Hindi nga nagkamali si March, namimiss na niya ang presensya ni Trevor, ilang araw na kasi itong wala sa apartment, ang sabi ni Reed ay umuwi daw saglit ang binata dahil inaasikaso ang kasal ng kapatid nitong babae. Ngayon pa lang ay sabik na sabik na siyang makita muli ang binata. Doon niya napatunayan na wala talaga siyang gusto kay Reed, infatuation at hindi love ang naramdaman niya para dito, ang mga kilig at tuwa sa tuwing makikita niya ito noon ay tanda lamang ng paghanga dito, natiyak din niya sa sarili niya na sadyang mabait at maginoo lang ang binata kahit kanino kaya niya pinipilit ang sarili na in love siya dito. ni hindi nga niya naramdaman dito ang mga kakaibang nararamdaman niya noon kay Trevor, ang mabilis na pagtibok ng puso niya sa tuwing makikita ang binata at ang mga pagkailang niya sa tuwing tititigan siya nito.
Oh how she miss Trevor so much, the whole Trevor.
Bakit ba ngayon lang niya narealize ang lahat?
Nang gabing iyon habang laman pa rin ng isip ni March ang mahal niyang si Trevor ay naagaw ang atensyon niya sa pagtunog ng cellphone niya.
"Hello." Tinatamad pa niyang sagot
"Hello neng."
Napabalikwas siya ng upo sa sofa ng mabosesan niya ang ninang trining niya
"Ninang, napatawag kayo?"
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na uuwi na ako bukas na bukas din."
"Po?!" gulat na tanong niya
"Oh bakit gulat na gulat ka?" takang tanong nito, natapik niya ang noo ng di oras
"Hindi po ninang, ang totoo nagulat ako sa tuwa, excited na nga po akong makauwi kayo dahil miss na miss ko na kayo." paliwanag niya, natawa naman ang ninang niya
"Sus, ang batang ire, oh siya magpapaalam na rin ako sinabi ko lang sa'yo para alam mo" anito pagkasabi ay pinatay na nito ang cellphone, kasabay niyon ang mabilis na pagtayo niya.
"Hindi pwede to!" aniya sa sarili, hindi siya makapapayag na mauwi sa wala ang lahat ng ginawa niya. That's right! I need to tell him what exactly I feel for him.
Nailipat na ni March ang lahat ng gamit niya sa kabilang bahay habang hindi pa dumadating ang dalawang lalaki, nang tawagan niya kanina si Reed sinabi nitong kasabay nitong uuwi si Trevor kaya naman naghanda na siyang mabuti, kinabisa na rin niya ang lahat ng sasabihin niya, kinakabahan siya sa posibleng mangyari, natatakot siya na masaktan lang, alam naman kasi niya na may ibang gusto si Trevor pero hayun siya at magtatapat ng nararamdaman niya pero atleast sa huli nalaman niya sa sarili niya na hindi talaga si Reed ang gusto niya at napatunayan niya sa sarili niya kung sino talaga ang mahal niya.
"What in the world are you doing?" narinig niya ang boses na iyon ng lalaki mula sa likuran niya, then her heart skipped a beat when she saw Trevor standing a few distance from her meeting his gaze, bahagya pa siyang napapikit dahil alam ng Diyos kung gaano niya kinasabikang marinig muli ang mga tinig nito at kung gaano niya gustong makita ang binata, pinigilan din niya ang sarili na lapitan ito at yakapin.
"What is the meaning of this?" kunot noong tanong nito habang pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa, she was wearing pink dress.
"B-bakit? Ano bang masama sa suot ko?" her voice trailed off, naapektuhan na pati ang buong sistema niya kaya hindi na rin mag function ng maayos ang katawan niya, simpleng pagsagot na nga lang ay nabubulol pa siya.
"Alam natin pareho na babae naman talaga ako." Aniya, kahit nanginginig na ang mga tuhod niya dahil lang sa mga simpleng pagtitig nito sa kanya ay kinaya niyang paglabanan ang nararamdaman, gusto rin niyang titigan ang binata, gusto niya itong pagmasdan ng napakatagal. Baka kasi nananaginip lang siya atleast napagsawaan niya munang tingnan ito bago siya magising.

BINABASA MO ANG
FLOWER BOYS HOST CLUB 3: TREVOR, The Mischievous Intruder
RomanceGirls love beautiful men. well, ganon din si March. Kaya naman ng masilayan niya sa unang pagkakataon ang gwapong kapitbahay niyang si Reed ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa, gumawa siya ng paraan para mapalapit sa gwapong binata, kahit pa nga...