CHAPTER TEN

1.3K 31 0
                                    

Habang nasa isang sulok lang si March ay nginingitngit siya ng pagkainis, hindi niya alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman niya sa tuwing mapapasulyap siya sa pwesto ni Trevor, paano ba naman ay halos nakadikit na ang katawan ng babaeng kasama nito sa binata at ang bruhong lalaki naman ay tila balewala lang kung halos nakasubsob na ang mukha ng babae sa dibdib nito.

"Kunwari pa pero gustong gusto naman." Inis na bulong niya, "Torpe? Torpe daw? Tse! Mukha nya!" patuloy na pagmumukmok niya, ilang ulit na tinungga niya ang bote ng wine bago niya napagtanto ang ginagawa niya.

Ano ba kasing pinagmumukmok mo March? Bakit si Trevor? Diba si Reed ang gusto mo?

Hindi rin niya alam kung bakit bigla na lamang sumisingit sa sistema niya ang lalaki, sa tuwing iisipin kasi niya si Reed ay parang virus ito na bigla na lamang sasakupin ang isipan niya hanggang sa namamalayan na lamang niyang ito na ang iniisip niya.

Inis na nagulo niya ang buhok niya, si Reed...si Reed ang gusto ko!

Hinanap ng mga mata niya si Reed, nakita niyang tahimik lang itong nakatingin sa babaeng kasama nito.

Napangiti siya, the man was so handsome by simply looking at the girl, inisip niya kung anong pakiramdam ng nakikipagtitigan dito.

"Ang gwapo talaga niya." aniya.

Nagulat siya nang may humablot sa nangangalahati na niyang bote ng wine, nasarapan siya doon at kahit na nahihilo na siya ay hindi man lang niya ininda iyon.

"Hey!" angal niya at inis na sinulyapan ang taong nakikialam sa pag iisa niya.

Bahagya siyang nagulat ng masalubong niya ang seryosong mukha ni Trevor

"Pinayagan ka namin na tumambay dito pero hindi namin sinabing maglasing ka." Walang kangiti ngiting sabi nito, kahit na lumundag ang puso niya ng makita ito ay pinilit niyang magpakanormal sa harap nito.

She pouted, "Ano naman ang gagawin ko dito? Panoorin kayong lumandi sa mga babaeng yun?" inis na sabi niya, hindi niya alam kung bakit tila nanggaling sa puso niya ang inis na nadarama niya.

Tumayo siya at akmang maglalakad nang pigilan siya nito.

"Where are you going?" he asked

"Uuwi na, inaantok na ako." Aniya na natalapid pa sa paanan nito ng bumuway ang paglalakad niya.

"Sa tingin mo kaya mong umuwing mag isa?" seryosong tanong nito na inalalayan pa siyang makatayo ng maayos, pinalis niya ang nadaramang kaba habang magkadikit ang mga balat nila.

Umikot ang eyeballs niya, "Of course! May mga paa ako." Sarkastikong sabi niya na iniwan na ito, mas makakabuting iwasan ito para hindi na lumala pa ang nadarama niyang kalituhan, nadaanan niya ang ibang host men.

"Aalis na ako mga pogi." Aniya, gulat naman na nagkatinginan ang mga ito. Mangali ngaling batukan niya ang sarili, "Kasing pogi ko." Aniya sabay tawa

Nagpasalamat siya ng makitawa rin ang mga ito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Reed

"Uuwi na." aniya na tinuro pa labasan.

"Madaling araw na, dito ka na matulog." Ani Xien, nakangiting umiling siya.

"Wala akong pambayad sa hotel." Aniya

"Nah, si Yuan ang may ari ng hotel na ito kaya wala kang bayad." Ani Jared

"Yeah, sa sixteen floor may mga available rooms." Ani Yuan

"Okay." Nakangiting sabi niya na pagkatapos magpaalam ay lumabas na siya ng host club, nakasakay na siya sa elevator at pipindutin na lang ang sixteen floor ng may pumigil sa pagsasara niyon.

FLOWER BOYS HOST CLUB 3: TREVOR, The Mischievous IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon