Tapos na ang 4-day vacation namin.. huhuhu... pero ok lang.. Naenjoy ko naman.. Hehe..
Pero sa inyo, ano ang mas matimbang..
Ang taong ikinasal na sayo (though pilit nga lang, pero KASAL NA!)
Yung First Love Mo?
Any Comment? People?
O siya heto na si update.. nagtatanong lang naman po ako eh..
xoxo
ahms
Chapter 15: Man to Man
James' POV
tik-tak!
tik-tak!
tik-tak!
Aish.. Bakit wala pa si Raine? Anong oras na ah..
9pm na, wala pa rin yung asawa ko..
San kaya nagpunta yun?
a. nagjamming kasama yung friend niya galing sa States
b. kinidnap ng mga asong kalye
c. tinangay ng DENR kasi napagkamalan siyang nawawalang Penguine sa Happy Feet
d. nanlalake siya..
A?
hmmm... hindi naman siguro.. walang pera yun.. tsaka kahit ganun yun, mahihiya naman yun magpalibre nang basta-basta..
B?
Malabo.. yung mga aso pa ang matatakot sa kanya..
C.?
Hindi rin..
Hindi nga siya marunong sumayaw eh,, di siya pwede sa Happy Feet..
D.?
...
....
....
WAG SIYANG MAGKAKAMALI!!!!
Hah! Kahit pa panget siya, asawa ko pa rin siya! Kasal kami, at kasalanan yun sa Diyos.. diba, diba??!!
"Wag kang mag-alala pinsan.. hindi yun manlalalake.."
EEEEHHH?
Sa sobrang busy ng utak ko kakaimagine ng pwedeng gawin ni Raine, di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si TJ at nilalantakan yung chocolate cake ko.. Andito kasi ako sa sala. Nagpapakaeffort akong maghintay sa asawa ko.. Dahil sa hindi naman ako marunong magluto, hinintay ko si Raine. Di ba isa yun sa mga responsibilidad ng asawa? Ang ipagluto ang asawa niya? DIba?? Nagpapakagutom ako para maghintay sa kanya. Pag wala pa siya hanggang mamaya, naku....
"Mind-reader ka ba? Kamag-anak mo ba sa mother side si Madam Auring? Galing mong manghula eh.." sabay agaw ko sa kanya ng kutsara.
"Madali lang naman basahin yang itsura mo pare eh.." saka niya ulit inagaw yung kutsara at kumain ng cake.
"Ano namang ibigsahin mo niyan?"
"Kahit sinong may asawa, iisipin ding nagloloko yung partner niya pag inabot siya ng gabi ng uwi.. Tsaka yang facial expression mo kanina, parang kakain ka ng tao eh.."
"Talaga?"
Tumango-tango naman siya. Di ko alam kung sinagot niya yung tanong ko o kung nasasarapan lang talaga siya sa cake na kinakain niya..