka ng host club at sinabi mo sa'kin na nagi-entertain kayo ng mga girls sa university ninyo noon, so how you supposed to entertain your date if you don't know how to get her attention?" sarkastikong tanong niya, nakita niyang tila napahiya ito.

Hindi niya alam kung bakit lihim siyang na-cute-an sa ginawa nitong pagkamot sa noo nito.

"Magkaiba naman ang mga babaeng ini-entertain ko sa host club kaysa sa babaeng nagugustuhan ko besides mga school mates ko rin lahat ng mga kliyente namin sa club at kilala ko na silang lahat, there's no special with them. So hindi ko talaga alam." Nahihiya pang sagot nito, manghang mangha naman siya.

Hindi siya makapaniwala na si Trevor Allejo na isang inhinyero at miyembro ng isang host club ay isa palang torpe. Nakakatawa sa kabilang banda ay nakakamangha.

"Anyway, magbalik tayo sa usapan. Kung makikipagkilala ka sa kanya dapat ay maganda ang pag approach mo, turn on sa'min mga babae ang pagiging gentleman ng lalaki katulad ni Reed, he was the real example of a gentleman." Nakangiting sabi niya at nagningning pa ang mga mata niya ng banggitin ang pangalan ng binata, napansin naman niya ang pagsimangot ni Trevor.

"Oh tapos?" bagot na tanong nito

"And then after na makipagkilala ka kailangan mong tiyakin na magkakaroon kayo ng komunikasyon." Aniya "C'mon let's practice, kunwari ako iyon babaeng gusto mo okay."

"Kailangan pa bang gawin iyon? hindi na siguro kailangan." Reklamo nito

"Ah huh! I have an idea! Let's go Trev." Yakag niya, nae-excite siya sa gagawin nila.

"Where are we going?" takang tanong nito.

"Sa mall."

Lalo namang nangunot ang noo nito

"Ano namang gagawin natin sa mall?"

"Well, you will find it when we get there. Let's go!" aniya

Sa mall, sa isang sulok ng food court nakaupo sina March at Trevor habang may hawak hawak na ice cream.

"C'mon, let's see kung marami kang natutunan sa mga sinabi ko." pagkuwan ay saad niya, nahulaan naman nito ang gusto niyang mangyari.

"Don't tell me kailangan kong magpractice? At dito pa?" nanggigilalas na tanong nito, ngumiti siya ng malapad saka tumango.

"That's why we're here."

Sunod sunod na umiling ito tanda ng pagtanggi.

"Hindi na kailangan ng training sapat na sa'kin lahat ng sinabi mo." reklamo nito

"No, I need to see if you learned from me. See that girl out there?" aniya na itinuro ang isang babae na nakatayo hindi kalayuan sa kanila.

"All you need to do is get her number." Pakli niya, hindi na ito nakapagprotesta pa ng ipagtulakan niya ito.

"Nah, hindi naman kailangan na gawin ko to eh." Narinig niyang bulong ng binata habang papalayo sa kanya, kakamot kamot pa ito sa batok.

Tuwang tuwa si March habang pinagmamasdan niya si Trevor, urong sulong kasi ito habang papalapit sa babae halatang hindi alam ang gagawin

FLOWER BOYS HOST CLUB 3: TREVOR, The Mischievous IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon