Chapter 10: Exchange of Vows (Part 3)

201 2 2
                                    

STEPS ON READING:  

1. VOTE  

2. BECOME A FAN  

3. COMMENT  

Ang hindi sumunod, babangungutin!!  

Hehehe..  

xoxo  

AHMS  

Chapter 10: Exchange of Vows (Part 3)  

James' POV  

dugudug.dugudug.dugudug.  

ASFGDAS!! Anak naman ng kabayo, kung makasipa tong puso ko, parang gusto lumabas sa dibdib ko eh!!  

Andito na ako sa altar.. hinhintay na lang yung bride para simulan yung ceremony.. Ilang minuto na lang.. ilang minuto na lang!!  

Tingin sa taas..  

Kamot sa ulo..  

Tingin sa relo..  

Punas ng pawis..  

Tae. Sa sobrang kaba ko para akong natatae!!  

"Hoy, Pare, anung nangyayari sayo? Kanina ka pa di mapakali dyan.."  

 'Eh kasi---"  

Di ko pa natatapos yung sagot ko kay TJ may sumigaw na lang bigla..  

"ANDITO NA SIYA!!!"  

Andito na siya? Talaga?  

"Hehe.. good luck pare.."  

gulp.  

tulo pawis.  

punas pawis.  

ETO NA!!  

Nagsiayusan na ng upo yung mga bisita. Maya-maya pa, narinig ko na ring tumugtog yung pianist.. isang malamyos na kanta.. Nakita kong naglalakad na yung mga flower girls habang nagtatapon ng rose petals sa carpet.. Sumunod naman si Jun-jun bitbit yung mga singsing.. Then yung mga abay.. Nakadaan na lahat ng mga abay tapos biglang nag-iba ulit yung kantang tinutugtog ng pianist.. at dahan-dahang bumukas ang pinto ng simbahan..  

Una kong nakita ang nakakasilaw na liwanag galing sa labas. Di nagtagal, may nakita na akong anino.. papalapit ng papalapit sa akin..  

 Siya na ba yun?  

Habang papalapit diya nang papalapit, lumalakas din yung tibok ng puso ko.. Mas malala pa nga kesa kanina.. Kung kanina, parang sipa ng kabayo.. ngaun, parang isang dosenang kabayo ang nag-uunahan sa dibdib ko.. Ganun katindi!  

At di nagtagal, nakita ko na rin siya..  

Kaya pala surprise..  

Maling-mali ang akala kong magmumukha siyang balyena sa gown niya kasi ngaun..  

Para siyang anghel..  

Nililipad ng mahinang hangin yung veil niya, astig nga eh, parang sa movies lang..  

Titig na titig lang ako sa kanya, hanggang sa di ko namalayan na nasa harap ko na pala siya..  

"Huy.."  ??  

"Pare, tititigan mo na lang ba siya? "  

"huh?"  

Dun ko lang narealize na kanina ko pa siya tinititigan.. Tae, nacarried-away ako sa slow motion effect niya!!  

Already Married (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon