Part 2 na!!! Hehehe.. pasensya na po sa mga nabitin na readers ng part 1, kasi yun lang kinayanan ng utak at wifi dito sa boarding.. Mianhe..
Kaya wag nang magreklamo, itutuloy ko na po para sa inyo, with special mention of my dear subaybay-er, MS. JANINE TALBO.. Hahaha.. XD
Hope you like it..
xoxo
Ahms
Chapter 8: Exchange of Vows (part 2)
Jarred's POV
"Hoy Pare, baliktad yang vest mo!!!"
"Ay tae.."
"Hahaha.. excited?"
"Tsk."
Inayos ko yung pagkakassuot ng inner vest ko at saka ko naman sinuot yung coat..
"Oh, yung tie mo."
Kinuha ko naman yung tie sa Best Man ko, ang nag-iisang lalaking pinsan ko, si Tyrone Jan Sanchez. Bale, kaming dalawa lang ang tagapag-palago ng aming lahing GWAPO (naks, totoo yun!!) sa father side kaya sobrang pag-eencourage na rin sa kanya ng mga parents niya, lalo na ang papa niya para mag-asawa na rin. Pero anung magagawa mo, eh Certified Bolero at Cassanova ang mokong, walang balak magsettle down.
Andito ako ngaun sa left wing ng hotel. Sa ring wing naman yung kwarto ni Hannah. Pingalayo talaga kami ng kwarto na pag-aayusan para daw SURPRISE.
Suklay, suklay.
Spray ng pabango..
Konting ayos pa ng buhok.
Ikot-ikot sa harap ng salamin.
Then practice ng smile..
Then voila!!!
"Gwapo mo na Men!!"
"Tagal na. Lul."
"Haha, ang hangin mo talaga.. Pano yan, bro, sa akin na yung mga chikababes mo.. Di ka na pwedeng makipaglandian.." Saka niya kinurot yung pisngi ko. "Hahaha, wawa ka Men!!"
"Sira. Sayo na sila, lahat-lahat!! Mas gwapo pa rin naman ako sayo.. Oh kitams, naunahan kitang mag-asawa.." sabi ko, proudly with matching super-lapad ngiti. ^_________^
"Tss.. Arranged lang naman yan eh."
Nawala bigla yung ngiti ko. Oo nga pala. Muntikan ko nang makalimutan, ARRANGED nga lang pala lahat to.
"Aw. Sensya bro.. Wag mo nang isipin yung sinabi ko.. Matututunan ka rin nun mahalin."
Matututunan nga kaya ni Hannah? Magawa kaya niya akong mahalin?
Haaay. Napilitan lang siya. Wag kang assuming, James. It will HURT you.
"Hoy, sensya na. Wag ka ngang tahimik dyan, kakatakot ka eh."
"tsk. Pinsan talaga kita.." yun na lang nasabi ko. Siya na rin kasi ang pinakaclose ko na pinsan. Malaki ang pagkakatulad ng mga ugali namin, bukod sa sadyang nabiyayaan kami ng KAGWAPUHAN.
"Ah. basta.. wag ka masyadong magworry sa magiging relationship nyo. Basta magpakatino ka lang, mahuhulog rin loob nun sayo. Tsaka muka naman mabait si Ms. Hannah eh."
Napatingin ako kay TJ, short for Tyrone Jan. Anung sabe niya? Mabait?
"I have 2 Mega corrections for you, bro. First, she's not MABAIT. She's too far from that. And second, it's not Ms. Hannah.. call her, Mrs. James Trevor Sanchez."