CHAPTER FOUR

1.3K 38 0
                                    

Napabalikwas ng bangon si Trevor nang umagang iyon dahil sa ingay na naririnig niya mula sa ibaba ng bahay, inis na lumabas siya ng silid at inis na sinilip ang maingay na iyon, nakita naman niya si Marc mula sa sala habang kausap ang alaga nitong aso na walang tigil sa pagtahol.

"Stop it Lucky, baka marinig ka ni yabang." Kausap nito sa aso, tsss, ano daw?

Nawala na ang antok niya kaya yamot na bumaba siya.

Ang aga aga nang iistorbo ang mag among iyon.

Lalapitan sana niya ito subalit nagtatakbo palabas ang aso nito kaya sinundan ito ni Marc, inis na sinundan na lamang niya ng tingin ang mag amo.

Weirdo..inis na naglakad siya palabas para isara ang gate na iniwang bukas nito subalit natigil ang gagawin niya nang mapansin niyang pumasok sa kabilang bahay si Marc.

Curious, he found himself walking towards the house to get a close look what's going on with that guy.

Kagabi pa niya pinag iisipan iyon kung bakit parang pamilyar sa kanya si Marc, kailangan niyang alamin iyon.

"Lucky! Saan ka ba pupunta?" tawag ni March kay Lucky nang tuloy tuloy itong nagtatakbo papasok sa kabilang bahay, lumusot ito sa ilalim ng bakuran kung saan natatabingan ng malalagong halaman, wala siyang nagawa kundi buksan ang gate ng bahay mabuti at palagi niyang dala ang susi niyon, hanggang sa back door ay sinundan niya si Lucky, tila sabik na sabik ang alaga niya sa bahay na iyon.

"Sandali lucky!"

Nakita niyang tuloy tuloy na umakyat ng bahay ang aso hanggang sa pumasok ito sa silid niya, she paused for a while then smiled, nakita niya kung paano nasabik ang aso niya kay frocs, ang stuff toy na madalas na katabi ni Lucky sa pagtulog.

Nakangiting nilapitan niya ang alaga.

"I'm sorry lucky, siguro miss na miss mo na si frocs?" nakangiting saad niya habang hinahaplos ang alaga, ilang saglit pa niyang pinagmasdan ang alaga pagkuwan ay tumayo at nagtungo sa banyo.

"Dalawang araw na rin akong hindi nakakapag milk bath." Bulong niya, sinulyapan niya ang oras, alas otso pa lang naman ng umaga siguradong tulog na tulog pa si Trevor at hindi na nito mapapansin na nawala siya kahit na isang oras lang.

Fresh na fresh ang pakiramdam ni March ng bumalik siya sa kabilang bahay, sulit ang isang oras na pagbabad niya sa bath tub. Naabutan naman niya sa sala si Trevor habang prenteng nakaupo ito sa sofa, mukhang maaga siyang nagising.

Kahit na gusto niya itong batiin ay minabuti niyang h'wag na lang itong pansinin dahil gaya ng ipinangako niya kagabi sa sarili niya na mas makakabuting iwasan niya ang binata kaysa may mapansin ito sa kanya na makakasira ng mga plano niya.

"Marc." Tawag nito sa kanya pagkalagpas niya sa binata, lihim na nagbuga siya ng hangin kahit ano yatang gawin niyang pag iwas dito ay lalo yata siyang napapansin ng binata.

"Yes?" nakangiting tanong niya, pabalat kayo.

Napansin niyang bahagya itong natigilan at saglit na tumitig sa kanya na ipinagtataka naman niya.

"Saan ka galing?" pagkuwan ay tanong nito, bigla naman siyang kinabahan, hayan na nga ba ang sinasabi ko, pinag aaralan talaga niya ang mga kilos ko.

"Ah, pinasyal ko lang itong si Lucky. Nalulungkot kasi siya dito sa loob ng bahay." pagsisinungaling niya, walang emosyong sinulyapan naman nito ang aso niya na kagat kagat pa rin si frocs.

"Mukhang may lakad ka ah? Saan ang punta mo?" tanong niya, maiba lang ang usapan..

"Pupuntahan ko si Reed, gusto mong sumama?" anito

FLOWER BOYS HOST CLUB 3: TREVOR, The Mischievous IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon