WTY4: Silently broken

24 4 0
                                    

"Faustine! May cute na transferee daw kayo ?!" masayang tanong ni Phemilla

Kakatapos lang nang klase at nandito kami ngayon sa isang cottage nang school. Naka ugalian kasi namin na tumambay didto kapag maaga pa at bakit ngayon lang nya alam yan?  dalawang buwan na kaya yun namalagi dito.

Dumadagdag lang yun sa mga pang gulo

Imiinit dugo ko dun tuwing nakikita ko sya. Tsaka minsan nga kahit wala pa syang sinasabi ang sarap na nyang sampalin. Palagi pa syang pasikat sa room , akala mo talaga kung sino matalino!

Naiinis ako sa mga jokes nyang sobrang corny pero palaging tinatawanan ng mga babae !

Ewan ko ba dun siguro hindi maganda yung unang pag kikita namin pero kahit siguro hindi ko sya makita sa simbahan noon, kumukulo parin dugo ko sa kanya. 

Problema ko sa kanya ? Di ko alam.

By the way

Kasama ko ngayon si Phemilla Rosales sya yung naging first bestfriend ko pag ka tungtung ko dito sa Amethyst.  Once lang kami naging mag kaklase pero going strong ang drama ng friendship namin hanggang ngayon.

"Cute? Sino ?"

"Gaga ka ? Kunwari di alam, ganon? " sabi ni Phem

" Dzhuu,may transferee pero hindi po cute "

"Ayy talaga?" smirk pa nya

"Ayy ewan , Phembaby may pupuntahan pala kami ni Liezyl at Fielyn nag papasama eh importante daw " pag papaalam ko pa sa kanya

"Oh, sige ipapaalam ko na din kay Zyna,"

Si Zyna kaibigan ko rin, si Phem at Zy childhood best friend talaga sila same day ko silang nakilala bago sina liezel at fielyn.

Ringgg ringgg

" Faustine! San kana?" sigaw sa kabilang linya

"Oh sige na , lalakad na ako bye ! " sabi ko nalang kay Phem

At sinagot ko na ang tawag nito

"Faustine, sa mall tayo mag kita ha ! May ipapakilala ako sa yo ! " excited na sabi ni liezyl

"Ha sino ?! " tanong ko pa

"Basta , kinder friend ko ! "

Awss nag kikita pa sila? Wow ang strong

"Talaga? oh sige na mag jejeep na ako "

Well kahit kaklase ko yung dalawa , madalang lang kami mag kasabay umuwi. Si liezyl hindi pumasok kanina at ngayon nag papasama sya sa amin ni fielyn.

Excited na ako , Siguro ang kwela din nung kinder friend nya. Masayahin din kasi si liezyl

Ff

"Faustine ! Here! " kaway ni fielyn

"Oyy! Oh , asan nasya ? " excited ko pang tanong

"Nahh, don tayo sa loob , kakanta sya ! "

Talaga wow! Singer sya ! Pag pasok namin sa loob kung saan ang stage ang daming nang tao , lahat sila may banner.

The concert will start after 5 minutes

Nag sisigawan ang lahat

"May concert sya ?! " tanong ko kay liezel

"Hindi pero parang ganon, mag guguest sya sa concert na to , nanalo kasi sya sa Clash of Bands at ngayon gumagawa na sya nang sariling pangalan sa musika! " ngiti pa ni Liezyl

Way To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon