Chapter 14: He's Back

130 1 1
                                    

I whole-heartedly dedicate this story to Jheiramz.. Love yah..

Pahirapan sa net dito sa boarding.. huhuhu, di afford ang magbroadband kaya nakikiwifi na lang.. hehe..

Next week, wala na namang klase mula Monday to Wednesday.. Hay.. That's the beauty of College Day. HAHAHA. XD

Ahms

Chapter 14: He's Back

James' POV

Ok. Back to school na naman ang drama namin after 3 days of 'HONEYMOON'..

Actually, pumunta kami sa Boracay para daw makapagsolo kami ni Raine. Pakana to ni mama, para daw makapag-get-to-know kaming dalawa. Ang weird nga nila kasi kinaumagahan nung wedding night namin, tinanong agad ni Mama kung naduduwal daw si Raine, kung gusto daw ba niya ng mangga, at kung anu-ano pang weridong tanong.. Yung trip naman namin ni Raine sa Bora wasn't like honeymoon at all. Wala kasi siyang ginawa kundi sigawan ako, mula sa airport papunta sa Bora, hanggang sa makauwi kami dito sa bahay. Hay, what should I expect? Bungangera ang asawa ko eh.. So back to uniforms, to school bags, to assignments and everything which makes students have miserable days and sleepless nights.

Merong konting pagkakaiba nga lang. Slight change.. Raine and I are wearing wedding rings! Kaya ito ang drama niya bago kami pumasok sa school kanina..

Flashback

"Sige ma, pasok na po kami.." paalam ko kay mama at saka humalik sa pisngi niya. Ah oo nga pala, nakalimutan kong sabihin, dito kami sa bahay nina Mama nakatira ngaun. Pero hindi naman daw magtatagal at magsasarili na kami ni Raine para daw mas mafeel namin na mag-asawa na talaga kami.

"Take care, son. And dont forget come home early. May surprise kami ng Papa mo sainyo ni Hannah."

Surprise? Haist.. anu na naman kaya tong surprise na to? -__-"

So pumasok na ako sa kotse kung saan naghihintay si Raine.. "Agahan daw natin umuwi sabi ni mama." then i started the engine.. katabi ko si Raine sa kotse, ayaw umupo sa likod eh.. Nabigla na lang ako ng hablutin niya yung kamay ko.

"O-oh? bakit?"

"Alisin mo to."

I looked at my finger.. Yung singsing. In a short period of time, nasanay na akong suot-suot yung singsing, ni hindi ko nga inaalis sa daliri ko kahit maligo ako.

"Bakit? Masama bang isuo---"

"hindi pwedeng malaman nila.."

Napatingin na lang ako kay Raine, nakayuko siya. "Hindi nila pwedeng malaman ang alin?"

"Na kasal na tayo." mahina niyang sagot.

"Why, are you ashamed of me, being your husband?" I sarcastically told her. Para kasing naiinis ako sa sinabi niya. Ayaw niyang malaman ng iba na kasal na kami.. Nakakhiya ba yun? I'm not that bad looking naman.

"Hindi naman sa ganun, pero.."

"pero?"

"AH BASTA!! Alisin mo yan!!!!"

WAAAAH!! Yung tenga ko! Mahuhulog ata. Walangjo naman. Talaga bang nakalunok si Raine ng microphone?? Wala bang inilaan ang mabuting Poon na araw na hindi ako sisigawan ng pandak kong misis?

"Ayoko nga!!" matigas kong sabi. "Hindi ko alam kung bakit ang mga babae, sobrang moody!! Basta ako, papasok akong suot tong singsing.. at wala kang maga---"

"AKIN NA YAAAAANN!!!!!"

O_o

BIGLA NA LANG NIYANG HINABLOT YUNG KAMAY KO and tried to remove the ring.. "RAINE!! ANO BA KASI TONG GINAGAWA MO!!!" sigaw ko habang hinihila ko pa rin sa kanya yung kamay ko..

Already Married (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon