Dahil wala na naman kaming prof sa last period, mag-aupdate ako!! Sana magustuhan niyo!! Saranghe-yo!!
xoxo
Ahms
Chapter 7
Hannah's POV
8:59:57..
8:59:58...
8:59:59...
9:00:00...
Alas nuebe na ng gabi..
Ang gabi bago ako tuluyang ikasal..
Kanina natapos na namin lahat ng preparations.. mga bulaklak, pagkain na ihahain, chineck din ung hall sa hotel kung saan gaganapin yung reception, yung simbahan, mga damit at kung anu-ano pa..
Dito kami ngaun sa hotel natulog kasi maaga kaming aayusan bukas.. Nirentahan ba yung term? NIrentahan yung buong hotel for 2 days and 2 nights exclusively para sa amin.. Dito sa hotel ngaun nagsstay yung mga ninong at ninang namin sa kasal, pamilya namin, mga magmemake-up sa amin (take note, galing pa sila sa Ilocos) pati na rin yung mag-vivideo coverage sa kasal.. This hotel alone cost Mama (Tita Marcie) and Papa (Tito Bert) couple of millions of pesos. Haaay.. Ubod talaga ng yaman tong magiging asawa ko.. =__=
Parang bawat segundong lumilipas, sumisikip yung mundo namin ni James.. Bawat patak ng minuto, mas lalo akong natatakot...
Natatakot akong malayo sa pamilya ko..
sina Inay at Jun-Jun.. Sila na pagkagising na pagkagising ko, ang unang nakikita ko.. unang naririnig na boses..
Natatakot akong malaman ng schoolmates ko ang tungkol sa amin ni James.. sa takot ko, ilan lang ang nagawa naming imbitahin.. Ilang gurong malapit sa amin, mga pinagkakatiwalaan namin ni James, that includes my bestfriend, Rica.. Sino ba naman hindi matatakot kung dudumugin ka ng mga 'FANS' ni James with matching death threats. Paano naman kasi, madalas nga kaming nagsasabay sa pagpasok at pag-uwi, kaya hayun, laging may matatalim na tingin lagi sa akin.. Huhuhu..
At higit sa lahat, natatakot akong matali sa isang relasyong alam ko naman na sa simula pa lang, binuo lang ito ng isang pagkakasundo ng mga pamilya namin.. Natatakot akong mabigo yung expectations sa akin ng mga magulang ni James.. Natatakot ako.. marami pang dahilan.. sa sobrang dami, hindi ko na masabi-sabi..
I'm having this turbulent feelings right now.. May part din naman na masaya ako, kasi kahit papano, matutupad ko na yung huling wish ni Tatay.. Masaya akong sa wakas, matatahimik na ako sa hiling ni Tatay..
Pero sa tuwing kumakalma ako, bigla na lang susulpot si James at magsisimula namang magwala yung dibdib ko..
Hindi pa ako nadadalaw ng antok.. Hindi ko maintindihan kung excitement o anu pa man ang nararamdaman ko.. Kahit pa sinabihan na akong magbeauty rest para sa BIG DAY ko bukas, wala eh, hindi pa din ako inaantok.. Kaya heto, tumambay muna ako sa veranda nitong room ko.. 3rd floor ng Light House Marina Resorts dito sa Subic.. yung iba, nasa 2nd floor yung mga rooms.. Si James naman, nasa kabilang kwarto lang. Malamang tulog na yun, pagod na pagod kasi..
I looked at the sky and saw the magnificent view of stars twikling brightly at earth.. I wonder if my father is watching at me.. if he's one of these stars i'm looking at..
"Tay, ikakasal na po ang prinsesa niyo.. Sana, tama po ang pinili niyong maging prinsipe ko.."
"Syempre naman.."
O_____O
Biglang may nagsalita.. Naku po.. Nagmumulto ba si Tatay?? Halah!! Tay, takot po ako sa mumu!!