CHAPTER ELEVEN

1.3K 23 0
                                    

Sa rooftop ng hotel na iyon ay matatagpuan ang hotspring pool, the hot spring pool was inspired by the Japanese pool, napakaganda ng ambiance ng buong lugar.

Hindi niya alam kung bakit napasama si March sa mga host men nang magkayayaan ang mga itong maligo sa mainit na pool.

At lihim namang pinagsisisihan niya ang pagsama niyang iyon, paano ba naman ay isa isang naghuhubad ang mga ito sa harapan niya.

Oh Geez! Ayaw kong magkasala ng tuluyan..Tumalikod siya dahil pati yata ang suot na underwear ng mga ito ay huhubarin ng mga ito.

"Let's go Marc, maligo ka na rin!" yaya ni Reed sa kanya. Napalunok siya at nataranta nang ma imagine niya ang binata habang hubad sa harapan niya, no March! H'wag titingin! Baka magkakilitiw ka!

Pigil na pigil niya ang sariling sulyapan ang mga ito, maglalakad sana siya palabas ng hotspring pool nang may pumigil sa braso niya.

"Where are you going?" Hunter asked, ganon na lamang ang pagpikit niya ng iharap siya nito, sigurado siyang kapag minulat niya ang mga mata niya ay makikita niya ang hindi dapat niya makita.

"What are you doing?" Narinig naman niyang tanong ni Einar, napilitan tuloy siyang magmulat ng mga mata.

Nakahinga naman siya ng maluwang ng makita niyang may manipis na tuwalyang tumatapi sa baywang ng mga ito.

Thank goodness! Wheew!

Pero hindi pa rin niya napigilang hangaan ang matitipunong katawan ng mga ito, host men were so damn hot! They're all stunning creatures.

Naalala niya bigla si Trevor at ang matipunong katawan nito, ilang beses na rin niyang nakitang nakahubad ito sa harap niya, ewan din niya kung bakit nararamdaman pa rin niya ang mainit na katawan nito habang nakayakap sa kanya, bigla siyang pinamulahan sa naisip.

"Ah ano ba itong ginagawa ko?" aniya sa isip

Natauhan siya nang bahagya siyang mabasa ng magtampisaw sina Jared at Reed, nakangiting nakatingin ang mga ito sa kanya.

"Hey, tititig ka na lang ba sa'min? Halika na maligo ka na rin, ang sarap ng tubig, very relaxing" yakag sa kanya ni Jared

"Oo nga, halika na" sabad naman ni Reed, nataranta siya nang hawakan siya sa braso ni Hunter.

"Maghubad ka na Marc, tayo tayo lang naman ang nandito o gusto mo kami ang maghuhubad sa'yo ni Einar?" nakangising sabi ni Hunter na sumulyap kay Einar, napaawang naman ang labi niya, napaatras siya nang hawakan naman ni Einar ang kabilang braso niya.

"Ano maghuhubad ka na ba?" tanong ni Einar, mangiyak ngiyak na umiling siya.

"Ayoko, hindi ako marunong lumangoy" pagdadahilan niya, narinig naman niya ang malakas na tawanan ng mga ito

"Ano ka ba? hindi ka malulunod sa hanggang baywang na tubig" natatawang sabi ni Xien, tigas na umiling siya, pinilit niyang kumawala sa dalawang binata ngunit sadya yatang malakas ang mga ito.

"Naligo na ako kanina bago kumain" pagdadahilan pa niya

"Eh di maligo ka ulit" ani Hunter

Gustong gusto na ni March na sumigaw at magtitili ngunit kailangan pa rin niyang magpanggap na lalaki.

"Please ayoko talagang maligo." aniya, hindi naman umubra ang sinabi niya, pinanlamigan siya nang yapusin siya ni Einar, hindi niya alam kung naramdaman ba nito ang nakaumbok niyang dibdib na itinago niya sa makapal na tela at pinatungan pa niya ng sando. Itinaas naman ni Hunter ang t-shirt na suot niya at alam niyang nakalabas na ang pusod niya at konting taas pa ay makikita na ang itinatago niya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 3: TREVOR, The Mischievous IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon