CHAPTER ONE

2.8K 56 1
                                    

"Sa tingin mo Lucky magkakaboyfriend ba ako nang kasing gwapo niya?" untag ni March habang nakakubli at lihim na pinagmamasdan ang gwapong lalaki sa tapat ng bintana ng apartment na tinitirhan niya, matinis na tahol ng aso ang sumagot sa kanya.

"Geez, ayan na ayan na Lucky. Maghuhubad na siya." parang baliw na saad niya habang kinikilig pa.

Nakita niya sa kabilang apartment ang crush niyang si Reed habang naghuhubad ng damit, katatapos lang nitong mag gym sa ibabang bahagi ng apartment at alam niyang maliligo na ito para pumasok sa trabaho, sa ilang araw na niyang pagtira sa lugar na iyon ay nalaman na niya ang mga ritual na ginagawa ni Reed.

Kung hindi magjo-jogging sa umaga ay magbubuhat ng barbell ang binata para sa morning warm up nito pagkatapos ay maliligo at papasok na sa trabaho.

Hindi pa man niya masyadong kilala si Reed pero noong makita niya ito noong isang linggo ay nasabi niya sa sarili niya na "Finally I'm in love!" If there's only such thing called Love at first sight, siguro ay iyon na iyon...

Halos tumulo ang laway niya nang sa wakas ay makita niya ang matipunong katawan nito, mala-Matt Evans ang dating nito, ang captain America ng buhay niya, he was like a greek god! Pasadong pasado ito sa check list ng lalaking type niya.

"Shocks! Look at him, look at him Lucky! Ang macho-macho ni papa Reed!" aniya habang impit na kinikilig, halos magtatalon siya sa sobrang kilig na nararamdaman niya nang makita pa niya si Reed habang pinupunasan ang pawis sa katawan nito.

"I wish I could wipe his precious sweat, oh papa Reed!"

Ilang saglit pa siyang parang baliw na nagsasalitang mag isa at kilig na kilig.

Maya maya ay nakita niya na nagsara na ito ng bintana at malamang na maliligo na ang binata.

"Ay sayang naman, gusto ko rin makita kung paano siya maligo." Bungisngis niya nang pumasok sa balintataw niya ang kapilyahang naiisip niya.

Nahiga siya sa kama at tumitig sa kisame, noong isang linggo lang siya dumating sa village na iyon, sinunod niya ang bilin ng lola niyang namayapa na doon siya tumira once na iwanan siya nito tutal naman ay wala rin siyang mapupuntahang ibang kamag anak dahil ang lola lang niya ang nagpalaki at nag alaga sa kanya, nagrerenta lang din sila ng bahay noon sa Cebu.

Maswerte siya dahil napakabait ng ninang niya, matalik na kaibigan ito ng lola niya na isang matandang dalaga at may ari ng maraming apartment doon.

Hindi naman siya nagsisisi dahil kahit naiwan niya ang mga kaibigan niya sa dating tirahan niya ay nagkaroon naman uli siya ng panibagong pamilya at sa piling ng ninang niya..at higit sa lahat napakaswerte nga niya dahil natagpuan niya doon ang noon pa niya hinahanap na pag ibig.

Yes, she was thinking about Reed, ito lang naman ang tanging lalaking nagpatibok ng puso niya, sino naman kasi ang hindi maiinlove sa napakagwapong kapitbahay niya? Siya pa naman yung tipo ng babae na mahilig tumingin sa hitsura, yes! She loves beautiful men.

Hindi naman siguro siya nag iisa sa mundo na nagpapantasya na magkaroon ng gwapong nobyo no!

Kaya nga ipinangako niya sa sarili niya na gagawa siya ng paraan para makalapit kay Reed, kung kinakailangang kumain ng buhay na manok o tumulay sa alambre o kahit pa magbuwis ng buhay ay gagawin niya alang alang sa pag ibig niya.

Bumangon siya sa pagkakahiga sa kama at lumabas dala ang walis tingting at dustpan, naisipan niyang magwalis sa tapat ng bahay nila, wala din naman siyang ginagawa kaya gusto niyang abalahin ang sarili, she was a home based telemarketer and a blogger, ni-recruit lang siya ng isa niyang kakilala noon sa cebu kaya kahit na nasa bahay lang siya magdamag ay kumikita siya ng malaking pera, she was endorsing international products like beauty products and herbal soap.

FLOWER BOYS HOST CLUB 3: TREVOR, The Mischievous IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon