WTY 5: Sci tour

18 4 0
                                    

"Oh, faustine , talaga bang okey ka? may hindi kaba sinasabi samin ? " sabi ni liezyl

"Ano ka ba ! Okey lang ako kulang lang sa tulog " sabi ko

Tutuo naman dahil sa kakaiyak hayss . Di ko talaga maiwasang isiping na may gf na sya !

Kasi naman kasi , bakit ko pa di nahanda yun!
SINO KA NAMAN KASI FAUSTINE VILLAREAL SA KANYA ?! ISANG HAMAK NA GRADE SCHOOL FRIEND ? NAKAKATAWA

Ayy, ewan dinibdib ko pa kasi !

"Naman kasi ! Ang tahimik mo eh ! " palo sakin ni Fielyn

"Wala lang to ! Tsaka ano ba yan, may assignment ? "

"Yah, ang hirap nito! Kung hindi lang sana ako mag memed in the future di ko to sasagotin ! " maktol ni liezyl

"Oyy, Eunice may answer ka sa pre cal ? " tanong ni liezel nung nakita itong dumaan

"Yes , ang galing ng ni Niel sinagotan nya lahat " kilig pa nito

Napataas naman ako ng kilay. Ang yabang nung Niel nayun !

"Kailan kung kumupya sa kanya , sge bye " agad na tayo ni fielyn

"Oyy, sama ako , bahala na !" Tayo naman ni liezyl

Ayy iniwan ako ganon ?! Kukopya nalang ako mamaya kay fielyn , ayokong mag makaawa sa yabang nayun !

Dito nalang ako sa canteen kakain ULIT .

"Faustine! "

Tawag ni Phem

"Oyy girl , kamusta na ! Namamaga parin yung mata mo oh ! " alalang sabi ni Phem

Alam ni Phem lahat , nandun sya sa panahong na realize kong mahal ko na si Andrei at sa mga nangyayari sa kin? Saksi sya sa lahat.

"Oo nga eh "

"Alam mo Faus ! tama na yan okey? di ko sinabing forever kang maging ganyan " sabi nya

"Andito pa din eh "

"Move on faus ha! maghanap kanalang kasi ng iba" sabi ni Phem

"Mahirap yun nho " sabi ko

"Madali kaya maghanap ng iba , ang dali nun! Try mong gustuhin si Nielovership" hampas pa sakin

"Nielovership?"

"Ayy Oo tinayo yan ng kaklase kong fansclub sa kanya hihihi"

Ano ba yung nakikita nila sa lalakeng yun!  Gwapo daw sya , Matalino daw, funny pa at lapitin ng girls pero kahit kailan di ko ideal guy ang tulad nya.

KASI PANGIT SYA DI SYA TULAD NI ANDREI !

MAS MATALINO AKO PERO NABOBO SA PRE CAL !

MAS FUNNY PA SI ANDREI SA KANYA KAYA NA INLOVE AKO !

AT MAS MARAMING NAIINLOVE KAY ANDREI KAYSA SA KANYA DAHIL HINDI SYA TRYING HARD PARA MAGUSTUHAN !

Hayss nag compare na ako

Ang laki ng gap para gustuhin ko sya

"OH, NATAHIMIK KA NUN ? si Niel nalang kasi ! Kahit maging crush mo lang" pilit sa kin

"Wag mo nga akong ipilit dun, ipilit mo na ako sa lahat wag lang dun, jusko! " turo turo ko pa sa kanya

Napabuntong hininga pa ito

"Yah. Corny mo talaga ! Halaa sige kita nalang tayo mamaya bye !"

At dahil malapit na yung time kailangan ko nang mangopya kasi ang presidente nyo no choice di kasi ako naka pag focus kahapon hays!

***room

"Psst! Fielyn ! Lika ! " sabi ko

"Ano? Nangungopya pa ko , wait "

Urghh ang tagal ha! kanina pa sya dito ngayon lang naka kopya -,-

Hihintayin ko nalang sya

Tinignan ko nalang yung mga. Classmates ko busy din , busy kaka dikit kay Niel ! Akala mo talaga ang talino.

Busy din si Niel kaka tutor ! As in busy lahat , ako? Ito busy kaka hintay sa BLESSINGS

"PSTT! Fielyn, ano? Tapos na ? "

"Oo ito na " kukuhin ko na sana ang note book ni fielyn ng may kumuha nito

Napatingin pa ako dun sa kumuha

"Problema mo ?! " pataray kong tanong

"Ikaw problema ko , swerte mo yata ?"

"ANO?! "

"Nag effort si fielyn sa hingin ang answer ko at nag paturo tapos ikaw? Walang kahirap hirap , nakakupya agad?" Na unfairan pang sabi nito

"Inggit ka lang kasi makakakuha parin ang ng answers, akin na yan ! " hablot ko pero mas iningatan pa nya

Mas matangkad sya sakin kaya mas lalong di ko naabot yung notebook ni fielyn

"Urghh! Ano ba last minute na ! " pag tatantrums ko nang sabi

Putek ! Wala na nga akong love life wala pa akong sagot sa pre cal ! Ano na ang magiging future ko nun?!

"Lahat ng bagay pinag hihirapan , kaya kailangan mong mag effort , ang hirap kaya nung pre cal tapos agad mong makukuha ang sagot sa iba , pinag hirapan kaya nila kunin yun sakin " parang batang nag mamaktol nya

Napakunot naman ako ng noo

"ANO BANG GUSTO MONG GAWIN KO HA ?!"napangiti naman sya

"Edi dito ka mag paturo sakin tapos pakukupyahin kita ganon lang ! " ngiting aso pa nya

Tapos hinagis nya yung notebook na agad namang na salo ni fielyn ! Bwesit nginitian ako ng GAGA !

Ewwwww !

"Class seat down ! "

Dumating na pala yung guro namin litse , edi sana tapos na akong komopya ! Edi sana di na ko ulit mag alala sa pre cal ! Ptanginang Niel !

"Ms. Mayor mamayang vacant tutor kita ha ? "

Urghhh! Nakakainis ka Niel Evangelista

Pinandilatan kulang sya ng mata

"Okey class Since September na may Science Tour tayo sa Western Academy! Im sure masaya yun opportunity yun para makita din ang school nayun ! "

Lahat nag ingay na !

"Wee-A is real ! Makikita ko na ang magarang building dun "

"Talaga ? Para daw yung palasyo ? "

"Oo sabi nung pinsan ko.  Dun sya nag aaral ngayon "

"Wow! Ang dami sigurong gwapo at ang dami daw matatalino dun ! "

Narinig kong usapan ng iba

"Guys! Quiet may sasabihin pa si ma'am ! " awat ko sumosubra na eh

"Ay kj "

Pabulong pero rinig kong sabi ni Niel

"Okey , Class since kailangan naminng mag meeting pa for that, wala tayong gagawin ! " at umalis na si ma'am

"Yohooo! WEE-A malapit na kami dyan ! "  na excite pa tuloy sila

Western Academy, never ko pang napuntahan pero parang di na ako interesado ,

Baka makita ko sya
Pero parang di naman siguro may klase sila habang nandun kami

Parang ayaw ko nang makita sya kasi masakit pa ! Mas pipiliin ko yung ganito lang , yung di ko sya makikita. At malayo ako sa kanya . Kontento nako sa ganito kasi di pa ako handa

Way To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon