WTY 3 : Tres mo!

27 5 0
                                    

Niel POV

"BREAK NA TAYO !" Sigaw nito sa kin

"Pero baby! May emergency kasi " paliwanag ko ulit

"Palagi ka nalang ganyan , tuwing mag dadate tayo may mangyayari! Di ka sumisipot ! AYOKO NA ! " sabay end call nito sakin

Sayang chikababy ko yun si Clarissa

Lintek ! Wala akong pang palit dun

Kung di lang sana ako na abala sa simbahan , edi sana walang problema!

Okay na sana yun eh !

Kaso yung ate nung batang sammie akala mo nangidnap ako. Kasalanan ko bang pinapasok ako nung bata dun?

Hayss di ako makatulog nun dahil parang na guilty ako pero WALA NAMANG DAPAT IKA GUILTY DIBA ?!

Makatalak kasi yung babaeng maganda sakin akala mo ang laki nang kasalanan ko, baka ano bang maisip ng iba sa kin !

Pero gusto ko syang makita ulit , ang cute magalit eh ! Ang sarap mahalin HAHAHAHAHAHA jwk wag umasa , di ako marunong magseryoso eh , pero baka marunong sya at maturuan ako HAHAHAHAHAHAHA

Galing ko talaga , ang galing kong mang bola -,-

Niel Harvey Evangelista ang nag iisa

"Anak, bumaba kana kumain na tayo !" Sigaw ni mama sa baba

Kaya bumaba na ako, 6:00 am na , ang aga kung tumawag kay Clarissa no?

"Oh, anak di ka ba excited ? Makikita mo na yung bagong papasokan mo " tanong ni papa

"Nah, hindi wala namang bago , paaralan parin naman yung papasokan ko "

Tama po ako ! Bakit kapag nasa labas kanang gate makikita mo yung paaralan tapos kapag papasok ka na paaralan parin

Ehh kung sana sa labas ng gate paaralan ang makikita mo pero kapag papasukin mo may malaking bar ! Chikabebs ! Libreng chichirya at arcade. Saya nun ! Yun ang bago !

"Namimilosopo kana naman , Niel ! " sigaw ni mama

"Totoo po yun , pero joke na nga lang " napakamot nalang ako sa ulo ko

Si mama talaga , kaya wala akong ka close kasi lahat sila serioso sa buhay

Eh ako sira ulo -,-

"Oh sya , dali an mo dyan niel sabay kana sakin " sabi ni papa nung tumayo na sya

"Opo"

Ff

Amethyst High napataas ang kilay ko ng basahin ko yun ,

Ito yung papasokan ko ?

Lahat nasila naka school uniform pwera sa kin , naka civillian pa ako

"Sige na bumaba kana , maghanap kana ng kaibigan dyan " sabi ni papa

Napatango naman ako at lumabas sa kotse . Ang daming chikabebs ohh !

Ang sexy , ang iikli ng mga palda ;D

May hinaharap pa

Required ba dito yung high heels ??

Talaga mga anak mayaman.Napangiti ako sa nakikita ko , parang ang saya dito. Napatingin ako sa bulletin Board nandon yung mga listahan ng mga transferees ngayon for sectioning tatlo ang transfer ngayon

NIEL HARVEY EVANGELISTA-- STEM12-n1A
ROOM 320

Arranged by The Amethyst Student Governor : Hera Faustine Villarreal

Way To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon