CHAPTER NINE

1.4K 32 0
                                    

"On the way na ako." Sabi ni March kay Reed, nasa loob na siya ng taxi patungo sa Grand opening ng Flower Boys Host Club, ang pagkakaalam niya ay may itinayong charity business ang magkakaibigan at iyon nga ang host club, layunin ng club na iyon na makatulong sa iba. They were sponsoring schools and give educational assistance, napili din ng mga itong sumuporta sa ibang bahay ampunan. Gaya nang ginagawa nang mga ito noon sa university, College days pa lang naman ay iyon na ang layunin ng club ng mga ito, ang makatulong sa iba.

Napakaganda ng naisip ng mga ito kaya hangang hanga talaga siya sa magkakaibigan.

Kanina sa apartment habang pinapakain niya si Lucky ay tumawag ang binata, naiwan daw nito ang gagamitin nitong suit at nakisuyong ihatid niya iyon sa binata. Iyon daw ang isusuot nito para sa event na iyon, pumayag naman siya since naiinip na rin siya sa bahay.

Bitbit ang pinakisuyo ng binata ay bumaba siya sa taxi at naglakad sa tapat ng isang mataas na gusali, napanganga siya dahil hindi niya akalain na nasa loob ng isang exclusive hotel ang Host Club, sa fourteenth floor kung nasaan ang club ay sumakay siya ng elevator.

Palibhasa ay mamahalin at kakaibang salamin ang dingding ng elevator ay kitang kita niya ang view sa labas ng hotel, humanga siya sa napakagandang tanawin mula sa ibaba, ang malawak na landscape niyon ang nagbigay ng mas kaaya ayang dating.

Animo nasa isang five star hotel siya, Grabe, paanong nakapagpatayo ng host club ang mga ito sa mamahaling hotel na iyon? at dahil hindi basta basta ang hotel na iyon ay natitiyak niyang hindi rin basta basta ang magiging costumers ng mga ito.

Napapailing na lang siya sa mga naiisip niya, hindi na dapat siya nagtataka roon dahil hindi naman pangkaraniwang tao ang mga host club members, nanggaling sa mayayamang angkan ang mga ito at may sari-sariling pangalan sa bansa at maging sa labas ng bansa.

Tumigil ang elevator at bumukas iyon, nanlaki ang mga mata niya at lalo siyang namangha nang makita niyang ang buong fourteenth floor ay ang Host club mismo, nabasa niya kaagad ang bumungad na signboard sa kanya, Flower Boys Host Club.

Ibang level ang mga host men! Napapalatak na lamang siya, she even noticed the human stand of each host men, Darn! Nakawin kaya niya ang human stand ni Reed? Lihim na nilapitan niya iyon at tinitigan, gaya ng totoong taas nito ay nakatingalang napangiti siya, Ang gwapo gwapo mo talaga, papa Reed! Sa katabi naman niyon ay nakita naman niya ang human stand ni Trevor, nakasuot ito ng black suit at aaminin niyang bagay rito ang suot nito, ang taas at tikas ng pangangatawan nito ay hindi nalalayo sa ibang host men pero may kakaibang aura ang binata na nagpaisip sa kanya, hindi kasi niya maintindihan kung bakit mas matagal ang pagtitig niya sa human stand nito.

Ah! Mayabang kasi ang isang ito kaya kakaiba siya sa lahat! Aniya na inis na pinitik ang ilong nito at iniisip na ito ang totoong Trevor.

Bukod sa human stand ay mayroon ding malalaking posters ang mga ito kaya bago siya pumasok ay isa isa pa muna niyang tinitigan ang mga litrato ng labing isang miyembro ng host club na nakapaskil at hile-hilerang nakadikit sa dingding, bagaman nakasuot ang mga ito ng half masks ay hindi pa rin maitatangging mga gwapong lalaki ang nasa likod ng kalahating maskara na iyon, she read what the captions said "You can choose one, You can buy one, You can be with him for one whole night. Meet your Flower Boys Host Club." Inisa isa niya ang mukha ng mga ito, kaagad na namukhaan niya sina Reed at Trevor, palibhasa ay madalas niyang makasama ang dalawa kaya hindi siya nagkakamali, hugis pa lang ng mukha ng mga ito pati ang matatangos na ilong at mga mapupulang labi, kilalang kilala na niya ang dalawa.

Napangiti siya ng mabasa niya ang code name ng mga ito, Silver Knight for Reed while Black Knight for Trevor. How cute! Bagay na bagay maging knight in shining armour ang mga gwapong nilalang na ito...

FLOWER BOYS HOST CLUB 3: TREVOR, The Mischievous IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon