Dedicated ito sa kanya kasi natuwa akong kachat siya nung isang araw.. Hahaha.. XDD Hi jailmate!! ^__^v
Chapter 17: Old Rivals
Hannah's POV
Dahil nga sa magtratry out si James sa basketball, nagpasama na siya sakin. Kasalanan ko daw kasi na hindi na mapapanuod yung Oggie and The Cockcroaches sa Cartoon Network..
Pano naman, ang cute-cute kaya nung babae na nagyaya sa kanya para magtry out! As in CUTE! Pati tuloy ako nahypnotize sa cuteness nung girl, dagdag mo na hindi siya marunong magsinungaling.. Maganda daw kasi ako.. *pasway ng hair to the left, sway to the right* XD
So hayun, nakaladkad na niya ako dito sa gym. Dumiretso naman ako sa bleachers para panuorin si James. Huh, may ikakasa naman kaya tong damulag na to..?
Pero bago pa man ako makaupo, napansin kong may kausap na agad si James. Yung klase ng usapang hindi maganda.
Mas lalo akong nagulat nang mamukhaan ko yung kausap niya..
Si DK!!!
Teka, nakit wala na yung eyeglasses niya? Tsaka panu naman maglalaro si DK ng basketball eh, di nga marunong magdribble yun eh!!
"Hi Raine!!" sigaw ni DK sabay kaway sakin. Ako naman, nakatunganga lang.. Di pa kasi nagsisink in sa utak ko na magtratry out siya. Napansin kong nakatingin sakin si James at..
O_______O
Nakakatakot siya!! Ayan na naman siya eh! Yang monster niyang itsura!! T_T
Mukhang nagsusukatan sila ng tingin ni James. Bakit parang badtrip na badtrip ata sila sa isa't isa? Problema nila?
James' POV
Anung sabi niya? He will not lose to me this time? Tssk. Tingnan lang natin.
Bale maglalaro kami ngaun ng isang quarter. lahat kaming maglalaro, puro aspiring varsity players. *hindi ako aspiring, napiliti lang ako ng cute, este pandak kong misis*
Magkalaban yung teams namin. Center player ako, tapos yung asungot na dumidikit kay Raine.. Center din?
Tss. talagang sinusukat niya ako.
Magiging katulad rin to ng laro namin sa States. Kami ng team ko ang mananalo.. AKO ang mananalo. Asa naman siya.
Kaming dalawa ni.. anu na kasing pangalan nun? Ah basta, si asungot.. Yun! Si asungot! Kaming dalawa yung magjajump-ball kaya pinapunta na kami ng referree sa gitna ng court.
"Alam nyo naman yung rules sa pagbabasketball, di ba?" tanong nung referee. Human Kinetics teacher ata siya.
Tumango na lang kami ni asungot. Then, the ball flew high on the air.
3rd Person's POV
Parang slow motion lahat ng nangyare. Sa pagtapon ng referee ng bola paitaas, sabay din tumalon sina James at DK. Parehong mataas ang talon nilang dalawa, pero si DK ang nakatapik ng bola.
Mabilis na nakapuntos ang team nina DK. Humabol naman sina James.
Dikit ang scores nila. Kung makakascore sina DK, ganun din sina James. Pag nasteal ni James ang bola, nagagawa namang supalpalin ni DK ang pagshoot ni James.
Di nagtagal, dumami nang dumami ang nanunuod sa gym ng try out, hanggang sa mapuno ito. May kanya-kanyang pambato ang mga panig. May maka DK at maka James. Di mo na nga alam kung kaninong pangalan yung sinisigaw nila kasi halos pantay ang mga supporters nila..
Most of the scores came from DK and James. Di naman nakakapagtaka yun since magagaling talaga silang basketball players. Ngunit yun ay lingid sa pagkakaalam ng karamihan. Kasama na roon si Hannah.
Sa di kalayuan, di magkanda-ugaga si Rica kakayugyog kay Hannah. Just like the crowd, the two young ladies shouted names and clapped whenever their boy would make a successful basket. Ano? Sinong isinisigaw ni Hannah na pangalan? Hehe.. Di ko narinig eh. XDD
Llast 2 minutes na ng laro at pareho ang score ng magkabilang kampo. Mas tensyonado ang mga tao sa gym, mas lalo sa mga players. Kaya naman mas naging matindi ang pagwagwardiya ng mga players sa kanilang kalaban.. Lalo na sa pagitan nina DK at James.
Nang mahawakan ni James yung bola, matindi siyang gwinardyahan ni DK. Pero magaling si James kaya't maiwasan lahat ng tapik at attempted steal ni DK sa bola. Nang wala siyang makitang libreng pagpapasahan ng bola sa mga kateammates, puwesto siya, tumalon at inihagis yung bola..
Ngunit nakisabay na tumalon si DK kay James kaya nung lumanding sila, nagkabanggaan ang katawan nila. Pareho silang lumagapak sa sahig.. Parehong umangal na masakit ang mga paa.
Yung bola ba kamo..?
Syempre.. shoot! 3 points!
Panalo sa laro sina James.
DK's POV
Sh*t. Panalo na naman sila!! AAARRRGGHH!
Tapos ngaun, injured pa ako. Naman. Pag tinamaan ka nga naman ng malas.
Sinubukan kong tumayo pero natumba rin ako. Masakit. Mukhang nasprain ako. Ganun ni ata si James, namimilipit din siya sa sakit.
Nagsitakbuhan naman yung mga kateammates niya sa kanya para tulungan siya.. Ako naman, si Andrew lang na classmate ko ang tumulong sakin. Lahat kasi ng mga kateammate ko, kakilala din ata nung James. Tssk. Loner na naman ako..
"Pare, ok ka lang?" tanong sakin ni Andrew.
I smiled, kahit na medyo namimilipit na rin ako sa sakit. "Ok lang."
Tinutulungan niya akong tumayo nang biglang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko, si Raine.
"Ok ka lang, DK?"
Hlata sa mukha niyang nag-aalala nga siya. Para siyang anesthesia, unti-unting nawawala yung sakit. Pinunasan niya yng pawis ko sa noo.
"Huy!! DK!! Masakit ba? Saan masakit?"
I just pat her head. She never failed to make me smile in even the smallest way. "Ok lang ako, Raine."
James' POV
WAAAAHHHAAAAHAAAA!!!! PANALO NA NAMAN AKO!! WOOOOHOOOO!!
Anu pa bang aasahan ko? Syempre, ako ang mananalo. ALangan naman na siya?
"Panalo tayo tol!" sabi sakin nung isang kateammate ko. "OO!! Panalo tayo! Kaso.. AACCKK!!"
Nataranta naman sila kasi bigla akong natumba. WHAT THE! Nasprain ata ako! ANTAE!! Pano ko na makukuha yung reward kong date kay Raine mamaya? Tss. Bwisit talaga yung asungot na yun!
Pagtingin ko..
Aw.
Tinutulungan siyang tumayo si Raine.
Bakit siya?
Bakit yung asungot na yun?
Bakit sa kanya pumunta si Raine?
Di ba dapat sakin? Sakin na asawa niya?
Biglang nagbago yung mood ko. Tss. Badtrip talaga yung asungot na yun. Sinadya niya to! Para pansinin siya ni Raine!!
Tiningnan ako ni Raine.. Hindi ko maintindihan yung expression niya. Parang nasasaktan siya, na parang humuhingi ng permiso sakin na kay asungot na muna siya..
Awts naman.. Raine, ako ang asawa mo? Bakit siya yang tinutulungan mo?
Yan. Gusto kong isigaw sa kanya yan ngaun. Pero wala. Walang lumabas sa bibig ko.. Nasasaktan kasi ako eh. Nasasaktan na hindi ako ang piniling alagaan ni Raine, ng asawa ko.
Then that asungot guy.. ang saya niya..he smirked at me as if he really won the game.
But indeed.. I won the game. But he won my wife's embrace..
Short update lang po.. Peace!!
ahms.