Chapter 8: Exchange of Vows

132 1 0
                                    

TENENENG-TENENG!!! Eto na po ulit ang inyong lingkod na naghahatid ng UPDATE!!!

Medyo mahihirapan na po akong mag-update kasi po ang aking pinakamamahal na lappy ay tinangay ng walang konsensyang babaeng magnanakaw dito sa boarding house ko.. Payo po, wag na wag masyadong magtitiwala sa kung sinu-sino dyan..

Di ko na papahabain ito.. Sana magustuhan niyo.. Feedbacks and comments are appreciated and always entertained.. Don't forget to COMMENT, VOTE AND FAN!!!..

Tenchu.. <3

xoxo

Ahms

Chapter 8: Exchange of Vows

Hannah's POV

"Kayo nang bahala sa anak ko ha? Pagandahin niyo siya!!"

"YES MADAM!!"

"Hannah, anak?"

"Anu po yun, Tita?"

"Don't get nervous.. and from now on, call me Momsie.. Ok?"

Hinaplos ni Tita este Momsie ang buhok ko bago umalis sa kwarto..

This is the day.. Eto na talaga!!!

"Wag ka masyadong tense, dear. Don't worry at pagagandahin ka namin nang bonggang-bongga!!" sabi nung stylist ko at sinimulan na niyang ayusan ang buhok ko..

Kasal ko na talaga.. Ilang oras na lang at haharap na ko sa altar, ilang oras na lang tuluyan nang magbabago ang buhay ko.. Kaya ko kaya??

Suklay dun, ipit dito..

Hairblow dun, kulot dito..

ANG HAIR KO!!! MADADAMAGE!!! ACHUCHUCHU TT^TT

After nilang pag-ekspirementuhan ang buhok ko, sinunod naman nilang pinintahan ang mukha ko..

Dahil sa may allergic ako sa heavy make-up, sinabi kong nipisan at gawing simple lang ang ilagay sa akin.. Pero ang sabi naman ni Tita Chuchu (yung baklang make-up artist ko)..

"Anu ka ba bakla!! Kelangan maganda ka.. at magiging maganda ka lang pag may make-up ka!! It's your wedding!! Ngayon lang naman. at tsaka, safe ang mga gamit namin na make-up's, so you don't need to worry!! OK!?"

Sa sinabi niyang yun, wala na rin akong nagawa.. Tutal, ngayon lang naman.. Haaay.. Maganda naman na kasi ako dati pa eh!! Kahit walang make-up!!

Pahid dito, pahid doon..

May kung anu-anong nilagay nila..

Blush on.. Mascara.. eyeliner.. lipstick at kung anu-ano pa..

After ng make-up, isinuot ko na rin yung gown together with the super long and bonggang veil, sandals at kung anu-ano pang accessories..

Hikaw at necklace na regalo sa akin ni Momsie. Isinuot ko rin yung parang garter sa hita ko.. weird nga eh.. bakit kaya dun ilalagay yun?

After some years..

"TADAAAHH!!! Ang taray ng beauty mo Sistar!!"

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa higanteng salamin..

Dati-rati, sa mga pelikula at drama sa tv ko lang nakikita ang mga ganitong kagandang ayos ng ikakasal, pero ngayon, ako na mismo ang may suot!!

Ako na talaga ang bride!! Ako na!!!

"Teka, parang may kulang... hmmm..." sabi nung bakla.. "Wala ka bang engagement ring?"

Already Married (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon