"GOOD MORNINGGGGGGG CAMPERS!" rinig kong sigaw ni Veron ng may dalang yatang takip na kaldero sa labas ng tent.
Biglang sumangi sa isip ko yung nang yari ka gabi, partners kami ni Andrei diba? Ready na ba akong kasama sya ? Hala.
"Hoy ano na ? Bumangon ka na nga bilis!" Nag mamadaling ani ni Nicolette sa akin kaya wala na akong ibang choice kundi ang umalis sa kinahihigaan ko.
Insaktong pag labas ko nang tent nakita ko si Lara na kakalabas lang din sa ibang tent kong saan mag katabi silang natulog ni Veronica. Hindi nya ako napansin dahil sguro sa kaantokan, kumaway ito sa di kalayuan kong saan nasundan ko iyon ng tingin. Kumaway din si Andrei sa kanya pabalik at nag mouth ng good morning love, ew ?
"Masarap ba ang tulog ng mga friendship ko?" Napa baling ako kay veron sa tanong nya
"Anong masarap ? Kulang tulog ko!" reklamo ni clyn
Nasa mga 7 am pa ata o 6:30? Malamig pa ang hangin.
"Well , people! Wala tayong mga magulang dito kaya kailangan nating gumising ng maaga para kumuha ng kakainin. Alam nyo na ba activity natin ngayon?" Nakangiting sabi ni Veron pag katapos nyang mag tanong sa amin.
Walang sumagot lahat nakaramdam ng antok pero nag hihintay parin ng sagot kay Veron "Ano to? Ako nag tanong ako rin ang sasagot ? " napa irap na sabi sya
Napabuntong hininga nalang ako , nakaka antok.
"OKEY ! FISHING! MANGINGISDA TAYO OKEY ?! KUNG SINO ANG PINAKA MARAMING KUHA YUN ANG MAKAKAIN NILA! " naiinis na sagot ni Veron dahil mukha na kaming mga 6 years old na hindi attentive sa mga discussion nya. "So ano naaa? Work with your partners!" dugtong nya pa.
Hala!
Napatingin ako kay Andrei na ngayo'y nag dadalawang isip kung lalapitan ba ako. Napa lingo ako dahil nag lalaro na naman ng kung ano ano yung utak ko like "Hello, hindi normal sayo na siya ang lumalapit kaya ikaw ang lalapit sa kanya" o "Asa naman na sya lalapit sayo , Hindi naman nya alam kung okey ba kayo sa isa't-isa." at " Ano ? Aatras ka ? Ayaw mong kumain ? Maninigas ka dyan?"
Ahhhhh , stupid mind!
"Tara na" diretso kong sabi nung naka lapit na ako sa kanya. Inunahan ko pa sya lumakad kahit di ko alam kong ito ba ay papuntang ilog. Naka ilang hakbang na ako pero hindi ko paramdam ang pag sunod nya sa akin. Gaano ba syang kagalit para hindi nya ako sundin?! Napapikit nalang ako nang mata at lumingon sa likoran ko
" Faustine ? Okey lang ba kayo? Nasa kabilang direksyon papunta si Andrei" sabi ni Christoff sa akin habang kasama nya si Lara na ngayoy tinitigan ako.
Hindi na ako sumagot sa kanya at bumalik sa aking nilalakaran upang maka sunod kay Andre. Halos lakad takbo ang aking ginawa dahil sa bilis nito.
"Andrei , sa tingin ko hindi ito ang papuntang ilog" disturbo ko ng sabi habang matapang akong humarap sa kanya
Hindi sya sumagot peroo okay lang yan Faustine, pag pasensyaan mo lang.
"Andrei" kalabit ko sa kanya na agad nyang pag iwas, nasasaktan ako.
"Hindi mo makakain ang isda kung wala kang pang luto" hindi nakatinging sabi nya sa akin habang busy syang lumilinga sa unahan.
Napakalamig nya kong mag salita pero ayokong isipin na baka excuses lang din nya ang mag hahanap ng kahoy para hindi nya ako nagawang tignan.
Mahirap maging sobra observative, lahat sa tingin mo may meaning. Masasaktan mo sarili mo sa sobrang makahulugan mo, hindi ko naman masisisi diba ? Minahal ko to eh. Hindi ko kayang mag isip nang wala lang sa mga inaasta nya. Napabuntong hininga nalang ako, this shall thou pass faustine! Cheer up mo sarili mo. Kalma okay?
BINABASA MO ANG
Way To You
Teen FictionWay to you--- Hindi ako sigurado pero nag ba baka sakali.There is no moon like you, gagawin ko lahat.