WTY 26: Campners

22 2 0
                                    

2nd week of March, Thursday 7pm

Clyn Cross : Ano ba yan! Ayoko sa forest ang damingg kakain sa atin dun! Ma sisira skin care ko!

Christhea Veronica Lorraine: WAG KANANG MAG REKLAMOOO! MAJORITY NG LAHAT ANG MAG CAMPING OKAY ? KUNG AYAW MO! MAG BEACH KA MAG ISA!

Clyn Cross: I HATE YOU TALAGA VERONICA!

na seen ko kasi gc namin ngayon.

well, pag katapos nung nangyari sa pizza store hindi na ako nag dadalawang isip eh seen ang gc kung saan active si Andrei. Gusto kong malaman kong sasama sya at sa tingin ko hindi naman sya kj.

Nag hihintay lang ako na sasabihin nya sa grupo na eh sasama nya si lara at ipag mamayabang sa lahat !

Nakakatawa talaga isipin na yung taong mahal na mahal nya may kinikitang iba. Hindi ba na kukunsenysa si lara ? Tangina ? Di ko ma isip na nakaya nyang mangaliwa. Hindi naman ako nag iimbento diba ? Hindi sya umangal pero hindi din nya inamin pero alam naming dalawa na may iba aside kay andrei.

Gusto ko syang sabunutan pero ? Ano nga ba ako ? Hindi nya ako itinuring kaibigan diba ? Dapat ko nalang ba pabayaan yun dahil nakasakit sya sa akin at para makaramdam din sya ng sakit?

Na iinis ako kasi palagi yun nag rerewind sa utak ko kung bakit ako nakialam . Wala naman pala ako eh ? Bakit kailangan ko mag care ?

Matagal ko nang sinampal sarili ko so bakit mag papasampal pa ako sa iba ?

Peroo gusto ko turuan yung lara na yun eh ! Gusto ko maramdaman nya yun inis , galit at sakit.

Kahit hindi ako itinuring kaibigan, sa tingin ko chance na to eh !

Baka , baka lang naman ako talaga yung para kay Andrei. Ayoko munang isipin anong resulta ng mga plano ko, bahala na.

Anyway, napag planohan na nila ang camping at since friday bukas, napag pasyahan nila na pag katapos ng klase lakwatsa na dahil maaga ang dismiss. Isang tulog nalang matatapos na rin yung finals at makikita ko na sila lahat. Kinakabahan ako , mahigit anim na taon na rin kasi!

Christhea Veronica Lorraine: Guysss ! Since camping ang gagawin natin, magdala kaayo ng kung anong bagay na makakasurvive kaayo. Like foods or medicine at flashlight kasi simula bukas. Mamumuhay tayo sa gubat ! Exciting diba ?

Halaaa , kailangan ko na palang mag ayos! Naka pag pa alam naman ako kay mama.

Christhea Veronica Lorraine: NAKAKAHIYA NAMAN KUNG PAGDADALHIN KO PA KAAYO NANG MARAMI . SAGOT KO NA VAN AT TENT HEHEHHE SEEYAH !

Andrei Mendoza : See youuu guyses! Veronica yung pinag usapan ha! Okey lang?

Christhea Veronica Lorraine: Oo nga! Pm ka!

Ano kaya pinag aano nitong dalawa. Kutob ko talaga eh sasama nya yung girlfriend nya! Tsk, barkada reunion nga diba ?

Nakaka inis.

Ff

Friday 2pm

"Phem kinakabahan ako" sabi ko kay Phem

Chinika ko kasi kay Phem na may reunion kami ngayon at ang gaga tawa ng tawa . Karma ko raw dun sa kasalanan kong pag halik kay Andrei, pinakaba pa ako na baka raw tama yung kutob ko. Pero sabi nya na iinis sya kay lara at tama lang na hindi nya talaga na gustohan yun sa pinaka una palang.

" Wag kang kabahan para ka naman guilty" sabi ni Phem na kumakain ng Kwekkwek

"guilty ako" sabi ko nalang , di ko talaga malunon yung kinain ko. Nag sayang pako nang kwekkwek at tempura. Nanglibre pa ako nang softdrinks kay Phem para samahan ako ngayon sa labas nang campus.

Way To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon