Everybody is looking at me.. smiling at me, while i'm walking on my way to him..
There's a sweet melody coming from a piano..
2 little girls are throwing white rose petals on the red carpet i'm walking through..
And i'm walking all smiles.. wearing my full lenght white dress and holding a bouquet of white roses..
I'm already here in front of the altar and in front the person i'll be spending my life with..
he smiled.. "Sweetie, take my hand.."
I'm about to take his hand when...
RRIIIIIIINNNNNGGGGG!!!!!!
"Naman ehh!!"
panira talaga ng sweetdreams tong alarmclock na to.. aish..
sayang naman yun, eh.. sayang ung moment ko..
ikakasal na talaga ako sa paniginip ko, pero bakit di ko maalala yung mukha nung guy..
"For sure gwapo yun!!"
"Bumangon ka na nga dyan, Hannah.. ke aga-aga nag-iimagine ka na naman!"
"opo mama!!"
Yun lang at bumangon na ako.. iniayos ko ang magulo kong kama at gumayak na para pumasok sa school.
Pagkababa ko nakahanda na ang umagahan namin..
"Hahaha, si ate, ang pangit-pangit!!"
"Anong pangit, maganda ako noh!! kaw ang pangit!"
"Hindi ahh!! sabi ni nanay gwapo ako!!"
"halah tama na yan at kumain na kayo, pareho na kayong malelate sa pasok nyo.."
kinurot ko muna si Jun-Jun bago ako kumain.. ang kulit-kulit talaga ng kapatid ko!! >____<
Hannah Raine Rosales ang pangalan ko.. 3rd year college taking up BSBA major in Financial Management. Gusto ko kasing ituloy yung pangarap ni nanay nuon na maging Financial Analyst. Di sya nakapagtapos ng pag-aaral dahil na rin sa kahirapan. Mahirap po kasi kami, literal na mahirap.
Ang tatay po namin, matagal nang namayapa.. sakitin kasi nuon si tatay, nagkaleukemia siya.. 3rd year highschool na ako nang iwan nya kami, kaya bilang bunso, todo-aral ako para makapagtapos.. Gusto ko kasing makitang umunlad ang pamilya namin.. mahirap naman talaga kasing maging mahirap.
Inubos ko na ang sinangang at fried egg na inihanda ni nanay at saka nagtungo sa banyo para magsipilyo..nag-ayos nang sarili and off i go..
"Nay, Pasok na po ako."
"sige nak, mag-iingat ka ha?"
"opo", at saka ako humalik kay nanay.. ginulo ko naman ang buhok ng kapatid kong ksalukuyan pa lang na kumakain..
"Ingat!!" ^___^
Pagdating na pagdating ko sa school sinalubong kaagad ako si Rica, ang besfriend ko.. Nakakapagtaka nga eh.. anak-mayaman siya pero ako, akong ubod ng hirap, ang naging bestfriend nya..
"Hi bess!"
"Good morning!!" ^____^
Magkaklase kami.. nag-siupuan na rin kami dahil meron na ang super taray namin na teacher sa PolGov.
"Good morning, Maam.." we said in chorus.
"Ms. Rosales.."
"Bess, tawag ka ni ma'am.."
Hehe, hndi kasi ako attentive sa klase nya.. sa klase lang naman nya ako ganito.. ^______^v
"Bakit po?"
