Di ko alam kong saan ako dadalhin ng mga paa ko pag ka tapos kong mag kulong sa comfort room. Minsan talaga para akong timang , bigla nalang akong aalis sa kadahilanang di ko naman talaga alam kung bakit . Yung bigla lang ako aalis para isipin yung naririnig ko .Surprise? Ano naman yun , alam kong normal lang mang surprise sa taong may birthday pero na ibigay na yung regalo ni Andrei kanina.
Nung pumasok na sa isang higanteng pintoan si larah nag hintay dun sa gitna si Andrei at surprisang nag lagay sya ng necklace sa kanya.
Isn't it romantic . Lahat yata ng tao dito kinikilig
Bagay na bagay sila sa paningin ng iba hahahah ano naman kasi ako ? Dapat ko bang eh decribe kung ano ako para ka awaan ko na mismo?
Self pity? Nah.
Di ko alam
Napatingin ako sa salamin, di ko alam pero pangit na pangit ako sa sarili ko ngayon! Parang iritang irita ako , naiinis din ako kasi wala akong magawa! Nasasaktan ako ! Napapakuyom nalang ako ng kamay . Di ko na namalayang bumagsak na ang mga luha ko.
Kitang kita ko ang sakit sa mga mata ko, sa pag daloy ng mga tubig sa pisngi ko kasabay ng pag ka sira ng make up ko. Binuksan ko yung gripo at nag hilamos para tanggalin yung kolorete sa mukha. Nilugay ko yung buhok ko na ngayoy subrang wavy dahil naKa bun ito kanina.
Gusto kung umiyak ngayon! Gusto kong umiyak lang ng umiyak ng mag damag
Gusto kong mapag isa kasi dito ako mas sanay.
Alam ng lahat na nasasaktan ako pero di nila nakikitang umabot ako sa point na gusto konang iiyak lahat ito.
tuwing nararamdaman kong ito
Masyado akong secured sa sakit , hindi ko ito mailalabas.
I smile.
Ito ako, pag ka tapos umiyak balik ako kung ano ang dapat. Naibuhos ko naman eh. Tapos feeling ko magaan na ang pakiramdam ko. Lalo na't nag paka simple ako ngayong gabi .
Wala ng make up at na ka lugay na ang buhok. Walang ka hairstyle hairstyle.
Di ako dumiritso ng venue nung nakita ku lang naman na nag sayawan ang lahat . Nag pa party party . Wala naman ako sa mood maki sabay kasi si Niel lang naman ka kilala ko dyan.
Umalis ako at pumunta sa ibaba , may nakita kasi akong halamanan dun sa kaliwang parte.
Na pag isipan ko ring ang sarap umupo dun sa isang bermuda habang niyayakap yung binti ko. Malakas ang simoy ng hangin . Parang ang sarap lang matulog.
"Hello, San ka ba?"
"Wag mo akong pag tritripan Wallace!"
Gumapang ako at hindi tumayo , baka makita ako kapag tumayo pa ako
Nawala ako sa pag seself pity ko ng may narinig akong may nag uusap sa phone hinanap ko kung boses nya kasi may kutob talaga akong kilala ko yung tinig na yun ! Ayaw kong mambintang pero ramdam ko talaga na si Lara yun ! At sa di kalayuang lugar may naka dikit na phone sa tenga nya habang syay lumilinga. Naka talikod sya sa akin nung may sumulpot sa likoran nya.Hindi naman sya umilag nung bigla syang niyakap nung lalake. Tanging naramdaman ko lang ang pag kulo ng dugo ko sa pinang gagawa ng mga hayop nato ! Anong ginagawa ng isang mabait na babae kasama ang isang pang lalake?
Nangangaliwa ?! ANG KAPAL NG MUKHA NYA ! SINOOOOO BA YAN ? HINDI KO MAKITA ANG MUKHA!
"Happy birthday"
"Salamat makaka alis kana" sabi ni Lara dun sa lalake
Pero imbis umalis ito may idinukot pa ito sa bulsa nya . Kumikinang, Isang kwentas. Katulad na katulad dun sa ibinigay ni Andrei sa kanya.
BINABASA MO ANG
Way To You
Novela JuvenilWay to you--- Hindi ako sigurado pero nag ba baka sakali.There is no moon like you, gagawin ko lahat.